Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2014

Blogging sa Lesson Plan :)

"Kapag ako'y nababato, nagba-blog sa lesson plan ko. Sarili'y tinatanong, ng kung anu-ano." 2 / 27 / 14 (while in my class… morning schedule…) Q1: Where do you want to go? A1: I want to be in a place where there are many people who are busy living their life doing passionately the thing that they want to do. Q2: Who do you want to meet? A2: I want to meet an old guy who is about twice of my age, full of wisdom and has many stories to share. Q3: What are you thinking today? A3: I’m thinking of the people I’m going to meet in the future… I’m thinking of traveling with some fellow bloggers. Q4: If you were a writer, what do you want to write about? A4: I want to write about how it feels to love and be loved, and be hurt because of love. Q5: Are you feeling good today? A5: I’m not feeling well actually… I have a sore throat… I have ‘low tolerance’ on ‘sweet things’… Q6: Are you living the life of your dream? A6: Not e...

Apat na shorTULA, sa Klasrum Nagmula

TROPHY Paghihirap ay di mababalewala, Makakamit din ang gantimpala. Huwag sumuko sa laban, Pag-asa'y laging nariyan. Walang kasing taas at kintab, Tagumpay na umaalab. Nasa amin na ang 'trophy,' Inangkin namin ang 'victory!' _ _ _ _ _ _ _ NAT (Test Booklet) Mga tanong na makukuNAT, Pilit na inuungkat. Lahat ay pasasagutan, 'One to sawa,' walang ayawan. Tunay na kaalaman, Mayroon ba talagang sukatan? Kung ma-'perfect' namin ang NAT, Kami ba'y magiging ANGAT? _ _ _ _ _ _ _ LAPIS Lapis na matulis, Mukhang kanais-nais. Animo'y bago, Walang naidulot na pagbabago. Lapis na pudpod, Niluma ng ubod. Tunay na ginamit, maraming nakamit. _ _ _ _ _ _ _ ANSWER SHEET Apat na letra, A, B, C at D ang makikita. Itiman ang napili, Tama man o mali. Buhay ay naglaan, Ng mas maraming pagpipilian. Malaya kang pumili, 'badtrip...

PANGUNGULILA

PANGUNGULILA Paano ko kamumuhian, Itong tanawing lagi nating pinagmamasdan. Na siya rin pa lang babawi, Sa pagmamahal na kaytagal kong minithi. Paano ko malilimutan, Matagal nating pinagsamahan. Kailanma’y di ka na maibabalik, Kahit pa sa dagat ako’y humalik. x-o-x-o-x Ang larawan ay mula sa  "The Many Faces of Love: Yahoo's Picture of the Day" . Ang larawan ay kuha ni  Donnie Tzaneva . x-o-x-o-x #shorTULA #EmotePaRinSaPebrero

MALAY MO...

MALAY MO Lunurin ang sarili, Sa mga bagay na makasarili. Malay mo bukas, Kalungkutan mo’y magwawakas. Ngunit ‘wag mong hayaan, Na sarili’y pabayaan. Malay mo bukas, Kalungkutan mo’y di na mababakas. x-o-x-o-x #shorTULA #EmoteKasiPebreroNa