Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2013

The Stranger

‘ESTRANGHERO’ -jepbuendia- Dalawampu’t tatlong taon na kitang kasama, ngunit di pa rin lubos na magkakilala. Napakadalang nating mag-usap, hindi nga rin magawang mayakap. Alam kong sa trabaho, ikaw ay abala. Kami rin naman kasi ang iyong inaalala. Sa iyong pagsisikap, marami kaming natatanggap, ngunit higit pa dun ang aking hanap. Sa iba, di ko maiwasang mainggit. Sila, na sa kanilang ama’y malapit. Iniisip ko kung paano kaya madarama, ang pagmamahal ng isang ama. Araw-araw man tayong nagkikita, di naman natin madama ang isa’t isa. Maraming kwento ang lumipas na, mga tagpong di man lang kita nakasama. Ayokong isipin na ang ama ko ay para bang isang estranghero. Sana’y magkakilala pa tayo, ako na anak mo, ikaw na ama ko. x-0-x-0-x P.S.                 Father’s Day, pero di ko man lang mabati ang aking ama. Hindi ko alam kung bakit di ako naging close...

Hiyang-Hiya Naman Ako Sa'yo

“Hiyang-hiya Naman Ako Sa’yo” -jepbuendia-                 Hiyang-hiya naman sa atin ang sarili nating bansa. Dati halos ubusin na natin ang mga telenovelang di sakto sa bibig ang dialogue na mula sa madalas nating kalaban sa boxing- ang Mexico . Tapus ngayon, mula umaga, hapon at gabi, kulang na lang lahat ng time slot eh may Koreanovela… requirement na ba yun sa isang tv station?                 Ano na bang nangyari sa sarili nating identity ? Wala na bang kakayahan ang mga NoyPi na gumawa ng orig?                 Sa pangalan pa lang eh nalalabnawan na ako sa ating pagka-Pilipino. Di naman sa nais kong manatili sa mga makalumang pangalan tulad ng Kurdapia, Procorpio o kaya tulad ng pangalan na Makisig at Mayumi. Ang pinupunto ko lang ay yung bakit O...

Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa :)

“Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa” -jepbuendia-                 Sabi ni Dan Brown, kung hindi man nagustuhan ng iba ang ‘taste’ niya sa pagsusulat- “I cannot do anything about it.” Oo nga naman, may punto siya dun. Dahil kung didiktahan natin siya sa kung ano man ang dapat niyang isulat, eh di sana hindi na lang siya naging manunulat. Gayunpaman, tulad ng kanyang sinabi, wala rin talaga siyang magagawa kung marami ang nag-react sa kanyang isinulat tungkol sa Manila na binansagang “gates of hell” sa kontrobersyal niyang akda na “Inferno”.                 Eh ano ngayon kung sabihan man niyang “gates of hell” ang Manila? Ang librong isinulat niya ay nasa kategorya ng mga akdang “fiction”. Ibig sabihin, likhang-isip lamang at hindi makatotohanan. At kung may nais man siyang iparating na kahit na anong mensahe ...

Random Buhay

Ika-29 ng Mayo, 2013 Miyerkules, 6:18 ng gabi                 Madali lang talaga mawala ang buhay. Kanina, habang nasa Obando pa ako, naging usap-usapan ang isang tindero ng manok sa Polo na binaril. Akala ko nung una ay kung sino lang ang pinag-uusapan ng mga tindera nung nagpa-load ako bandang alas-nuebe ng umaga. Tapus, pag-uwi ko ng hapon, nabanggit ng nanay ko ang balitang iyon… saka ko napagtanto na parehas pala sila ng tinutukoy. Kaybilis ding kumalat ang balita mula Polo hanggang sa kalapit na bayan ng Obando.                 Kaya nga ninanais ko na damhing mabuti ang buhay. Kahit na di ko pa lubos na nakukuha o naisasakatuparan ang mga nais ko, sinisiguro ko na bawat araw na lilipas ay magiging masaya ako. Maaring hindi sa buong araw, pero tinitiyak ko na may isang bagay akong nagawa at nakahalakhak ako ng lubos, okay n...