Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2012

Ang Mahaba kong Note...

Di na talaga mapipigilan ang pagsapit ng 2013! Nakaka-pressure yung katamaran ko kasi pagkatapos ng mga 'celebration mode' back to work na naman, tsk! Hinihintay na naman ako ng mga minamahal kong papel na kailangan kong saksakin ng pulang ballpen :) ang class record at ang pagpa-plano para sa buhay ko at sa iba hehe. Nakakatuwang magbasa ng mga post ng ibang bloggers ngayon. Very thankful sila sa mga nangyari sa kanilang buhay. Naisip ko nga eh, gagawa rin ba ako? Eh ang pinaka highlight ata ng buhay ko ay yung nangyaring  baha  :) Yun ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa ko sa teleserye ng buhay na 'to hehe, one take lang yun ah, 'yoko na maulit eh. Kung meron man isang bagay na na-enjoy ko talaga ngayong taon, bukod sa pasasalamat ko sa aking pamilya at mga kaibigan etc, ito na siguro yung napadpad ako dito sa blogosphere. Yung pagbo-blog. Ito yung isang bagay na nitong taon lang talaga nangyari sa life ko... and I have learned a lot. Sabi ng ibang...

Ang Sarap :)

Mahirap talaga minsan pagsabayin yung mga bagay na gusto mong gawin sa mga dapat mong gawin :) Bakit ba kasi minsan, di sila magkaparehas? Napakadaming tao sa mundo, mga 7 billion na ata tayo, 7 bilyon ding mga pangarap, pwede bang lahat yun ay matupad? Tatlong taon na akong graduate sa kolehiyo, sa'n ba talaga ako tutungo? haha :) Sabi ng nanay ko, 'always chase your dreams', sosyal pero in-english ko lang talaga :) Minsan nakakainip maghintay... nakakapagod din mag-effort... may mga down moments, pero ganun siguro talaga, kapag may gusto kang matupad kailangan paghirapan. Sabi nung lolo na katabi ko sa bus, ilan taon na daw ba ako? syempre nagpabata ako lol. Sabi niya sa tanda ko daw bang iyon ay masaya ako... tapus napaisip ako, natulala ako sa salamin ng bintana. Dinedma ko na yung mga kasunod na kwento niya etc... Tulad ko ay yung babaeng nasakyan ko sa trike, pinipilit maging matapang. Mura siya ng mura habang papaalis sa mga kasama niya sa pilahan... sa...

I hope I'm OK...

Ewan ko, bigla ko na lang ‘to naramdaman ngayon. Yung feeling na para bang may ‘kulang’… yung tipong kahit magawa ko ang mga bagay na sa tingin ko’y nararapat kong gawin ay di pa rin yun sapat para maintindihan ko kung ano yung ‘kulang’ na kailangan kong punan sa lalong madaling panahon. Iniisip ko kung ito ba yung ‘lovelife’ na halos wala nang lugar sa buhay ko na ‘to. O kaya naman ay yung mga karanasan na sa tingin ko ay magpapatatag pa nang husto sa akin. Hindi ko talaga lubos na maintindihan pa sa ngayon… Kanina, I caught myself looking into the fb pictures ng isang klasmeyt nung elem, kasama niya yung girlfriend niya sa picture. Sweet at mukhang masaya sila…nainggit lang ako, buti pa sya meron. Then I asked myself, anu nga ba ang ibig sabihin na matagpuan mo na yung iyong ‘better half’? Ano ba yung pakiramdam ng para bang may kahati ka sa lungkot at saya ng buhay… Gaano ba kasaya yung feeling na may nagmamahal sayo? Na may tatanggap sayo no matter what and who you ar...

My New Year's Resolution: Malapit na kasi ang Dec.21 :)

Unang araw ng Disyembre, kaya gumawa ako ng new year's resolution. Baka kasi matupad yung end of the world ng Mayan calendar sa Dec. 21, at least looking forward pa rin ako sa new year :) 1. Bawasan na ang pagiging 'tulala creature'. -feeling ko kasi sa pagiging tulala ko lang nararamdaman na tunay pa rin akong tao :) na pwede naman akong tumigil kahit sandali sa mga pinagkakaabalahan kong anek-anek... yun nga lang minsan napapasobra nagiging 'tulala forever' :) 2. Be brave. -maging matapang kasi sabi nga ni Steve Jobs, kung takot kang mabigo, you'll not go very far in this life... I have my visions naman kung saan ako pupunta at kung ano ang mga bagay na gusto kong gawin, siguro masyado ko lang kino-consider yung mga palagay ng 'iba'... eh sila yun eh, di naman ako yun, so be brave to take your own steps sa buhay... 3. Follow your heart, dreams and intuition. -sa ganitong paraan magagawa ko kung anong gusto ko, ganun talaga ang life eh... ...