Sarap ng Buhay 'pag may mga Kaibigan



Mapalad ang mga taong nakahahanap ng mabubuti at totoong mga kaibigan, isa yan sa mga dahilan kung bakit masaya ang mabuhay sa mundo... yung alam mong gigising ka sa isang panibagong araw na alam mong may mga taong nagmamahal at kumakalinga sayo bukod pa sa 'yong pamilya.

Happy Friendship Day! *pauso?*

Epekto lang yan ng pag-gala ko kanina sa kabila ng katotohanan na mas inuna ko pa ang mas maraming bagay kaysa mga nararapat na bagay... as always... sakit ko na yan... but at the end of the day, lagi ko kasing iniisip na 'maikli' lang ang buhay... kaya yung mga 'minsan' lang mangyari tulad ng 'get together' ng mga kaibigan na di mo na madalas makasama ay mas inuuna ko na... yung mga gawain kasi sa trabaho ay paulit-ulit din naman at laging may oras para dun, pero yung mga ganung 'moments' di laging nauulit...

Pagkatapos ng gala na-realize ko na...

1. Kung may conflict ka man sa isang tao, tulad ng di pagkakaintindihan, wag kang mag-explain hangga't di pa s'ya ready na pakinggan ka. Kasi panigurado, kahit anu pang explain mo, kung talagang pinaniniwalaan niya na tama s'ya, para ka lang nakikipag-usap sa wala... kasi wala rin naman yun patutunguhan.

2. Kung talagang pinapahalagahan mo ang iyong mga kaibigan, wag mo lang isipin at damhin na mahalaga sila para sayo... kasi maaaring di nila maisip yun o madama kung di mo naman din ipapakita sa gawa.

3. Kung nahusgahan ka man, wag mong sirain ang iyong sarili. Yung tipong nasabihan ka ng "dahil dyan nakilala kita etc..." Wag kang magmukmok. Move on. Sabi nga di mo mapipilit na sumang-ayon ang lahat sayo. It will  take years for an individual to know his self well... tapus sa isang iglap hahayaan mong masira ang pagkakilala mo sa iyong sarili dahil sa isang panghuhusga? Come on! :)

4. At kung nasaktan ka dahil sa isang iglap na panghuhusga... dapat na matutunan mo rin na wag ding manghusga ng ganun na lang sa kapwa. Learn from your experience ika nga :)

5. At panghuli... tulad din ng laging ipinapayo sa akin... anu man ang naranasan o nagawa mo kahapon... matuto kang mag-MOVE ON :) Sige lang tuloy lang ang buhay. Libre ang magkamali, ang mahalaga ay may natutunan ka para magamit ngayon at bukas. Di ka naman nabuhay para maging perpekto di ba? Sabi nga eh minsan "it's ok not to be ok".

Mga Komento

  1. wag kang mag-explain hangga't di pa s'ya ready na pakinggan ka. >>> Korektedby! Tama this. Close minded ang tao kapag fresh pa ang sugats

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama! *based on personal experience yan*
      wala talagang patutunguhan hangga't sarado ang isipan...

      Burahin
  2. has namimis ko mga tropapips ko hahah agree din ako sa first one thumbs up ako dun

    TumugonBurahin
  3. at importante totoo ka sa kanya at hanggang sa huli at huli pa man iniisip mo pa rin kapakanan niya ... yan ang tunay na kaibigan

    TumugonBurahin
  4. sometimes makikilala mo ang isang tao sa kanyang mga set of friends. ;-) importante talaga sila sa life

    just me,
    www.phioxee.com

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dahil minsan ang mga kaibigan ay reflection din kung sino tayo

      Burahin
  5. Importante ang mga kaibigan. they are the family that you choose.

    TumugonBurahin
  6. sakto lang na ngayon ko lang nabasa to. maraming salamat, naliwanagan ako :)

    TumugonBurahin
  7. tama... masarap sa pakiramdam ung alam mong may tunay kang kaibigan.. mahirap kasing maghanap ngayon ng totoong kaibigan... maswerte ka kung nakahanap ka na...

    Mahalaga din na may kaibigan tayo.. sila kasi ung next family...

    Keep on posting...

    TumugonBurahin
  8. Tama ang iyong mga nareliaze. Masaya mabuhay. Hindi perpekto ang life at sa bawat pagkakamali my natututunan tayo. Ayos!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento