Lumaktaw sa pangunahing content

Eh Araw Namin Ngayon :)




Dati isa lang akong estudyante. Simple lang.
Ngayon guro na. Komplikado...

Kasi marami na akong dapat gawin. Ngayon di lang naman sarili ko ang kailangan kong intindihin at paunlarin... pati sila- mga anak-anakan mo kahit single ka pa :)

Mahirap.

Mahirap humubog ng isang bata. Ano pa kaya yung higit 200 mag-aaral na kinakalinga mo araw-araw... dagdag ang ilan daan pa na naging estudyante mo at mga nakakasalubong mo sa campus ng eskwelahan.

Sa laki ng aming tungkulin, pera pa ba ang aming iisipin?
Kaya kahit 'empty' ang bulsa, ok lang basta mapuno 'sila'
Kasi alam namin pagdating ng araw... pwedeng buong bansa ang makinabang :)

Yung tipong, pwedeng araw-araw kang mabastos
Pero okay lang, mga bata kasi eh, dapat pagpasensyahan ng lubos
Tapus, minsan maiisip mong sumuko... pero ngayon pa ba? Nasimulan ko na ang misyong ito.

Yung mga ginagawa namin, walang instant result.
Kaya yung tinanim namin ngayon, ilang taon pa bago lumago.
Hangad ko na ibahagi di lamang pang-kaalamang libro,
kundi pati na rin natutunan ko sa buhay at sa pagiging ako.

Salamat. Kasi pinagbigyan ako na ma-experience ang maging guro. Nakakataba, hindi ng bulsa, kundi ng puso :)

Sa ngayon, di ko pa masasabi na tama lahat ng ginawa at inisip kong makabubuti para sa mga dumaan sa buhay ko... Basta ang hangad ko lang ay magkaroon ang bayan na 'to ng mas mahuhusay at mabubuting tao :) *ambisyoso talaga ako* :)

Kaya para sa ating lahat, MALIGAYANG ARAW NG MGA GURO!!!

Mga Komento

  1. The life of a teacher is a long-term investment. Saksi ako diyan dahil ang lola ko teacher. Matanggal siya naging teacher sa elementary kaya halos lahat na yata ng residente ng baranggay at ng bayan namin naging estudyante niya. Ang mga naging bunga ng kanyang paghihirap ay mga nasa ibang bansa, yung iba mga nanatili din sa bayan namin. She is well respected kahit medyo terror siya noon.

    In return, madaming sources of help ang lola ko. Kaming mga apo niya at ang mga anak niya ang nakinabang. They said na hindi nila makalimutan si Mrs. Lola Kong Teacher.

    Kung ginugsto siguro ng lola ko pumasok sa politics ng bayan namin eh baka maging konsehal pa siya.

    I remember when I was a kid, lagi siyang inaabot ng 12 AM sa pagsusulat ng LP. Sinasabayan ko naman lagi din siya kaya nag-aaral ako sa tabi niya. Puyat din ako. Kaya kahit maliit pa ako eh LATE NA LAGI AKO SA SCHOOL DAHIL SA PUYAT! Hehehe...

    In my part I always acknowledge my teachers in elementary at highschool sa Pilipinas, at ang mga minahal kong professors sa 3 institutes at 4 na courses na pinasukan ko dito sa Italy.

    Ingrato ang taong magsasabing wala siyang natutunan. Hindi kasalanan ng guro yon. Siya na rin ang may gawa non.

    Minsan binabansagan kaming mga expats na bayani. Hindi ba nila naisip na ang kinabukasan ay hinuhubog sa paaralan, sa isang silid na kung saan may isang guro na nagsasakripisyo at unconditionally na minamahal ang estudyante kahit mga may sungay o pinagtabuyan black sheep ng pamilya? Akala ba nila na ang pag-asa ay pinapadala namin through remittance centers? Hindi. bubusugin namin ang ekonomiya ng pera at padala ngayon, pero hindi namin kayang hubugin ang hinaharap.

    One time, pinadalhan ko ng mga regalo yung mga dati kong teachers na naka influence talaga sa akin. Pero alam ko na that's not enough.

    I hope one day maging instrumental din ako sa success nila o makatulong ako sa kahit anong paraan, kung paano tinulungan din ng mga dating estudyante ng lola ko.

    Hindi ako naging madaling estudyante. Ikaw na ang magkaroon ng mapang-mata at aroganteng estudyante. Nabuhay naman sila, at nagpapasalamat ako na sinuportahan din nila ako through all those times at binago sa kanilang pagdidisiplina.

    Hindi ako tulad ng iba. I never blame teachers for all the sh*ts I've been through sa school. But I always thank them for all my victories and good things I had when I was a student.

    Happy Teacher's Day!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. proud ako sa iyong lola :)

      salamat sa pag-share mo ng iyong komento/story
      *nangilid ang aking luha*

      may na-realize agad ako sa isang iglap
      thanks a lot :)

      Burahin
  2. maligayang araw ng mga guro sa iyo ser! malaki ang respeto ko sa inyo. :)

    TumugonBurahin
  3. na-miss ko tuloy mga naging teachers ko... happy teacher's day sir jep :) saludo ako sa inyo....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po :) ako rin bigla ko na-miss ang lahat ng gumabay sa akin mula elementary... i want to thank all of them :)

      Burahin
  4. grbe andaming teacher na blogger .. at tayo na yung dalawa sa madming yun ...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. guro ka rin pala... naku sir kulapitot hapi teacher's day mabuhay :)

      Burahin
  5. Happy Teacher's Day Sir! Ang ganda ng mission mo na humubog ng mahuhusay at (higit sa lahat) mabubuting tao! :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat... yun talaga ang nais ko, kaya dapat pagbutihin ko ang aking sarili nang sa gayon maging mabuti rin sila (naks') :)

      Burahin
  6. isang kahanga hanga ang maging isang guro... na miss ko tuloy mga favorite teacher ko... Saludo ako sa inyo ^^

    ^___^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kahanga-hanga man, pero nangangailangan ito ng sakripisyo;
      na minsan nakakapag reklamo hehe :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...