Lumaktaw sa pangunahing content

I Miss An Interview... *with a vampire*

Things Like That: Interview Sana But I'm Shy :)

Nakakatuwa lang yung araw na 'to... Yung may nagtext na kung ako daw ba si *name ko* at kung pwede daw ba akong ma-interview. Wala lang. Yung feeling na, sino ako para interbyuhin? hahaha :)

Nakadalawang text eh, kaya naisip ko, mukhang importante. Kaya pag-uwi ko, nag-reply na rin ako. Yun pala para lang sa school project nila (mga graduating educ students). So akala ko naman simpleng question and answer lang kaya ang plano ko sana ipa-email na lang yung mga tanong at sasagutan ko na lang para may project na sila lol :) Pero kelangan pala i-video *nahiya naman ako* so bigay ako ng mga alibi na pagtanggi tulad ng busy ako lalo na't laging hanggang 6:50am to 5:20pm pa klase ko everyday *binanggit ko talaga* lol

Kung pipilitin sana nila ako at gagawa sila ng way para maayos yung pagkikita namin, papa-interbyu sana ako eh, kaso ang reply sa 'kin "cge po thanks" *ka-bwiset* hahaha

Sayang tuloy ang opportunity na makita ng madlang pipol... malay mo eto na ang big break ko sa indie films :)

Well, ayoko rin naman talaga. Una, hindi proper ang pagtetext if you are really aiming na ma-interview ang isang tao, anu ba naman yung tawagan di ba. Pangalawa, ayoko kasi may pagka anonymous ang style niya, tinanong ko kung sino siya or sila, ang sagot lang 4th year students sila of this school... umpisa pa lang waley na sa akin ang approach. Hindi man lang nagpakilala. *bitter?* lol

Well, that made my day, hoping na next time si Boy Abunda or Jessica Soho na ang mag-iinterview sa akin hahaha *anung meron?*

x-o-x-o-x

An Apple a Day from Steve Jobs

Your work is going to fill a large part of your life, and the only way to be truly satisfied is to do what you believe is great work. And the only way to do great work is to love what you do. If you haven't found it yet, keep looking. Don't settle. As with all matters of the heart, you'll know when you find it.

x-o-x-o-x

Alam ko na kung bakit minsan *or palagi* ay lutang ako sa buhay...

may sakit or bad habit na ata ako eh...

napupuyat na nga... tapus nagigising pa ng alanganin... tsk! Pa'no ako tataba niyan? :)

Kasalanan talaga 'to ng haggard na sked namin eh. *may masisi lang*

Mga Komento

  1. That's very inappropriate naman, Education pa man din ang pinag-aaralan nila. You should've given them a lesson or two on etiquette sabay deny them the privilege. Di ba?

    Hirap sa mga kabataan ngayon they treat these things na parang ewan. It's really inappropriate. Oo, epal ako at apekted na apekted talaga ako.

    People laugh at me when I send important messages through emails or private messages. Minsan may mga nagaabot ng email ko o phone number sa wall ng facebook. Nako hindi ko pinalampas na masermonan sila at turuan ng tamang asal. Mga inasal talaga hindi puede!

    I think you should right them something. Show them how disappointing they are and tell them to change course because it would be the end of civilization kung magiging guro pa ang mga yan!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i can really feel your sentiment mr tripster, napaka-profound mo talaga *makagamit lang ng profound*
      oo inappropriate nga yung ganung gawi nila, pero pinalampas ko na lang coz i dont want to waste time *charot* :)

      Burahin
  2. Medyo nakakatakot nga kung may element of anonymity ang taong mag i-interview sayo. dapat sa umpisa pa lang sinabi na lahat para makuha mo yung trust ng ini-invite mo. talk about ethics eh'

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree :) walang details and somehow informal *gusto formalan? :)*

      Burahin
  3. well siguro may mas magandang nakalaan para sayo

    TumugonBurahin
  4. hello sir jep kumusta?...haggardness pa rin ba? hehe.. sayang ang interview..pero lalo madadagdagan ang haggardness pag sumikat ka na hehe..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. im fine thank you lol :) kamusta na rin u? oo nga sayang, pero oks lang din, school project lang naman yun, hintayin ko na lang yung mala 'da buzz' na interview haha

      Burahin
  5. Naku baka mga stalker mo, or pwede ring tg-hanga. Don't worry sa pagiging payat mo kasi as you grow older tataba ka talaga. Pustahan pa tayo :)

    TumugonBurahin
  6. I guess, tama nga na hindi ka pumayag sa interview! Kasi bakit anonymous, baka may masama silang balak sayo, hindi kaya mga kidnappers sila? o rapists?! charot!

    Loosen up, Ser! Wag masyado paka-haggard, pano na ang lovelife pag ganyan? hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. rapists talaga haha *di ko ma-take*
      yeah, tama ka jan, kaya nga madalas kami mag-fudtrip ng mga kaguruan para bawas stress at hagardnez *kain-kain na lang*

      Lovelife ba?... career muna lol :)

      Burahin
  7. kaw na talaga sikat,,, hmmm anu naman kaya gusto nilang mapigang infos sayo? wondering... hehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...