Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2012

Sarap ng Buhay 'pag may mga Kaibigan

Mapalad ang mga taong nakahahanap ng mabubuti at totoong mga kaibigan, isa yan sa mga dahilan kung bakit masaya ang mabuhay sa mundo... yung alam mong gigising ka sa isang panibagong araw na alam mong may mga taong nagmamahal at kumakalinga sayo bukod pa sa 'yong pamilya. Happy Friendship Day! *pauso?* Epekto lang yan ng pag-gala ko kanina sa kabila ng katotohanan na mas inuna ko pa ang mas maraming bagay kaysa mga nararapat na bagay... as always... sakit ko na yan... but at the end of the day, lagi ko kasing iniisip na 'maikli' lang ang buhay... kaya yung mga 'minsan' lang mangyari tulad ng 'get together' ng mga kaibigan na di mo na madalas makasama ay mas inuuna ko na... yung mga gawain kasi sa trabaho ay paulit-ulit din naman at laging may oras para dun, pero yung mga ganung 'moments' di laging nauulit... Pagkatapos ng gala na-realize ko na... 1. Kung may conflict ka man sa isang tao, tulad ng di pagkakaintindihan, wag kang mag-explain...

Eh Araw Namin Ngayon :)

Dati isa lang akong estudyante. Simple lang. Ngayon guro na. Komplikado... Kasi marami na akong dapat gawin. Ngayon di lang naman sarili ko ang kailangan kong intindihin at paunlarin... pati sila- mga anak-anakan mo kahit single ka pa :) Mahirap. Mahirap humubog ng isang bata. Ano pa kaya yung higit 200 mag-aaral na kinakalinga mo araw-araw... dagdag ang ilan daan pa na naging estudyante mo at mga nakakasalubong mo sa campus ng eskwelahan. Sa laki ng aming tungkulin, pera pa ba ang aming iisipin? Kaya kahit 'empty' ang bulsa, ok lang basta mapuno 'sila' Kasi alam namin pagdating ng araw... pwedeng buong bansa ang makinabang :) Yung tipong, pwedeng araw-araw kang mabastos Pero okay lang, mga bata kasi eh, dapat pagpasensyahan ng lubos Tapus, minsan maiisip mong sumuko... pero ngayon pa ba? Nasimulan ko na ang misyong ito. Yung mga ginagawa namin, walang instant result. Kaya yung tinanim namin ngayon, ilang taon pa bago lumago. Hangad ko na ibahagi...

I Miss An Interview... *with a vampire*

Things Like That: Interview Sana But I'm Shy :) Nakakatuwa lang yung araw na 'to... Yung may nagtext na kung ako daw ba si *name ko* at kung pwede daw ba akong ma-interview. Wala lang. Yung feeling na, sino ako para interbyuhin? hahaha :) Nakadalawang text eh, kaya naisip ko, mukhang importante. Kaya pag-uwi ko, nag-reply na rin ako. Yun pala para lang sa school project nila (mga graduating educ students). So akala ko naman simpleng question and answer lang kaya ang plano ko sana ipa-email na lang yung mga tanong at sasagutan ko na lang para may project na sila lol :) Pero kelangan pala i-video *nahiya naman ako* so bigay ako ng mga alibi na pagtanggi tulad ng busy ako lalo na't laging hanggang 6:50am to 5:20pm pa klase ko everyday *binanggit ko talaga* lol Kung pipilitin sana nila ako at gagawa sila ng way para maayos yung pagkikita namin, papa-interbyu sana ako eh, kaso ang reply sa 'kin "cge po thanks" *ka-bwiset* hahaha Sayang tuloy ang opportunity...