Lumaktaw sa pangunahing content

09 January 2020 – “magpa-pari ka eh nagjo-jowa ka nga!”




1:17 PM 1/9/2020

Ano ang ginagawa ko sa oras na ito?
May sub ako ngayon sa isang klase sa grade 8; may absent na isang teacher. Dinala ko yung laptop ko para may magawa ako habang nagbabantay sa kanila.

Nag-greet ako sa kanila at nagbigay ng gawain. Magpapanuod sana ako ng isang video clip na related sa pinapagawa sa kanila para kahit paano ay may input din ako kahit sub lang, kaso naalala ko na di pa pala tapos yung ppt na gagamitin ko sa mga klase ko today. Lagi akong walang klase kapag first period (kaya sakto nakapag-sub ako ngayon) at sa oras na iyon ko lagi ginagawa ang ppt ko bago ako magklase para di ako tulala sa faculty habang waiting sa aking class at para ma-maximize ko ang pahinga at lesson planning sa bahay, charot. Minsan may nauumpisahan na akong ppt sa bahay, kaya pagdating ko sa school, sa faculty, konting edit-pindot-save na lang. Sa madaling sabi, di na ako nakapagbigay ng input sa kanila (dami ko pang satsat wala naman pala akong input hahaha) kasi di ko nadala yung remote para makapag-connect sa tv, at saka di ko rin naman alam na may sub pala ako ngayon (edi sana nag-prepare ako, wow parang true hahaha) kaya matapos kong ipaliwanag ang kanilang gawain ay naging busy naman sila lahat sa paggawa habang ako ay abala rin na tapusin ang ppt ko.

Habang gumagawa ako ng ppt, napansin ko ang tatlong students sa  unahan, bandang kaliwa. Isang lalaki at dalawang babae. Gumagawa naman sila. Nawindang lang ako sa kanilang pinag-uusapan, kasi naman ang pinag-uusapan nila ay ang process of moving on (hindi man lang photosynthesis or kahit na ano lol). Si bagets na lalaki raw ay apat na buwan ang inabot bago naka-move on, tapus etong si ghorl na bangka ng kwentuhan ay di raw naniniwala na naka-move on na etong si boy; yung isa naman panay ang gatong sa kwento, halimbawa bakit daw laging nagsisimula sa lettter C ang mga naging gf ni boy at saka lahat ay mapuputi. Sabi naman ni boy, wala namang issue sa kanya kung maputi or hindi (so hindi naman pala racist, char), at saka yung huling naging gf nya raw ang pinakamatagal. Yung hindi ko alam kung paano ako nakakagawa habang naririnig ko ang kwentuhan nila; di naman sila nakakabulabog ng klase, sakto lang talaga na nasa harapan ko yung hilera ng upuan nila kaya naririnig ko, at mas lalong hindi ko naman intensyon na making, nalibang lang ang tenga ko sa kanila. At maiisip ko na lang na buti pa itong mga bagets na ito usapang pagmo-move on sa lablayp ang ganap sa buhay, samantalang ako, ang pinagmo-move on ko ay ang stress na dulot ng maraming paper works hahaha. Naisip ko rin na grade 8 pa lang sila tapus ganitong usapan na; gusto ko rin kaya ng ganyang issue sa buhay, char.

So ayun, kaya naman ako nakapag-type ng ganito is because natapos ko ang aking ppt ahead of time, like may 20 minutes pa before matapos ang oras ng pag-sub ko sa kanila. At dahil may natitirang oras pa ako kaya eto na lang ang ginawa ko, hindi pa rin naman sila tapos eh.

Ano ang ginagawa nila ngayon? Ayun, mega-sulat ng sagot sa kanilang papel. Buti na lang mahangin dito sa third floor; mainit pa rin pero at least may hangin. Nakaka-miss lang yung aircon sa faculty, yung nakaka-fresh bago ako magpunta sa una kong klase.

At yung tatlong bagets pala ay kung saan-saan na napunta ang usapan.

Sabi ni boy, gusto nya raw ang subject na science; nabanggit nya yun kasi tinanong sya ni ghorl na bangka ng usapan kung ano ang gusto nyang kunin sa college. Dagdag pa ni boy, pwede rin daw engineering like electrical or mechanical. At gusto rin daw nya dati mag-try na maging pari, then sabi ni ghorl na bangka ng usapan – “magpa-pari ka eh nagjo-jowa ka nga!” Laptrip din itong si ghorl, di pa naman pari si boy as of this moment. Pero, siguro ang punto nya eh kung gusto ni boy na maging pari, he should act like one na ngayon pa lang. Taray. Kahit laptrip na ako sa inilibot ng kanilang usapan, poker face pa rin ako (kasi baka makahalata sila na naririnig ko sila, nang di naman sadya diba). Napagtanto ko na ganito na pala ang nasa isip ng mga bagets ngayon, eh noong ka-edad ko lang sila eh super-aral lang kaya ako… hahaha!

Ayan, six minutes na lang bago ang totoo kong klase sa grade 9, i-off ko na itong laptop.



Mga Komento

  1. Ang saya kaya mag-eavesdrop sa mga bagets! HAHAHAHA. Dito, sa mga bata ako natuto ng mga expressions in nihonggo at kung ano ang tamang pagbigkas at kung sang part ng conversation dapat sinasabi yung mga ganun... Sana makapag-sub ka ulit sa kanila! HAHAHA

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kamusta cher? :)

      gusto ko rin matuto ng nihonggo... at saka nung thai, saka mandarin din.
      (daming gusto lol)

      keep safe!

      Burahin
  2. 5 years from now, pagtatawanan din nila mga sarili nila :p

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...