1:17 PM 1/9/2020
Ano ang ginagawa ko sa oras na ito?
May sub ako ngayon sa isang klase sa grade
8; may absent na isang teacher. Dinala ko yung laptop ko para may magawa ako
habang nagbabantay sa kanila.
Nag-greet ako sa kanila at nagbigay ng
gawain. Magpapanuod sana ako ng isang video clip na related sa pinapagawa sa
kanila para kahit paano ay may input din ako kahit sub lang, kaso naalala ko na
di pa pala tapos yung ppt na gagamitin ko sa mga klase ko today. Lagi akong
walang klase kapag first period (kaya sakto nakapag-sub ako ngayon) at sa oras
na iyon ko lagi ginagawa ang ppt ko bago ako magklase para di ako tulala sa
faculty habang waiting sa aking class at para ma-maximize ko ang pahinga at
lesson planning sa bahay, charot. Minsan may nauumpisahan na akong ppt sa bahay,
kaya pagdating ko sa school, sa faculty, konting edit-pindot-save na lang. Sa
madaling sabi, di na ako nakapagbigay ng input sa kanila (dami ko pang satsat
wala naman pala akong input hahaha) kasi di ko nadala yung remote para
makapag-connect sa tv, at saka di ko rin naman alam na may sub pala ako ngayon
(edi sana nag-prepare ako, wow parang true hahaha) kaya matapos kong ipaliwanag
ang kanilang gawain ay naging busy naman sila lahat sa paggawa habang ako ay abala
rin na tapusin ang ppt ko.
Habang gumagawa ako ng ppt, napansin ko
ang tatlong students sa unahan, bandang
kaliwa. Isang lalaki at dalawang babae. Gumagawa naman sila. Nawindang lang ako
sa kanilang pinag-uusapan, kasi naman ang pinag-uusapan nila ay ang process of
moving on (hindi man lang photosynthesis or kahit na ano lol). Si bagets na
lalaki raw ay apat na buwan ang inabot bago naka-move on, tapus etong si ghorl
na bangka ng kwentuhan ay di raw naniniwala na naka-move on na etong si boy;
yung isa naman panay ang gatong sa kwento, halimbawa bakit daw laging nagsisimula
sa lettter C ang mga naging gf ni boy at saka lahat ay mapuputi. Sabi naman ni boy,
wala namang issue sa kanya kung maputi or hindi (so hindi naman pala racist,
char), at saka yung huling naging gf nya raw ang pinakamatagal. Yung hindi ko
alam kung paano ako nakakagawa habang naririnig ko ang kwentuhan nila; di naman
sila nakakabulabog ng klase, sakto lang talaga na nasa harapan ko yung hilera
ng upuan nila kaya naririnig ko, at mas lalong hindi ko naman intensyon na making,
nalibang lang ang tenga ko sa kanila. At maiisip ko na lang na buti pa itong
mga bagets na ito usapang pagmo-move on sa lablayp ang ganap sa buhay, samantalang
ako, ang pinagmo-move on ko ay ang stress na dulot ng maraming paper works
hahaha. Naisip ko rin na grade 8 pa lang sila tapus ganitong usapan na; gusto
ko rin kaya ng ganyang issue sa buhay, char.
So ayun, kaya naman ako nakapag-type ng
ganito is because natapos ko ang aking ppt ahead of time, like may 20 minutes
pa before matapos ang oras ng pag-sub ko sa kanila. At dahil may natitirang
oras pa ako kaya eto na lang ang ginawa ko, hindi pa rin naman sila tapos eh.
Ano ang ginagawa nila ngayon? Ayun, mega-sulat
ng sagot sa kanilang papel. Buti na lang mahangin dito sa third floor; mainit
pa rin pero at least may hangin. Nakaka-miss lang yung aircon sa faculty, yung
nakaka-fresh bago ako magpunta sa una kong klase.
At yung tatlong bagets pala ay kung
saan-saan na napunta ang usapan.
Sabi ni boy, gusto nya raw ang subject na science;
nabanggit nya yun kasi tinanong sya ni ghorl na bangka ng usapan kung ano ang gusto
nyang kunin sa college. Dagdag pa ni boy, pwede rin daw engineering like electrical
or mechanical. At gusto rin daw nya dati mag-try na maging pari, then sabi ni ghorl
na bangka ng usapan – “magpa-pari ka eh nagjo-jowa ka nga!” Laptrip din itong
si ghorl, di pa naman pari si boy as of this moment. Pero, siguro ang punto nya
eh kung gusto ni boy na maging pari, he should act like one na ngayon pa lang.
Taray. Kahit laptrip na ako sa inilibot ng kanilang usapan, poker face pa rin ako
(kasi baka makahalata sila na naririnig ko sila, nang di naman sadya diba). Napagtanto
ko na ganito na pala ang nasa isip ng mga bagets ngayon, eh noong ka-edad ko
lang sila eh super-aral lang kaya ako… hahaha!
Ayan, six minutes na lang bago ang totoo
kong klase sa grade 9, i-off ko na itong laptop.
Ang saya kaya mag-eavesdrop sa mga bagets! HAHAHAHA. Dito, sa mga bata ako natuto ng mga expressions in nihonggo at kung ano ang tamang pagbigkas at kung sang part ng conversation dapat sinasabi yung mga ganun... Sana makapag-sub ka ulit sa kanila! HAHAHA
TumugonBurahinkamusta cher? :)
Burahingusto ko rin matuto ng nihonggo... at saka nung thai, saka mandarin din.
(daming gusto lol)
keep safe!
5 years from now, pagtatawanan din nila mga sarili nila :p
TumugonBurahintruth!
Burahinkamusta miss D?
keep safe!
kamusta? lahat ng bagay inaalyze ko na ahahahaha
Burahinano? di ko gets! hahaha :)
Burahin