Lumaktaw sa pangunahing content

"... yun nga nasa itaas na raw sila."



                Ika-27 ng Abril, biyernes, ay nanuod kami nila Eldie at Neri ng The Avengers: Infinity War. Hindi ito isang movie review; gusto ko lang ibahagi na bukod sa amazing na special effects ng pelikula ay katangi-tangi rin ang ilang eksena. Ang pinakapaborito ko ay yung kay Thanos nang kukunin na niya ang soul stone; mapapasakanya lamang ang bato kapalit ng buhay ng isang taong pinakamamahal niya. Ang buong akala ni Gamora ay mabibigo si Thanos, dahil sino nga naman ang mag-aakala na may pagmamahal ang isang villain na tulad ni Thanos. Lumuha si Thanos dahil alam niyang ang kapalit ng soul stone ay ang buhay ng anak-anakan niyang si Gamora; ngunit dahil sa kagustuhan niyang makumpleto ang mga infinity stones, itinuloy pa rin ni Thanos ang paghulog kay Gamora sa bangin para maging alay kapalit ng soul stone…

                Pero bago yun, mga isang oras ko munang hinintay sila Eldie at Neri sa NBS, doon ako tumambay (wala na kasi yung Booksale) para kahit paano ay malibang (valid naman kung bakit sila nahuli, di tulad ko sadyang huli dumarating).

Isa sa mga nabasa ko ay ang Hinugot sa Tadyang ni Lualhati Bautista, ito ay tungkol sa mga kababaihan; iba’t ibang salaysay. Nabasa ko yung parte na tungkol sa kulay na naging label na para sa mga batang lalake at babae – blue para sa mga lalake at pink para sa mga babae. Nakasaad din sa libro na dati ay baligtad ang naka-assign na kulay, pink ang para sa mga batang lalake.

Hindi ko natuloy ang pagbabasa dahil may biglang sumulpot na tatlong mga batang babae (teenagers) mula sa aking likod, tapus yung isa sa kanila binasa ng malakas yung subtitle ng susunod na pahina (na babasahin ko), at kinuha naman ng isa sa gilid ko ang isa pang kopya ng libro, binasa niya ng malakas ang title tapus nagtawanan sila. Hindi ko alam kung nakornihan ba sila sa title o nakakatawa ba yun? Pero, inisip ko na lang, hindi pa kasi nila alam kung tungkol saan ang libro, kahit naman ako nung una parang na-curious pero di naman ako natawa. Kaya lumipat na lang ako sa kabilang bookshelf, kung nasaan yung mga libro ni Ambeth Ocampo (kaysa maimbyerna); nabasa ko na noon pala ay gawa rin sa jade ang mga tools ng sinaunang tao sa Pilipinas, so hindi lang basta ordinaryong bato, kundi jade.

May iba pa akong mga nabasa pero di ko na natandaan masyado, nakaantabay din kasi ako sa text nila Eldie at Neri, at yun nga nasa itaas (cinema) na raw sila.



Mga Komento

  1. Ambeth Ocampo! Sobrang galing nyang history teacher para sakin. Very funny sya maglecture and thought-provoking talaga ang mga points of view nya about history.

    Kelan kaya ko makakaattend ng lectures nya ulit. LOL.

    Tumatanda na yata talga tayo, ayaw na natin ng mga maiingay na mga bagets. LOL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana maka-attend din ako ng lecture niya :)

      actually cher kat, gusto ko nga yung maiingay na bagets eh hahaha (ayaw tumanda...)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...