Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2017

When In Tawiran 03

Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:29 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:32 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:37 PM) o-O-o 1. Hanapin si buntis, si ate, at si nene sa unang larawan. 2. May nasamang mahabang nakatulos na kahoy sa ikalawa. 3. Nakaka-kalma manuod ng sunset! :)

“What makes a good life?”

                “What makes a good life?”                 Ayon kay Robert Waldinger, ang ika-apat na director ng 75-year old study tungkol sa adult development, hindi lamang wealth, fame o achievement ang nagbibigay sa atin ng kaligayahan o satisfaction sa buhay; bukod dito, ang pinakamahalaga nilang natuklasan mula sa kanilang pag-aaral ay ang pagkakaroon ng “good relationships” sa pamilya, mga kaibigan at komunidad. Dagdag pa niya, ang mga taong malapit sa kanilang pamilya o mga kaibigan ay higit na masaya kaysa sa mga taong less socially connected; at hindi rin sa dami kundi sa “quality” ng relationships ang nakatutulong sa atin upang mapanatiling malusog ang ating pangangatawan at kaisipan. Sabi nga niya, sa pagtatapos ng kanyang talk – The good life is built on good relationships.        ...

When In Tawiran 02

Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:15 PM) Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:17 PM) Ito ang ikalawang beses ng pag-bike ko sa may Tawiran, Bulacan. Sayang, hindi ako nakapagtala. Basta ang alam ko lang, masarap manuod ng sunset sa may tulay.

Jasper 02: next time :)

                Homeroom (2017 06 16)                 Ang una ko talagang naisip gawin sa aming homeroom ay magpa-survey at humingi sa kanila ng opinyon tungkol sa paggamit ng red ballpen ng mga teachers sa pagtsi-check ng kanilang mga output. May article kasi akong nakita na nagbibigay ng suggestion na mas mainam daw ang paggamit ng green ballpen (pero actually di ko pa nababasa lol), narinig ko rin na ibinalita ito sa tv.                 Kung hindi man iyon, ang pangalawa kong naisip ay magkaroon kami ng isang group discussion sa isang bagay na maaari nilang pakinabangan; naisip kong pag-usapan namin ang isa sa mga video na meron sa The School of Life sa youtube. Halimbawa yung usapin sa paano ba maging mas confident, o kaya ay mapataas ang self-esteem...

patayin at haluin :)

                Hindi ako mahilig manuod ng mga Korean teleserye (o K-drama series ba ang tawag dun?), kaya nga nagtataka ako kung bakit napakarami ang nahu-hook sa panunuod ng mga ganun. Manuod ng Korean movie pwede pa, dahil mahusay naman talaga sila gumawa ng pelikula, pero yung mga drama-teleserye-thingy… hindi talaga.                 Pero kanina, habang kumakain ako ng lucky me instant lomi with egg di ko sadyang napanuod ang The Legend of the Blue Sea sa channel 2 (nakabukas ang tv eh). Natawa ako sa ilang eksena, tulad ng may kakayahan pala yung lalaki dun na masagap sa isip nya ang kung ano mang naiisip ng babae, kahit kasi di literal na nagsasalita yung girl eh ang dami-dami naman nyang naiisip, tapus yung ibang eksena ganun din laughtrip! Uso rin sa mga estudyante ngayon yung salitang “oppa”; oppa ng oppa; minsan kairi...

When In Tawiran

Sunrise at Tawiran, Bulacan (2017 05 01 / Mon 6:05 AM)                 Sa Lanzones lang dapat ang overnight swimming ng grupo, pero napakaraming tao para sa isang maliit na resort. Nauwi sa Villa Elena kung saan huling nakapag-swimming na kumpleto ang barkada (taong 2013 pa).                 Naka-bike kami ni Olan, nag-jeep naman ang iba; sa daan ay napatigil ako sandali para kunan ang pagsikat ng araw sa may Tawiran. 2017 05 01

Jasper 01: "Sana naman amazing!"

                Wala ako masyadong ideya sa kung sinu-sino ang mga estudyante na kabilang sa advisory class ko ngayon taon (10 – Jasper); maliban na lang sa iilan na kilala ko na dahil naging estudyante ko sila noong grade 7. Kaya malinaw na dalawang beses kong silang matuturuan sa junior high.                 Naalala ko tuloy yung mga estudyante ko noon sa private school; ako na nga yung science teacher nila ng 3 rd year, ako pa rin ng 4 th year. May awkward feeling tulad ng paano ako ulit makapag-i-establish ng bagong routine eh nakasama ko na sila? May advantage rin kahit paano dahil alam ko na ang likaw ng kanilang bituka – mga kakulitan, kalokohan at attitude sa pag-aaral; gayunpaman, lagi namang may bagong discoveries.                 Ang nakaka-e...

bike

                May mabuting dulot din ang mag-bike kahit pa isa o dalawang beses lang sa isang linggo. Dati ay hingal ko pang mararating ang tulay ng Tawiran at haggard na manunuod ng sunset; pero ngayon napansin ko na nakakuha na ako ng tyempo sa pagba-bike, hindi na ganun kahingal o kapagod. Natutunan ko na ring mag-adjust sa kalsada, pamilyar na kumbaga sa mga lubak at sa mga pababa o pataas na daan pati na sa mga tao at sasakyan, pinakamahirap sa bandang palengke ng Paco dahil doon laging maraming tao.                 Malalaman ko na maganda ang makikitang sunset sa tulay kapag narating ko na ang palaisdaan na may matataas na tulos ng kawayan; kapag doon pa lang ay halos humihiwa na sa mga siwang ng ulap ang liwanag ng araw, siguradong dramatic iyon pagdating sa tulay; o kaya naman ay kapag nakita kong namumula na ang langit ay...

na-break na ang sumpa :)

Nag-text si Sarah na magkikita-kita ang grupo para sa birthday ni Tina. Nag-reply agad ako sa kanya dahil matagal ko na rin silang di nakikita; pero nagduda ako kung matutuloy ang pagkikitang ito, kasi ang alam ko (pati na rin nila) na may “usapan” kami na dapat daleyed ng 1 month ang pag-celebrate ng birthday dahil ganun yung nangyari kay Olan (na unang nag-birthday sa amin dahil month of January siya), isa pa ay mukhang hindi pwede si Ayz dahil yun din ang expected nyang mangyari.                 Pero, nagwagi si Sarah na ma-break ang sumpa! Kaya nagkitakits ang grupo ng 5pm sa Teapop. At syempre, di naman kami sakto pumunta dahil kung di si Olan ay ako ang matagal na kumilos bago umalis. Kagigising ko lang nun, nag-muni-muni pa bago maligo, nag-ayos at hinanap pa ang keychains na ipamimigay namin ni Olan sa grupo.               ...