Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2017

"hindi ko na lang sasabihin sa iyo..."

Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na yung libro na gustong-gusto kong bilhin at basahin noon pang 2014, na isinulat ng idol kong astronaut , ay nabili ko sa di inaasahang pagkakataon! Mabuti na lang talaga may pera ako nung araw yun (March 4 – Sabado). Nasaktuhan kong 3-day sale sa SM; akala ko mga damit at appliances lang ang sale o bagsak presyo; pauwi na sana ako matapos kong kumain, naisipan ko lang na dumaan sa NBS. Marami ding nag-sale na mga libro, hindi pa nga iyon ang una kong nakita, hinawakan at binuklat-buklat; nung nakapag-decide na ako na bibilhin ko na yung una kong pinili, bigla ko na lang nahawakan yung isang hardbound na libro, muntik ko pang bitiwan at balewalain, pero buti na lang binasa ko yung title, nang ma-realize ko na ito yung libro na matagal ko na gustong magkaroon ng kopya ay na-excite ang bawat body cells ko hahaha! Gusto ko sana mag-monologue sa NBS ng – “Hindi ako makapaniwala! Ilang taon na ang lumipas, muntik ko na ngang hindi maalala ang libro...

dagli 19: pagsisipag, paggising at gravity ng 2016

(1)          Pinipilit kong may magawang makabuluhan o basta kahit anong magagawa sa bawat sandali o oras. Ito ay bilang kapalit ng mga panahon na itinunganga ko lang; yung mga oras na pinalipas ng katamaran. (2)          Kapag ba naging masipag at mahusay na akong nilalang magiging researcher din kaya ako? Lol. Sige lang, mangangarap pa ako, libre eh! (3)          Siguro tama nga si Eldie (at Neri). Bumibili ako ng libro pero alam naman nilang sa ilalim ng kama ko lang ito itinatago, ang masaklap di naman binabasa (o kaya ay binabasa naman pero hindi tinatapos). (4)          Kaya hindi muna ako bibili. Magbabasa muna ako. (Ayan na naman ang Pangako Sa’Yo). Walang promise… but I’ll try my best to read. - “dagling pagsisipag” 2016 02 09 (Tue, 3:28 PM) o-O-o (1)   ...