Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2016

#feels 02 : ang ma-effort na feeling

(1)          Yung feeling mo nag-effort ka na, tapus parang balewala lang. (2)          Then, mari-realize mo na yung ineffort mo ay kulang pa pala. (3)          Kung sa tingin mo ay nag-effort ka na talaga, sa dulo mari-realize mo, hindi pa. (4)          Yung akala mong pagkukulang ng mga mag-aaral, ikaw pala ang nagkulang. (5)           Kapag napagod ka na sa ganitong feeling, ulit-ulitin mo lang mula   #1.     Ganyan.

"It was just like a movie; it was just like a song..."

(1)          Nakaka-LSS ang kanta ni Adele na “When We Were Young”. Yan na ang bago kong kantang pampatulog sa hapon. (2)          Ang paborito kong mga linya sa kanta ay: Let me photograph you in this light In case it is the last time That we might be exactly like we were Before we realized We were sad of getting old It made us restless I'm so mad I'm getting old It makes me reckless It was just like a movie It was just like a song When we were young (3)          NARITO ang link kung gusto nyo itong marinig. (4)          Pero actually, yung buong lyrics ng kanta ay maganda (nahiya naman akong i-copy-paste ng buo hahaha)… ang husay dahil may kwento. 2016.01.20 (3:02 PM)

dagli 02

 (1)         Gabi na… wala na bang tulugan? Eh maaga pa ang pasok bukas. (2)          Ngayon lang ako nawalan ng gana sa pag-compute ng grades. Dati excited pa ako sa pag-encode. Di na ito makatotohanan. I mean, hindi na direktang reflection ng kakayahan ng isang mag-aaral kung ano man ang nakasulat na marka sa kanyang card. (3)          Nabawasan na ang kabuluhan ng mga numero sa pagbibigay ng marka. (4)          O s’ya, paki-NumLk na ulit ang keyboard. Tuloy pa rin ang pag-compute. (5)          Good luck sa klase ko bukas. Lutang na naman ang mga brain cells ko (kung meron man). 2016.01.19 (11:55 PM)

dagli 01

(1)          Hindi natupad yung sinabi ko na ayoko muna ng POTATO chips. Bumili ako ngayong araw… pero natuto na ako, yung maliit lang yung binili ko, at saka hindi na siya plain flavor at may ka-tandem na ito na rootbeer. (2)          Mas magaan daw ang aura ko kapag wala akong suot na salamin. Feel ko rin naman yun. Kahit ako nga nai-intimidate sa sarili ko kapag nakasalamin, nakaka- feeling matalino kasi kahit di naman lols. (3)          Today, I realize na hindi ako gaanong masayahing tao o showy na masayahin sa maraming tao. (4)          Mas okay ang magsuot ng salamin sa mata sa bahay. Opinyon ko lang. (5)          Ang sarap kausap ng mga taong matataba ang utak… yung sa akin kaya kailan tataba? Hahaha. 2016.01.19 (2:41 PM)

The VERSATILE BLOGGER AWARD 2016: At Ang Aking Mga Kwentong FIRSTs

Ang larawan ay galing kay Stevevhan .                  Ang sabe, kapag na-nominate ka, mag-share ng 7 RANDOM FACTS ABOUT YOURSELF… ang naisip kong ibahagi ay ang aking mga ‘kwentong firsts’ … 1. First time kong makakita ng PERSIMMON sa totoong buhay. LOL.                 Jan. 16 – Sabado, sa may palengke malapit sa simbahan ng Quiapo. Sa sobrang pagka-ignorante ko sa prutas na katabi ng lemon na di ko mawari kung ano, di ko napigilan tanungin si kuyang nagtitinda;                 Kumuha ako ng isa at pinsil-pisil…                 “Kuya, ano po ito?”, tanong ko…                 “Persimmon!”, sagot niya (na may tingin ng pag...

#feels 01

2016.01.13 (5:15 PM) I do not know why after that meeting… I walk away as if I’m floating in the air. I feel so light. And empty. I feel so lost. Yet so peaceful And how can that be? I don’t know.

anekdota ng katam...

Mahirap alalahanin ang nakaraan. Lahat na lang ng tagpong nakalipas na Bigla na lang nagiging mahalaga. Lalo na kung tinamad ka nung bakasyon At ilan pang mga araw… Lahat na lang tuloy ng oras ay mahalaga, Para sa gawain ay makaahon ka hahaha! Mabuhay! Lol. 6:46 PM ... aran.

Foreword Reading

Mukhang exciting ang future sa ganitong eksena:                 “… Freeman Dyson makes some provocative predictions about a future in which genetic engineering kits may be as common and widely used as personal computers and cell phones are today, with even children creating new life forms.” - mula sa Foreword ni TIM FOLGER The Best American Science and Nature Writing 2008 Yun nga lang, ang worry niya ay:                 “Will that future, if it comes to pass, become the stuff of dreams or of nightmare?” At ang worry ko ay nagbabasa na naman ako ng hanggang FOREWORD lang. Hahaha. Ganyan. 12.25.2015

nito lang new year's eve...

(1)           Oo. Dapat lang naman talaga akong magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko sa taong ito. Kung maaaring tumbasan ng maraming THANK YOU yung mga panahon na napaka INSENSITIVE ko, gagawin ko… THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU! Yan, tatlo hahaha. (2)          Limang taon na pala akong nagba-blog. Pero feeling ko wala pa ring MAJOR-MAJOR event akong na-feature dito… puro KWENTO, DAMDAMIN, SALOOBIN. Tapus, kwento ulit, maraming damdamin, at nilalabas na saloobin. Ganyan lang ang peg ng blog na ito, walang MAJOR… puro minor. (3)           New Year’s Eve again. At kaharap ko na naman ang netbuk ko. Hindi ko alam kung manunuod na naman ba ako ng isang documentary mga isa o dalawang oras bago magpalit ng taon. Ganun lang naman talaga ang ginagawa ko. Tapus, aakyat sa may veranda, manunuod ng mga paputok, at syempre magpapausok. (4)...