Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2015

Just another 'sirang plaka' kind of story.

Hindi ko alam kung bakit lagi kong nari-recall yung kagustuhan ko na maging isang 'terror' na teacher. Ang bait-bait ko kaya. Hindi bagay. Siguro kasi yung ugali ng ilang mga mag-aaral ngayon ay higit pa sa isang terror , kaya naisip kong maging mas terrorista pa sa kanila lols. At saka nagbago na rin ang panahon. Kwento nga ni Pope Franics, nung s'ya daw ay nasa grade four pa, may nasabi s'yang hindi maganda sa isang guro. Pinatawag ng guro ang kanyang magulang. Ang kasama nyang nagpunta ay ang kanyang ina at sinabihan sya ng kanyang ina na humingi ng paumanhin sa guro. At pag-uwi nila, alam nyo na ang nangyari... katakot-takot siguro na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Pero ngayon, dagdag ni Pope, kapag nagpatawag ng magulang ang isang guro, maaaring dalawa pa nga ang magpunta, ngunit ang pinagkaiba, hindi na sa bata ang sisi, kundi sa mismong guro na. Nagpadala ako ng materials para sa activity ng mga bata. Simple lang – short bond paper, pencil ...

Cobra, cinnamon and nuts.

Alam kong marami kang gagawin kapag may uwi kang Cobra ...yung energy drink. Iniisip mong Cobra na lang Kaysa umasim ang tiyan mo sa kape. Alam kong asar ka sa sekyu ng Mercury, nakaka-intimidate kasi. Pero, bili ka pa rin ng bili ng sliced coffee cake ...wala kasi nun sa bakery. Pinipili mo pa. Pinipilit mong makuha. Yung slice ng coffee cake na maraming cinnamon and nuts! Tulad ngayun, kala mo natuwa ka. Yung nabili mo kasing sliced coffee cake may cinnamon and nuts nga ...namumuong tipak ng cinnamon and nuts! Pero kinain mo pa rin. Nag-adik ka pa rin sa kendi na bread, O kaya ay bread na may kendi. Na cinnamon and nuts. Pero bakit ang tawag ay 'coffee cake'? Eh cinnamon and nuts nga. Siguro, da best kapartner ng kape. Hindi ng cobra. Baka. Kape kasi. Hindi cobra. 2015.11.02

Singkwenta Pesos Story

Sa halagang singkwenta pesos nakabili ako ng libro na College Algebra and Trigonometry sa National Bookstore. Di naman ako Math major. Naisip ko di na rin ako lugi. Singkwenta pesos para sa halos 700-pahina na libro na dating Php 645 ang presyo na may copyright 2008 na nai-reprint noong 2011. Na ang mga author ay faculty members ng UP Math Department. Kaya kahit di ko maintindihan binili ko na lang din (so when life gets tough) meron akong mapaglilibangan! Ganyan. Hahaha. 2015.10.18