Ika-28 ng Mayo, 2013
Martes, 4:15 ng hapon
Nasisikipan na ako sa mundong ginagalawan ko ngayon.
Para bang kasing liit na lamang ng faculty ang ginagalawan kong espasyo.
Pakiramdam ko, di na ako bagay sa lugar kung nasaan man ako ngayon. Sa loob ko,
matagal ko nang alam na meron pang mas magandang lugar kumpara sa kung nasaan
ako.
Bakit nga ba ako nagtagal dito?...
Tinanong ko na rin yan sa sarili ko. At parang wala
akong tiyak na maibibigay na sagot. Ang alam ko lang, naging masaya ako kaya
wala na muna akong inisip pang iba. Hanggang sa maglaon, di ko na rin pala
magugustuhan pa ang magtagal dito.
Natatandaan ko pa kung gaano ako ka-excited magturo
noong unang taon ko pa lamang bilang isang guro. Yung pakiramdam na akala mo
ikaw na ang may dala ng solusyon sa katamaran ng mga estudyante sa pag-aaral.
Yung tipong kahit gaano pa karaming barumbado at mga pasaway na estudyante ang
dumaan sa iyo, nananatili ka pa rin at naniniwala na balang araw mare-realize
din nila kung bakit mo iyon ginagawa. Na kahit ano pang hirap ang dinanas mo sa
kalikutan at kalokohan nila, umaasa ka pa rin na lahat ng ginawa mo ay
magbubunga, maaaring di ganuon kabilis pero makikita rin sa hinaharap.
Yung pagnanais na paunlarin at pagyamanin pa ang
sarili mo sa bawat paglipas ng taon kahit pa minsan ay nagiging ‘hard’ ka na sa
iyong sarili kasi nga pinipilit mong tumugma sa kung ano ang sa tingin mong
tama.Yung nauubos ang oras mo kakaisip sa kung ano ang mas maganda at mabuti
para sa kanila sa kabila nang marami ka na rin pa lang naiiwanan na di mo na
talaga nagagawa.
Sabi nga ng isang pari, ang pagtuturo ay hindi dapat
ituring na isang pagsasakripisyo. Dahil sa pinili mo ang pagtuturo, ito dapat
ay gustong-gusto mong gawin. Kung ikaw nga ay isang guro, ang pagtuturo dapat
ang pinakananais mong gawin… ika nga eh ito ang iyong vocation at passion.
Hindi ko alam pero, habang tumatagal, hindi ko mawari
kung ako ba ay nasa eskwelahan pa rin. Hindi na bumibilis ang tibok ng aking
puso sa tuwing papasok ako sa gate ng school na nangangahulugan ng pagkasabik
ko sa pagpasok. Ngayon, parang nayayamot ako sa tuwing papasok na ako sa
eskwelahan lols. Pakiramdam ko, ikukulong na naman ako sa loob ng maghapon
hehe.
Masaya pa rin naman ako kapag nakikita ko ang mga
estudyante. Pero kapag naiisip ko na araw-araw akong papasok sa iisang lugar,
nawawalan ako ng gana. Nandun pa rin naman yung kagustuhan ko na matuto ang mga
bata sa pamamagitan ko, pero di ko alam kung saan nanggagaling ang pagnanais ko
na makawala sa mga ‘usual’ na bagay na nagagawa ko.
Para bang napakabagal ng takbo ng mundo ko ngayon.
Ayoko ko munang bolahin ang sarili na napakaganda ng
buhay. Dahil ang totoo, ang buhay ay depende sa kung paano mo ito tignan. Gusto
ko munang maramdaman ang pagkayamot at kahit na ano pang negatibo sa loob ko.
Gusto ko munang makita ang pangit… pambalanse sa positibo kong pananaw.
Naiinis ako sa kung paanong di naman talaga
napanghahawakan ng mga tao ang kanilang mga sinasabi. Tulad ko, maaaring ang
mga sinasabi ko ngayon ay gamitin ng iba o mismo ng sarili ko laban sa akin.
Sasabihin nila na hindi dapat ginagawa ang ganito, pero sila rin naman ang
gumagawa, na kapag iba ang gumawa nun kala mo naman napaka-righteous na nila
para sawayin at batikusin ang iba. Pag iba hindi pwede? Pag sila okay lang?
lols. Hindi rin ako naniniwala na kailangan mong magmukhang matatag sa paningin
ng iba para lang magkaroon ka ng acceptance at maging maganda ang impresyon ng
marami sa iyo. Nalulukot lang ang mukha ko sa mga taong gumagawa nun, di ko
sila kayang tignan.
Ang mas nakakalungkot pa ay kung paano iniaangat ng
iba ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkukumpara sa iba. Mabuti sana kung
napakahusay o napakagaling ng taong ginagamit nila bilang reference… matatawa
ka na lang na tuwang-tuwa ang iba na mas mahusay sila sa mga hindi naman talaga
nila ka-level.
Maniniwala lamang ako na hindi na mapanghusga ang
lipunang ito kapag ang bawat ay isa ay malaya nang nakalalabas ng tahanan nang
hubad…
Hubad
sa lahat ng dapat nating isuot para maging kakulay at kamukha ang marami.
-jepbuendia
5:07
ng hapon
Maganda ang nilalaman ng post na ito. Tumpak para sa mga taong nagkakaroon ng mga tanon tungkol sa kanilang ginagawa sa araw araw. Hindi kaya burn out yang nangyayari sa iyo. After teaching for four years, na burn out, I resigned from the school in the middle of the year, masamang gawin but nagawa ko. Then I realized na sa pagtuturo pala talaga ako dapat so I went back. Nasabi ko minsan, try to do other things, pang balanse, like summer, find something else rather than teach as well. Puwede din naman change of school ka na. Just my thoughts and thinking. In the end, nasa iyo pa rin ang desisyon.
TumugonBurahinpang-apat na taon ko na rin po ngayon, mag-resign din po kaya ako sa kalagitnaan ng school year? :) siguro nga po burn out ako, o kaya ay naghahanap lang talaga ng ibang working environment...
Burahinlilipas din po ito.
Grabe jeff isang napakagandang paunanang salita para sa nalalapit kong unang taon ng muling pagtuturo, pakiramdam ko ay ako naman ang susulat ng mga ganitong klase ng blogs sa mga susunod na araw,, hehehe...
TumugonBurahinsige aabangan ko ang mga post mo,
Burahingudlak sa iyong pagtuturo ulit pete! matagal ka na nilang hinihintay, kayang-kaya mo yan :)