Ika-27 ng Mayo, 2013
Lunes, 5:37 ng hapon
Iniisip ko ngayon na sana ay meron man lang akong
kapalitan ng messages sa email. I think in that way, mas magiging mas
makabuluhan ang mga bagay na naiisip ko at nadi-discuss, sa ganuong paraan may
kapalitan ako ng mga ideya, hindi katulad nito na ako lang. Yun nga lang, kung
gagawin ko ang bagay na iyon, dapat akong makapili ng isang tao (o pwedeng mas
marami pa) na mapagkakatiwalaan ko nang lubos. I hope, sooner or later ay
meron.
Panahon na naman ng tag-ulan…
Sa mga panahong ito, mas gugustuhin ko na lang na
alalahanin ang magagandang ‘moment’ tuwing tag-ulan. Napakalungkot naman kung
aalalahanin ko pa rin yung malulungkot na sandali tulad ng baha, pagkawala ng
kuryente, ang walang makain dahil di ka makalabas dahil dagat na ang
kapaligiran, ang mahabang pila sa jeep tuwing uuwi ako noong nag-aaral pa ako
sa college, ang napakamahal na pamasahe at bilihin at marami pang iba.
Ito lang naman ang gusto ko sa tag-ulan…
1. Syempre, hindi naman
ako humihiling ng mala-bagyong ulan, yung sapat lang. Yung tipong kailangan mo
talagang magpayong dahil mababasa ka kung wala ka nito sa iyong paglabas, pero
hindi naman yung bumabalikwas na ang payong mo sa lakas ng hangin at ng ulan.
Yung ganung mga moment ay napaka-dramatic para sa akin. Emote-emote lang din
ang dating.
2. Gusto ko rin yung
ideya na kung may sama ka man ng loob, maari kang umiyak kasabay ng ulan nang
sa gayon ay di nila makikita ang pagpatak ng iyong luha. Parang ang smart ng
ideyang yun di ba haha.
3. Pag bumubuhos din ang
ulan, ito yung mga tagpong di ko alam kung bakit trip ko ang pakikinig ng kahit
na anong music. Dagdag pa dito, para bang mas naiintindihan ko ang nais
ipahiwatig ng bawat kanta, ‘relate na relate’ lang ang dating.
4. Masarap ding uminom
ng kape. Yung sinisinghot mo pa yung usok ng kape dahil sa sobrang init nito.
5. At yung tipong
natatakot ka sa tubig tuwing maliligo sa madaling araw bago pumasok sa
trabaho/eskwela kasi sobrang lamig ng tubig. Na ayoko namang mag-init ng tubig
dahil pag maligamgam ang tubig na pinapaligo ko feeling ko ay may malala akong
sakit, kaya kahit mala-yelo ang lamig ng tubig, ‘tiis-tiis’ na lang din.
6. Yung masarap maglakad
sa daan kahit maputik. Masaya na ako na maramdaman ang lamig ng simoy ng
hangin. Pakiramdam ko kaunti lang ang polusyon sa kapaligiran kapag maulan,
kaya nakaka-fresh lang ang effect.
7. Na tuwing tag-ulan ay
gumaganda ang mukha mo. Mala-rosy chicks! Sana lagi na lang tag-ulan at malamig
ang panahon para instant pampasara ng pores lol. Di tulad kapag tag-init, bukas
na bukas na nga ang pores sa mukha, tag-ani din ng dumi at acne lol.
8. Para bang napakabagal
ng oras tuwing umuulan. Kaya mas nagkakaroon ako ng time para mag-isip at
makapagmuni-muni. Yung tipong, kaytagal mo nang tulala pero 5 minutes pa lang
pala ang nakalipas.
9. Yung dramatic scene
na bumubuhos ang ulan sa salamin mong bintana tapus pu-pwesto ka dun para
kunwari mala-MTV o kaya ay isang eksena sa pelikula. Panunuorin ang nangyayari
sa labas at umaasa na sana bukas isa ka na rin sa masasaya at kuntentong tao sa
mundong ito lols.
10. Na bago ka matulog,
para kang hinihele ng patak ng ulan sa mga yerong bubungan pati na sa mga dahon
ng mga puno’t halaman.
Maraming tagpo ang hindi ko ipagpapalit tuwing
umuulan. Kahit pa badtrip ako tuwing nagbabaha dito sa aming lugar at na-wash
out yung mga gamit ko noong nakaraang bagyo! Ang tag-ulan ay isang panahon
tulad ng summer na masarap ding balik-balikan.
-jepbuendia
6:17 ng
gabi
Gusto ko din ng ulan dahil hindi sumasakit ang aking ulo. Sa init ngayon, para akong may martilyo sa ulo. Gusto ko din ang ulan dahil hindi na ako magdidilig, tipid sa tubig. Matagal kang nawala. Puwede ka namang mag email sa akin kung may gusto kang i share. Yun nga lang malayo ako diyan. Marami kami dito sa mundo ng blogging.
TumugonBurahinMatagal po akong nawala, dami kasi nangyari nitong nakaraan saka wala pa rin kaming internet hehe, nakiki-wifi lang sa school lols.
Burahinsige, sir mag-eemail na lang din ako sayo, kung sakali...
ang ayaw ko sa tag ulan ay ang basang sapatos, hustle sa lakad, pagdadala ng payong at higit sa lahat ay ang nakaka-EMO na panahon :D
TumugonBurahinyun lang, kapag tinamaan ng pagka-emo, kaya ako mas dinadama ko na lang ang 'kapayapaan' kapag tag-ulan :)
Burahinhaha ako di ko alam kasi pag maulan di mainit saka masusuot mo
TumugonBurahinkahit anu dahil nga di mainit kaso ayun di mo naman maenjoy ang paggala pag naulan, pero sarap nag emoye pag naulan haha,
pag taginit naman eeh para kang nasa oven!
mas oks sakin ang tagulan!
mas oks talaga ang tag-ulan, sarap damhin ng lamig! :)
Burahin