Ika-28 ng Mayo, 2013 Martes, 4:15 ng hapon Nasisikipan na ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Para bang kasing liit na lamang ng faculty ang ginagalawan kong espasyo. Pakiramdam ko, di na ako bagay sa lugar kung nasaan man ako ngayon. Sa loob ko, matagal ko nang alam na meron pang mas magandang lugar kumpara sa kung nasaan ako. Bakit nga ba ako nagtagal dito?... Tinanong ko na rin yan sa sarili ko. At parang wala akong tiyak na maibibigay na sagot. Ang alam ko lang, naging masaya ako kaya wala na muna akong inisip pang iba. Hanggang sa maglaon, di ko na rin pala magugustuhan pa ang magtagal dito. Natatandaan ...