Lumaktaw sa pangunahing content

Salamat Hope at Pangarap :)

*pauna lang*
I was happy when I saw...
3 na ang members sa blog ko LOL
Talagang binibilang ko every now and then :)


Salamat.



I am still hoping...
that one day,
I will end up this life
fulfilled... satisfied.

I really hope that all my dreams
will come true.

*drama*

Naisip ko lang 22 years old na ako.
Oo. 22 na.
Masaya ba ako sa pagtuturo?
Oo naman. Sa kabila ng lahat ng hirap...
may saya rin naman.

Nagrereklamo ba ako sa mga gawain?
Oo minsan hahaha. Masama ba ang magreklamo?
(araw-araw ? LOL)

Hindi.
Seryoso lang.

Mula nung magturo ako,
naramdaman ko talaga.

Mahirap pa lang hubugin ang pagkatao ng iba, na ang lagay nga eh, ikaw sa sarili mo ay di pa rin naman ganoon. Mahirap na maging halos perpekto sa tingin ng iba, lalo na alam mo naman sa sarili mo na kahit anong oras ay maari ka ring magkamali. Mahirap abutin ang sa palagay ng iba ay ikaw... eh alam mo naman... na ang dapat ko lang gawin ay kung sino ako... sa palagay ko. LOL

Ang gulo :)

So how's my life today? (let me enumerate LOL)

1. Kanina late na naman ako ng gising. So, as a result = late din ako sa school. Naabutan pa ako ng principal pagpasok ko sa faculty. 5 minutes late. 1point :)

2. Nasita rin ung advisory class ko dahil sa kalat ng room nila. So, kahit sila ang nagkalat, ako pa rin yun dahil mga anak-anakan ko yun LOL. 2points :)

3. Kaya kanina ay inakyat ko sila sa third floor at pinapanget ko na naman ang gwapo kong mukha LOL para malaman nila na hindi ako natutuwa sa gingawa nila. And so, naglinis sila ng lubos. Kaya naman pala nila. Nakabawi ako LOL. 1point na lang :)

4. Nung uwian na, may gathering ang dabarkads pero di muna ako sumama, eh kasi naman gusto ko talagang maging active sa pagsusulat ko sa aking blog, dahil nakakahiya naman sa aking mga tagasubaybay LOL (assuming?). Kaya ang ending, sila lang ang masaya ngayon, samantalang ako ay nasa harap ng monitor.

5. At habang ginagawa ko pa ito, bigla kong naisip ang mga sumusunod:

- matupad pa kaya ang pangarap kong maging manunulat? at makapagsulat din ng isang libro? sige na, destiny, fortune and hope, give me a break!!! LOL

- gusto ko rin sana maging isang scientist (di nga?) kaya gusto kong mag-aral sa UP at Harvard LOL pati na rin sa Germany :)

- i also want to have my own show on tv (grabe na to!) a science and technology show :) yung parang tomorrow today ng dwtv.

- magkaroon man lang ng isang spread or cover sa isang sikat na magazine tulad ng Reader's Digest at Time Magazine hahaha ( to the highest level)

- gusto ko rin maging journalist, photographer at mag around the world!

- maging singer at model

-maging celebrity at  maging award winning and highest paid actor kahit sa mga indie films lang LOL tatalunin ko ang walang himala hahaha

- magkaroon ng awards kabilang na ang nobel prize!

-at marami pang iba hahaha

- in short.... gusto ko na lang managinip LOL

hay.... sarap mangarap :)


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...