Iba na talaga ang panahon ngayon.
Dati pag mababa ang grade ng bata, sa mismong estudyante itinatanong yan.
Ngayon, pag mababa ang grade, sa teacher na sinisisi :)
Ang teacher na nga ang nagturo, ang teacher pa rin ang mag-aaral para sa kanila LOL
Mahirap.
Mahirap talaga ang maging teacher.
Sa dami ba naman ng estudyante mo eh...
lahat yun umaasa na mababago mo ang kanilang buhay.
Isa lang sya.
Maraming estudyante.
Uhm... sabi naman nila,
maraming paraan...
Nung ako pa ang nag-aaral,
ako ang pinagsasabihan na mag-aral ng mabuti.
Ngayon na ako na ang nagtuturo,
dinaig ko na ang nanay ko
sa pagpapaalala na mag-aral silang mabuti.
Da best :)
Pero sa likod ng mga pasaway na estudyante,
ay ang kanilang super bait at supportive na magulang.
Touch talaga ako pag nakakausap ko sila :) *drama*
Hangad ko na matumbasan ng mga batang yun
ang kabutihan ng kanilang mga magulang.
Sana... dumating talaga ang araw na yun.
Hangad ko rin na mas maging mahusay pang guro.
Para sa mga mas mahuhusay pang mag-aaral.
Sana...
may i wish upon a star,
mas mataas din na sahod para everybody happy LOL
*humirit pa*
:)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento