Lumaktaw sa pangunahing content

anyare June?

 

11:02 AM  6/1/2020

 

Yung ate ko (yung pangatlo) eh may YouTube channel na. Una, mag-subscribed daw kami; tapus nag-send siya sa amin ng link ng una niyang vlog, panuorin ko raw para dumami ang views. Subscribe kayo, hahaha.

 

‘Pag ako nagka-YouTube channel...

 

 

11:58 AM  6/1/2020

 

Unang vlog ni ate - paano gawing healthy ang instant noodles.

 

Ako blogging; si ate vlogging.

 

 

2:19 PM  6/1/2020

 

Inakyatan ulit ako ni ate (panganay) ng pagkain sa kwarto ko; nagulat siya kasi hindi niya alam na nasa zoom meeting ako buti na lang naka-turned off ang cam. Yehey, may merienda!

 

 

6:08 PM  6/1/2020

 

Zoom meeting. Bakit kung kelan ako nagpulbos at nagsuklay (for the first time) eh saka naman hindi kinailangan na mag-video? Bakit noong ‘di ako nagsuklay at/o nagpulbos saka naman nagpa-video?

 

 

11:07 AM  6/3/2020

 

Bago ako mag-edit (pagsama-samahin mga gawa namin, module) ay nag-pulbos muna ako. Naalala ko kasi noong gumagawa kami ng AR, sabi nung isa naming kasama ay pampa-good vibes daw itong pagpupulbos, saka para gumanda raw yung pakiramdam namin habang gumagawa kasi feeling fresh…

 

Kaya nagpulbos ako. Sana tumalab.

 

 

1:24 PM  6/3/2020

 

May tira pa na red velvet cake sa ref, at saka nakita ko mayroon ding grapes. Masarap pa rin naman kahit tira-tira, hahaha. Yehey, may merienda!

 

 

6:22 AM  6/4/2020

 

Sa totoo lang mas nakakapagod itong work from home; kapag nag-work online kasi halos wala nang tectonic plate boundaries, char.

 

 

12:59 PM  6/4/2020

 

Ang aga ko nagising kanina. At napaaga rin ata ako ng paggawa; alas-sais pa lang ng umaga nakaharap na ako sa laptop, para kasing may urgent na ewan. Hindi ko talaga maintindihan ang sistema - walang deadline na may deadline…

 

Anyway. Natutuwa ako sa isang kasama namin, napakamausisa niyang gumawa.

 

 

2:13 PM  6/4/2020

 

Itong pinapagawa sa amin eh kumbaga sa ulan ay pupugak-pugak ang buhos. Una ganito, edi gagawa ka na; bukas may panibago, edi babaguhin mo. Repeat 1 and 2 until you feel dry, char.

 

‘Di ko na talaga alam. Hilamos at toothbrush break nga muna.

 

 

3:11 PM  6/4/2020

 

Btw, diniretso ko na ng ligo para todo na sa freshness! Pangalawang ligo ko na ngayong araw (pa-fyi lang na naliligo ako).

 

 

3:58 PM  6/4/2020

 

Oh aking laptop, kaya mo pa ba?

 

 

5:40 PM  6/4/2020

 

Pahinga muna.

 

 

2:48 AM 6/8/2020

 

Nawalan ng kuryente kahapon ng 5:24 PM. Nagkakuryente naman ng 1:24 AM, nag-charge agad ako ng laptop para makagawa ng consolidation at mai-send din agad. Kaso ayaw naman mag-connect ng laptop ko sa wifi… kagigil.

 

 

3:23 AM  6/8/2020

 

Ayaw pa rin kumonek...

 

 

3:37 AM  6/8/2020

 

Kumonek na after ko mag-tweet! Shuta ‘tong laptop na ito, daming ka-dramahan!

 

 

3:43 AM  6/8/2020

 

At nawala na naman. Shet.

 

 

12:02 PM  6/8/2020

 

Matapos ang mga araw ng pagiging abala, bigla ako nakaramdam ng kawalan... parang kahit ano namang gawin ko, ‘di pa rin sapat.

 

 

6:39 PM  6/8/2020

 

Sa ngayon ay inaabangan ko yung mga corrections dun sa ginawa namin kasi ibibigay daw ngayong gabi. Ibang-iba na talaga itong work from home, walang nang boundary ang mga oras ng paggawa…

 

 

6:51 PM  6/8/2020

 

At saka hindi ba pwedeng bukas? Nakaka-anxious maghintay…

 

 

7:30 PM  6/8/2020

 

Kumain na lang muna ako.

 

 

7:26 PM  6/10/2020

 

Pakiramdam ko ay araw-araw akong nakikipagpaligsahan sa aking laptop – kung sino sa amin ang mauunang maumay…

 

 

9:07 PM  7/14/2020

 

Bakit parang naging matt yung screen ng laptop ko? – sa sarili ko lang. Pinunasan ko ng tissue. May halos isang layer na pala ng alikabok ang dumikit sa screen ng laptop, like para na itong may matt na screen protector, ganung level. Dugyot.

 

 

11:25 AM  6/16/2020

 

Inuuto ko na lang yung sarili ko kapag may webinar na pakikinggan. Iniisip ko na lang na kunwari presscon, tapus nagsusulat ako ng notes like a journalist, tapus aayusin ko kasi iri-report ko na, ganyan.

 

 

7:51 PM  6/16/2020

 

            Nakakapagod na yung mga anek-anek ng buhay.

 

 

6:19 PM  6/20/2020

 

Nga pala, isa sa mga bagay na na-apprecitae ko today ay yung 'totoo' na ang weekend! Dati kasi, with the work from home set-up na ito, parang walang kilalang araw ang wfh. Pero ngayon improving na, parang bigla na lang - "oh bigay naman natin yung gabi tuwing weekdays, at mga araw ng sabado at linggo sa kanila, beneficial din yan sa kanilang mental health" ganern!

 

Sana magtuloy-tuloy.

 

 

9:18 AM  6/26/2020

 

Isa sa pinakanilu-look forward kong gawin sa umaga ay yung paglalagay ng 'baby cologne' pagkatapos maligo, hahaha! Nakaka-kalma kasi sa feeling, at saka feeling fresh na rin (kahit ‘di halata). #SKL. (Johnson's regular baby cologne)

 

 



Mga Komento

  1. Pinanood ko blog ng ate mo, medyo kinabahan ako sa walang helmet na scene hahaa True yung struggle sa pagbayad ng bills. Bigla ko talaga na-appreciate un mobile banking. May na-feature din siya na old house sa Valenzula. Ang ganda!!!

    Wfm diaries - Dami ko na-re-realize lately. Hindi pala siya madali. It's more than what I expected.

    Swerte naman may padala ka pa ng meryenda. hahahaha At lately, iba ang level ng food cravings ko.. ewan ko ba Akala ko makakatipid ako, kasi I don't physically report for work everyday... hindi din pala

    Kelan ba matatapos eto?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat sa panunuod sa kanya, hahaha :) Oo, maraming lumang bahay dito sa aming barangay, sa katunayan dito rin sa amin makikita ang lumang bahay ni Pio Valenzuela, ang famous San Diego Church (na nabanggit sa nobela ni Rizal) at syempre ang baha, charot. Di na masyado binabaha dito sa amin, nag-improve na :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...