Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2020

09 January 2020 – “magpa-pari ka eh nagjo-jowa ka nga!”

1:17 PM 1/9/2020 Ano ang ginagawa ko sa oras na ito? May sub ako ngayon sa isang klase sa grade 8; may absent na isang teacher. Dinala ko yung laptop ko para may magawa ako habang nagbabantay sa kanila. Nag-greet ako sa kanila at nagbigay ng gawain. Magpapanuod sana ako ng isang video clip na related sa pinapagawa sa kanila para kahit paano ay may input din ako kahit sub lang, kaso naalala ko na di pa pala tapos yung ppt na gagamitin ko sa mga klase ko today. Lagi akong walang klase kapag first period (kaya sakto nakapag-sub ako ngayon) at sa oras na iyon ko lagi ginagawa ang ppt ko bago ako magklase para di ako tulala sa faculty habang waiting sa aking class at para ma-maximize ko ang pahinga at lesson planning sa bahay, charot. Minsan may nauumpisahan na akong ppt sa bahay, kaya pagdating ko sa school, sa faculty, konting edit-pindot-save na lang. Sa madaling sabi, di na ako nakapagbigay ng input sa kanila (dami ko pang satsat wala naman pala akong input hahaha) kasi ...