Lumaktaw sa pangunahing content

disyembre 2018, unang linggo



02 December 2018
Who is your best friend?
Myself. Kasi baka di naman nila alam na best friend ko sila, at least walang commitment at expectation, puro reality lang! Lol.


03 December 2018
Who is the first person you saw today?
Si mudra. Dumating siya from the market-market while I’m ‘breakfasting’ hahaha!


04 December 2018
What memory do you want to keep from today?
Hindi ito actually today, di ko kasi nasunod yung schedule ng pagsagot ko eh. Pero ngayong araw, wala eh. Wala naman masyadong memorable. Pero at least more than 3 sentences ang sagot ko. Pwede na.


05 December 2018
How much money is in your wallet?
Confidential. And I am confident that even my confidants don’t know it, even myself because I don’t count it; but one thing is for sure, every barya counts! And I thank you! 


06 December 2018
What makes you sweat?
Mabilis talaga akong pagpawisan, lalo na kapag mainit sa labas. You know, inside our house kasi naka AC kami, like alternating current, waley! Hahaha!


07 December 2018
What do you wish your job was?
Researcher. Yung nasa lab. Scientist. Photographer. Journalist. Lahat yan!


08 December 2018
What relationship did you nurture today?
Ang sabi, nurture the future with Pigrolac, charot Promil yun! Hahaha, ang baboy ko. So yeah, I nurture the future, wala naman kasi akong ka-relationship…




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...