Ika-27 ng Abril, biyernes, ay nanuod kami nila Eldie at Neri ng The Avengers: Infinity War. Hindi ito isang movie review; gusto ko lang ibahagi na bukod sa amazing na special effects ng pelikula ay katangi-tangi rin ang ilang eksena. Ang pinakapaborito ko ay yung kay Thanos nang kukunin na niya ang soul stone; mapapasakanya lamang ang bato kapalit ng buhay ng isang taong pinakamamahal niya. Ang buong akala ni Gamora ay mabibigo si Thanos, dahil sino nga naman ang mag-aakala na may pagmamahal ang isang villain na tulad ni Thanos. Lumuha si Thanos dahil alam niyang ang kapalit ng soul stone ay ang buhay ng anak-anakan niyang si Gamora; ngunit dahil sa kagustuhan niyang makumpleto ang mga infinity stones, itinuloy pa rin ni Thanos ang paghulog kay Gamora sa bangin para maging alay kapalit ng soul stone… ...