Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2017

24. cramming

2017 10 14 (Sabado)                 Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle.  Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa. Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan . Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga ...

bnw 02

Di ko na alam kung sino ang pumitik ng stolen shot na ito. Ang sigurado, ito ay 2014 o mas luma pa. At hindi ko na rin tiyak, kung nag-aayos lang ba ako ng locker o nag-aalsa balutan na. Pero kung 2014 nga ito, yung huling nabanggit ang totoo. 2017 11 29 | Wed, 8:54 AM Minsan, kailangan munang mag-muni muni. Malay mo, matuto na silang pahalagahan ang oras. 2017 12 02 | Sat, 2:18 PM Kasama sila Darryl at Neri. May kasalan nung araw na iyon sa San Sebastian. Kaya ipinagtirik na lang namin ng kandila ang aming mga samo't dalangin. 2017 12 03 | Sun, 3:39 PM Biglaang paglilinis at pag-aayos ng gamit. Ikinahon ko na ang lahat ng sa atin, char! 2017 12 16 | Sat, 5:46 PM Namili ng pang-exchange gift. Kami nila Budang, Olan at Sa. Sa pagbabalik ni Budang, ay siya namang pag-leave sa gc ni Clang, lol. Di na kami nabuo sa isang gc.