Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2017

When In Tawiran 09: RED

Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:15 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:18 PM) o-O-o Mga ilang tala (2017 06 16): Sa may Paliwas (habang ako ay naka-bike), sinabihan ng ale ng "pogi" (hindi ako lol) yung sanggol na karga ng kakilala niya; sabay sabi nitong "babae ito," so, akala niya lalaki iyon, hindi pa kasi masyadong mahaba ang buhok ni baby. Sa palengke ay nasalubong ko si Pau (dati kong student), pa-bike-bike na lang daw ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong PULA ang araw sa may tulay ng Tawiran. May mga pagkakataon na mapula ang langit habang papalubog ang araw, pero ngayon ko lang nakita na ang mismong araw lamang ang mapula. Naalala ko si Kurapika (at ang kanyang mga pulang mata); batang 2000's hindi 90's lol. Ang daming tao sa may tulay; hindi lang ako ang kumukuha ng larawan ng "pulang araw" halos lahat ng naroon; at napakabilis d...

Jasper 03: homeroom

                Homeroom (2017 07 21)                 Pagdating ko sa klasrum, nagtaka agad ako kung bakit hindi naka-uniform si Paula. Btw, hindi biro ang makarating sa room namin; kapag nakapag-time in na ako sa gate (biometrics, sosyal haha, pero I wonder kung gaano na karaming bacteria ang meron dun sa dutdutan ng daliri; pwera na lang kung may ionizing antibacterial ek-ek feature yung biometrics na iyon; pero sa tingin ko wala) lalakad pa ako ng ilang minuto para makarating sa building E 2 nd floor kung nasaan pansamantala ang faculty; tapus kukuha pa ako ng gamit sa may building D sa pinakadulo 2 nd floor pa rin at lalakad papuntang building A paakyat sa 4 th floor kung nasaan ang room ng advisory class ko. Kaya sa umaga pa lang, jogging / walkathon na.            ...

When In Tawiran 08: cloudy pa rin

Tawiran, Bulacan. (2017 06 12 / Mon, 6:23 PM) o-O-o Habang palapit na ang pasukan, unti-unti na ring nagiging maulap. Patapos na ang summer, parating na ang tag-ulan. Ang sabi ni Roger Miller, "Some people walk in the rain, others just get wet." Basta, bring an umbrella.

When In Tawiran 07: cloudy

Tawiran, Bulacan. (2017 06 03 / Sat, 6:38 PM) o-O-o Medyo nahuli ako ng pagdating sa tulay; at saka maulap pa. Hindi masyadong ginalingan ng langit; pero dramatic pa rin naman. Ang sabi ng kapitbahay naming si Jane Lynch - "You can't make a cloudy day a sunny day, but can embrace it and decide it's going to be a good day after all." At alam nyo ba kung anong nangyari sa kapitbahay naming si Jane Lynch? Ayun pina-barangay siya, eh kasi english ng english eh! Lols.

When In Tawiran 06: _ u _ or _ u _ _ _ ?

Tawiran, Bulacan. (2017 05 31 / Wed, 6:11 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 31 / Wed, 6:22 PM) o-O-o Hindi nakakasawang manuod ng sunset sa may tulay ng Tawiran. Naisip ko tuloy, sa "past life" baka dati akong "sun"? or "tulay"? lol. Ang nakaka-amaze ay kung paanong kaybilis magpabago-bago ng kulay ng kalangitan tuwing sunset; bakit hindi ganun sa tanghali o sa hapon? (para amazing din diba) Oo na, baka dati nga akong "tulay", hindi talaga "sun" :)

When In Tawiran 05: silweta

Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:17 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:17 PM) o-O-o

When In Tawiran 04: binary sunset

Tawiran, Bulacan. (2017 05 22 / Mon, 6:39 PM) Namangha ako noong araw na iyon dahil sa tingin ko ay dalawang papalubog na araw ang pinapanuod ko; sa kapal kasi ng ulap, nahati nito sa dalawa ang liwanag ng papalubog na araw. Ginoogle ko yung term na "twin sunset", ito kasi yung naisip kong ilagay na caption sa instagram , pero wala atang ganun. Ang term na "binary sunset" ang lumalabas; at ito rin ang pamagat ng soundtrack ng Star Wars (na hindi ako masyadong pamilyar). Ang " Tatooine " ay isang fictional na planeta sa pelikulang Star Wars na may orbit sa isang pares ng binary stars. Ang sabi, naging iconic image ng film ang kuhang binary sunset nito. Fictional man ang planetang "Tatooine", ang tawag pala sa mga ganitong planeta ay " circumbinary planet " at merong mga nag-i-exist na ganito sa sansinukob tulad ng PSR B1620-26 , HD 202206 , HW Virginis at iba pa.

"saan located ang ovaries..."

                Noong nagkaroon ako ng student teacher (intern) last school year ang naging plano kong gawin ay magtala ng mga anekdota tungkol sa mga nangyayari sa classroom habang nagtuturo siya. Naisip kong gawin sa perspective ng isang observer at bilang kanyang cooperating teacher.                 Ang plano ko ay araw-araw, kahit maiikling tala lang. Bukod sa mga nangyayari sa klasrum, nakapaloob na rin sa mga tala ang mga naging epektibo niyang pamamaraan ng pagtuturo at mga bagay na kailangan pa niyang i-improve. Tapus, sa huling araw ng kanyang practice teaching ay iaabot ko sa kanya ang mga nalikom kong anekdota (na parang naka mini-book); para kahit paano ay makakapag-reflect siya sa kanyang naging pang-araw-araw na performance at mababalikan niya ang ilang kwento na halimbawa ay nakakatawa o nakakainis noong araw na iyon....