May twitter account na pala ako (actually, iyon ay binuhay na account lang; mabuti nga’t natandaan ko pa ang password). Sa palagay ko kasi ay mas payapa sa twitter. One time, nakita ko na naka-follow na si Neri (at tatlo pa, ang dami na hahaha). Sa twitter ko sinimulang ibahagi ang ilan sa mga recent na nagagawa kong blogpost. So, ngayon marahil ay alam na ni Neri (pati na si Eldie) na mayroon akong blog. Na madalas, sa mga nakalipas kong posts, ay nababanggit ko sila, dahil sila lang naman ang lagi kong kasama tuwing weekend (sa eskwela, sa pagkain at kaunting gala). Binalak ko rin naman na i-share ito sa kanila. Pero di ko lang talaga magawa. Ang una kong rule ay para lang ito sa makakatuklas nang hindi k...