1. Supposed to be ang araw na ito ay dapat na maging stressful. Pero dahil nakasama ko sina MJ at Orly, naging masaya na rin ang maghapon sa school. Mas okay din talagang gumawa ng may kasama. Hay naku… speaking of kasama. (Ampalaya mode on hahaha) 2. Nung sabado kumain ako ng chicken fillet sa McDo… kasama (o dinamay ko na naman) sina Eldie at Neri (para gabihin kami ng uwi). Di naman kami na-inform na sobra-sobra na pala sa ‘magic’ ang chicken fillet sa McDo. Kikiligin ka sa ‘alat’ tapus dip mo pa sa gravy, oh so salty! Dun ko na-realize na pwede na rin pa lang idaing ang chicken. True! Hindi na lang bangus o iba pang isda ang idinadaing ngayon, pati chicken sa McDo lols. 3. Ang hapunan ko naman ngayon ay sausage… and it’s so peppery! 4. ...