Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2015

"– may coke, royal, sarsi at sprite."

Ika-17 ng Abril, 2015 Biyernes, 8:54 ng gabi             Isang kulay asul na drum na may itim na takip na dati’y lalagyanan ng tubig ang pinuno ng maraming bote ng softdrinks at yelo – may coke , royal , sarsi at sprite . Naisip ko nun, kung yung mga matatanda ay naglalango sa alak, ako naman kasama ng mga kaibigan ko ay magpapabundat sa pag-inom ng softdrinks!             Hindi ko matandaan kung pang-ilang kaarawan ko na yun. Ikapito ata o ewan. Basta, pinagsabay-sabay ang birthday naming tatlo – ng kapatid ko at ng tatay ko; tutal iisang buwan lang naman pumapatak ang aming mga kaarawan at tig-isang araw lang naman ang mga pagitan.             Napakalamig ng mga nalusaw na bloke ng yelo sa loob ng drum . Saglit na mamanhid ang kamay sa kada kuha ko ng maiinom. Yung nasa ilalim pa yung pilit kong kinuk...

Mudra Knows the Hardest! :)

Ika-08 ng Abril, 2015 Miyerkules, 11:58 ng gabi Hard Scene 01: Umaga. Sa kwarto. Nagtutupi ng damit. Me: Ma, sabi sa klase namin sa genetics , kung gusto mo malaman ang future ng hairline mo, tignan mo daw yung buhok ng tatay o kaya mga tito… Mudra: Oo, kaya tignan mo si Papa mo, yung mga tito mo ang ninipis na ng buhok! Me: Eh nung nagpagupit ako ang sabi coming soon na daw itong buhok ko. ***lungkot effect lol Mudra: Ganun talaga! Whether you like it or not! ***may ngiting pang-asar hehehe Me: Ganun?! Bakit kasi ang naninipis ng buhok niyo, wala bang naligtas? Mudra: ***dedma, silent mode Me: *** afraid sa future ng buhok ko lol Hard Scene 02: Tanghali. Sa kusina. Kumukuha ng pagkain. Mudra: Oh, anung nangyari sa mukha mo bakit may butas-butas? Me: Bakit? Dati pa naman yan ah! Mudra: Saka naging nognog ka na, kaka- bike mo yan eh. Me: Eh summer naman, buti nga nagba- bike pa ako eh. Mudra: Sama...

Valenzuela People's Park! :)

Ika-03 ng Abril, 2015 Biyernes, 11:35 ng umaga             Noong miyerkules (Abril 01), napagkasunduan namin na magbisikleta papunta sa isa sa mga bagong attraction ngayon sa Valenzuela – ang tinaguriang ‘parke sa gitna ng lungsod’ – Valenzuela People’s Park! Kaya kung magagawi kayo dito sa amin, wag niyong kalimutan na dumaan sa parkeng ito, may open space para sa mga nais mag-jogging / mag-exercise sa umaga, may nakaka-relax na fountain, may amphitheater na may mga pagtatanghal tulad ng dula o film showing na nagaganap na free admission pa, at meron ding lugar kung saan pwedeng mag-muni-muni at lugar palaruan para sa mga bata.             Sa ngayon ay tinatapos pa ang katabi nitong Valenzuela Town Center, na tiyak kapag natapos na ay mas lalong dadami ang mga uma-aura este bumubisita sa parke hahaha .          ...