Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

Sembreak Notes

Ika-27 ng Oktubre, 2013 Linggo, 5:18 ng hapon             Unang araw ng sembreak . Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe .             Hindi naman ako makapanuod ng tv , dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’ sa kanilang videoke . Anyway , di naman talaga ako madalas manuod ng tv …             Bu...

Kwentong Key Chains

           Isa lang naman ang susi ng locker ko sa school pero sampung key chains ang nakasabit dito hehe. Nakahiligan ko kasi ang pangungulekta ng ‘ key chains ’. Halimbawa, kung makapunta man ako sa isang lugar, ang hinahanap ko kaagad ay kung saan makabibili ng key chain para remembrance na rin o souvenir na bukod sa mga larawan, ang mga key chains ang nagpapaalala sa akin tungkol sa lugar na yun. Okay lang din kung minsan ay bigay ng mga kamag-anak o kaibigan, yung kahit di pa ako nakapunta kung saan man nagmula ang key chain na ibinigay nila ay okay na rin kasi baka sa hinaharap ay marating ko rin yun.             Lahat ng nakolekta kong key chains ay inilagay ko sa isang lalagyan. Ni hindi ko nga sila binalak na gamitin para wag maluma o masira, pero nung binagyo yung bahay namin, nung Ondoy pa ata yun, ayun nabulok sa pagkababad sa baha ang lahat ng mga key chains ko, na karaniwa...

Hopia!

Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘ die-hard-fan ’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!             At isa nga sa mga ‘ peyborit ’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘ afford ’ ng lahat na ‘ Baker’s Fair Specialty Hopia ’ ( ube at mongo, mapa-dice or round pa yan ), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly made talaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘ one year supply ’ ng hopia lols.             So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘ comfort food ’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘ to the patay-gutom level ’ haha. Kwentong ‘comfort food’… 1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang...

Mula sa 'Selda'

“NANDITO AKO” (Lyrics by: Paolo Villaluna / Music by: Pike Ramirez / Sung by: Veena Ramirez) Sana may kasama ako sa paggising May kasalo sa pagod ng araw ko May kasama tuwing natatawa Sabay sa sarap ng ligaya Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya Alam niya bang napakalungkot dito Alam ba niya? Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa At hindi ko siya kasama Sana may kasama ako sa pagtulog Katabi kapag maginaw ang gabi Kaagaw sa kumot ng kamang masikip Sabay sa sarap ng ligaya Paano na? Paano siya? Paano na ang gabi? Paano’ng umaga niya? Nag-iisa na siya Walang katabi, walang kakampi Paano na ngayon? Paano siya ngayon? Alam niya bang nandito ako’t kailangan ko siya Alam niya bang napakalungkot dito Alam ba niya? Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa At hindi ko siya kasama… x-o-x-o-x 1. May bago na akong pampatulog / pampakalma na kanta, ito ay ang “ Nandito Ako ” mula sa indie film na “ Selda ”. Pinalitan ko na ang...

Pauna Lang para Sa Oktubre :)

            Dahil sa tagal ng panahon na hindi na naman ako nakapagsusulat, medyo nahihirapan na ulit akong makapagsimula. Pero okay lang ganun talaga marahil. Eh di naman sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo. Inaamin ko na may mga pagkakataon na naipamumuhay ko yung buhay sa paraang kung paano ko siya nai- imagine . At oo, masarap sa pakiramdam, kahit pa di mo alam kung magpapatuloy ba yun hanggang kinabukasan o maghihintay ka na naman ulit ng panahon para maranasan mo iyon. Ang ipagpapasalamat mo na lang ay kahit paano, hindi man palagi, maaari rin pa lang matupad ang buhay na nasa isip mo…             Nakakatuwang isipin na bawat tao ay gustong magkaroon ng marka o bakas na maaari nilang iwan dito sa mundong ibabaw. Na lahat ay may ganung klase ng struggle . Na alam mo at ramdam mo na kung nasaan ka ngayon ay hindi mo deserve kung meron ka lan...