- Nakaka-haggard at nakaka-stress na ang mga nagdaang araw.
- Ang sakit na ng kamay ko kakasulat. Ang hirap pa naman i-push ang sarili ko na gawin ang isang bagay na meron namang ibang paraan para magawa yun ng mas mahusay at mabilis. Naiinis ako. Sila kaya gumawa!!! Malapit nang ma-injured ang kamay ko, kaliwete pa man din ako, di madaling magsulat sa kaliwa!!! Wahh! Super angal na talaga ako... baka nauubos lang talaga ang patience ko this time. Tao lang.
- Nararamdaman ko na lumalabas na naman ang mga bones ko sa dami ng ginagawa :) Sobrang kinakain na ng trabaho ang mga oras ko. Tsk! Super extended na ang work, parang wala ring uwian at weekends. Feeling ko kahit gano kadalas pa kong kumain, wala rin... kasi nga nakakapagod ang mga moments ng buhay ngayon.
- Gusto ko na ng bakasyon. Gusto ko umabsent.
- Napaka unfair ng life ngayon.
- Napag-iisipan ka ng mali na di mo naman talaga ginawa. Eh pa'no kung ako naman ang mapag-isip ng mali sa kapwa? sige nga... pero di ko pa rin gagawin... di ako papares sa kanila.
- Minsan parang gusto mo na lang din gumaya sa iba para mapadali ang buhay, kahit mali. Pero di pwede, kailangan manindigan kahit mahirap tsk'
- Umiikli na naman ang pasensya ko, ang bilis kong magalit at di na ako masyadong nakakapag-isip nang mabuti.
- Nakakairita ang mga taong nagpaplastikan sa harapan mo. Sarap nilang sampal-sampalin hehe. Di ako naniniwala na kaya lang sila nagmumukhang okay sa isa't isa ay dahil sa professionalism, na alam mo naman na pagtalikod nila sa isa't isa ay naglalabasan ang kanilang mga kulay at kapwa nila nililibak ang mga sarili. Nakakatawa silang panuorin. Parang sa teleserye lang :) Magtigil ang mga plastik!
Tinatawagan ko ang aking mga masisipag na ninuno, ang mga guardian angel ko at ang positive energy ng mundong ito, help me!!! I need to rejuvenate :) Kung anu-ano na ang iniinom ko- kape, sting, pineapple juice pati yung libreng vitamin C ay papatulan ko na rin. Matapos lang ang week na ito... whew!
akala ko kung ano na lumalabas sayo. unfair na talaga ang life to begin with. it's a matter of surviving yan.
TumugonBurahinMAY THE FORCE BE WITH YOU.. (napatouchscreen~)
haha, yung collar bones ko nagpapakita na naman, sign ng stress at losing weight :) tsk'
Burahinsalamat! mapasaakin talaga ang force na yan (*hawak din sa screen para ma-absorb ang force lol*)
naku ako kaya pinaka ayoko ang magsusulat eeh
TumugonBurahinhaha
inhale exhale muna parekoy
prayers will help you the most,
marerelax ka ng super dooper dun
tama ka mecoy, minsan kapag exhausted na, stop muna ako for a while, nakikinig ng mga relaxing gospel songs... effective din!
BurahinPadating na ang Marso kaya madaming gawain. Pasasaan ba at darating din ang bakasyon. Give yourself a break, not with kit kat, but with a day off, kahit na Sunday na walang ginagawa. An hour off doing nothing will also help to relax your mind, siesta time too. Manage your time kasi sabi nga ang trabaho natin hindi dapat dinadala sa bahay. Higit sa lahat, kaya mo yan.
TumugonBurahinparang pinapagalitan mo ako sir hehe :)
Burahinnaniniwala rin po ako na di talaga inuuwi ang trabaho sa bahay, ginagawa ko naman po yun, di lang talaga natatapos sa skul, mahirap lang po talaga humawak ng graduating class, paspasan ang gawa ng mga forms before graduation di tulad sa undergrad (eh first time ko pa kaya di pa siguro naka adjust)
tama ka sir, darating din ang bakasyon, matatapos din ito...
Ay ganuon. Tignan mo ako, walang pasok ngayon pero nag trabaho ako sa school. Sobrang daming trabaho, hindi natatapos kahit ba preschool lang hawak ko. Feeling ko grade school kasi nga may 4 progress reports per year, documentation panels every two weeks, portfolios using Pages application, identity panels and weekly project discussions transcribed. Pero darating din ang bakasyon... Magturo na nga lang ng kolehiyo.
Burahin"Napaka unfair ng life ngayon." -> pinagdadaanan ko din ngayon ahahaha. anyways Sir, kaya yan if di na kaya pahinga pahinga din pag may time baka magkasakit ka mas masama yun...
TumugonBurahinnice to hear na unfair din ang life sayo haha nandamay pa eh :)
Burahinwell sabi nga ni cyron, kailangan natin mag-survive sa buhay na ito.
salamat. sana nga di ako magkasakit, ayoko nun.
problema lng talaga pag malapit na ang graduation. dami susulatin. pero ito ang isipin mo:
TumugonBurahinkung ang 2nd world war natapos, forms pa kaya?
yun nga sir, dami tinatapos before graduation...
Burahinat ang lahat ng ito ay matatapos din... tiwala lang!
mukhang you are under a lot of stress na nga :-)
TumugonBurahinbasta find time to relax and have a short vacation...
i will! :) thanks!
BurahinKonting tiis na lang Sir. hehe
TumugonBurahin1 month to go. :)
saglit na lang 'to :) mapapahinga rin...
BurahinTake time for yourself sir. Hanap ka ng gym na may punching bag or i-exercise mo lang yan. Anyways, pag nag graduate yung mga students mo at nakita mo yung matatamis nilang ngiti, it's all worth it naman, diba?
TumugonBurahini hope so hehe,
Burahintama ka, masaya rin talaga ang makita silang makapagtapos :)