Nakaka-haggard at nakaka-stress na ang mga nagdaang araw. Ang sakit na ng kamay ko kakasulat. Ang hirap pa naman i-push ang sarili ko na gawin ang isang bagay na meron namang ibang paraan para magawa yun ng mas mahusay at mabilis. Naiinis ako. Sila kaya gumawa!!! Malapit nang ma-injured ang kamay ko, kaliwete pa man din ako, di madaling magsulat sa kaliwa!!! Wahh! Super angal na talaga ako... baka nauubos lang talaga ang patience ko this time. Tao lang. Nararamdaman ko na lumalabas na naman ang mga bones ko sa dami ng ginagawa :) Sobrang kinakain na ng trabaho ang mga oras ko. Tsk! Super extended na ang work, parang wala ring uwian at weekends. Feeling ko kahit gano kadalas pa kong kumain, wala rin... kasi nga nakakapagod ang mga moments ng buhay ngayon. Gusto ko na ng bakasyon. Gusto ko umabsent. Napaka unfair ng life ngayon. Napag-iisipan ka ng mali na di mo naman talaga ginawa. Eh pa'no kung ako naman ang mapag-isip ng mali sa kapwa? sige nga... pero di ko pa rin gagawin....