Sabado (April 8); Mcdonald’s, Puregold – Paso de Blas. Habang kumakain kami ng sundae ni Eldie, biglang tumawag ang nanay ni Neri. Ang sagot ni Neri sa kanyang nanay sa tanong na kung saan pa kami pupunta ay “sa QC” at kung bakit ay dahil “pupunta kaming museum…” “May museum ba sa circle?” ang naging tanong namin sa isa’t isa; dahil ang alam namin ay gagala at maglalakad-lakad lang naman kami sa Quezon Memorial Circle. Malay ba namin kung may museum dun, hindi naman kami taga-QC. Bahala na, at least nakapag-paalam si Neri. Nagkatotoo ang kanyang alibi; nang marating namin ang Quezon Memorial Shrine nakita nam...