Mga Pahina

Sabado, Mayo 28, 2016

GSIS Museo ng Sining




Walang ibang tao. Kaming tatlo lang nila Eldie at Neri ang bisita ng museo. (2016.05.23)


Neri, Ako at Eldie (2016.05.23)










Ang nakaka-good vibes na painting (2016.05.23)


Natawa kami dahil halos mag-camouflage na si Neri sa painting hehehe (2016.05.23)








                Wala naman akong lakad noong araw na yun. Kaya sinamahan ko na lang sina Eldie at Neri sa pag-enroll ng kanilang e-card sa GSIS. Napagkasunduan namin na pagkatapos ng pagproseso ng kanilang e-card ay sasaglit kami sa Museo ng Sining (binalak rin namin na bisitahin ang National Museum dahil libre ang entrance fee dito para sa buwan ng Mayo, pero di namin nagawa dahil hapon na kami nakababa ng Central Station, sarado na).

                Maraming magagandang paintings ang makikita ngayon sa Museo ng Sining (GSIS). Gusto ko mang lagyan ng titulo at pangalan ng lumikha ang mga nakunan kong larawan ay hindi ko magawa dahil nung pumunta kami doon ay nasa pag-aayos pa rin ata ang mga staff (pero open naman ang museo sa mga gustong bumisita). Sa katunayan, mga tags pa lang na may code (letra at numero) ang nakalagay sa bawat likhang sining (painting at sculpture).

                Na-enjoy namin ang paglilibot, dahil nung mga oras na yun ay kami lang tatlo ang nasa loob ng museo! Di ko nga alam kung pamilyar ba yung mga nakasabay naming nag-enroll ng e-card na may museo na maaari nilang daanan bago umuwi (lalo na’t wala namang entrance fee) o baka wala lang talaga silang oras para sumaglit.

                Kung manggagaling ka ng Monumento (tulad namin), sumakay lang ng LRT Monumento Station at bumaba sa Gil Puyat (Php 30.00 ang pamasahe). Maglakad ng kaunti, hanapin ang mga orange na multicab na maghahatid sayo mismo sa GSIS Main (Php 7.00 lang) at mai-enjoy mo na ang mga likhang sining!


2016.05.23


Biyernes, Mayo 20, 2016

"...pero sige, nag-polo ka pa rin."


                Akala mo kasi napaka-appropriate nang maisipan mong mag-polo para sa birthday party (ng isang bata). Nag-worry ka naman na mainit isuot iyon… pero sige, nag-polo ka pa rin.

                Mahaba ang byahe… at inakala mo na magiging okay lang ang buhay sa MRT… ngunit naging malupit ito sayo – nasiksik ka, nadikdik, nanlagkit sa init. Tapus, paglabas mo ng ‘hell train’ pawis na pawis ka na, parang bagong hango sa labada ang itsura.

                Nagmadali kayo… naglakad at naghanap ng mapagbibilhan mong pamalit na t-shirt. Sakto, napunta sa Prego. Naisip mo, hindi ba’t meron ding Freego? So, ano ito… ah imitasyon ng brand? mockery ng brand? kawalan ng orihinal sa pangalan? Pero dahil SALE, pinalampas mo na lamang iyon. (Palibhasa, di ka rin naman masyadong maalam sa mga brand ng damit, so dedma lang sa naisip mo).

                Humalukay sa dami ng t-shirt na mapagpipilian, pati tuloy ibang kasama mo nadamay na rin sa pagpili at pagbili. Nakakita ka ng kulay gray… tapus naisip ni Neri na lagi ka na lang naka-gray… ah oo nga, nag-agree ka pa, lagi ka nga pa lang naka gray.

                Yung gusto mo sanang magpalit ng kulay, pero mukhang di ka mapapayapa kapag ibang kulay ang susuotin mo. Nag-meditate ka at nag-consult sa iyong inner-self, hanggang sa mapagtanto mo na hindi ka lalabas sa mall na iyon na iba ang kulay na nabiling t-shirt. Dapat talaga gray!

                Laking ginhawa nung nakapagpalit ka na. Fresh na ulit ang feeling though haggard sa looks.

                Sa wakas, nakarating na kayo kung saan gaganapin ang birthday party (ni Marcus). Bigla ka na lang nanghinayang ka sa paper bag na pinaglagyan ng binili mong t-shirt. Sayang! Kaya para magkaroon sa sentimental value, nagpasulat ka ng mensahe (on-the-spot) sa apat mong mga kaibigan, tig-isa sa bawat kanto ng paper bag. At heto ang mga naging mensahe nila sa’yo –





                “To Jep, Kaloka ka!!! Dahil sa’yo napabili kami ng damit nang wala sa oras. Salamat!!!”
– mula kay Biso (Dranreb)


                “Sabi nga nila change is the only thing that doesn’t change. Nag eevolved ka na, isa ka nang tunay na Hokage!”                                                                                                  
 – mula kay Eldie


“Dati akala ko si Jep ay seryosong tao, yun pala pag bumanat may ‘saltik’ din… Palagi ayaw umuwi bakit nga ba ayaw umuwi ng maaga huh… At ang nakakaloka matagal pumili ng damit…hehehe.”
– mula kay Neri


“Hoy Jep, kahit dq alam ang mga pangyayari saksakan ka ng echosero! Stay hot!”
– mula kay Denise
(na hindi nasaksihan ang pangyayari dahil sila ang host ng b-day party)


                Mula noon, isa nang resolusyon, na hindi mo na ulit susuotin ang polo na iyon… lalo na kung mainit ang panahon. Pero ang gusto mo pa nga, wag na lang isuot yun forever! Lol.


2015.12.29



Martes, Mayo 17, 2016

pagsusuri sa pagkakatulad ng mga weblog authors (mga naitalang ideya mula sa binasang journal)...


Mga naitalang ideya habang binabasa ang Content-Based Similarity Measures of Weblog Authors* nila Christopher Wienberg, Melissa Roemmele, at Andrew S. Gordon (2013):

Sinasabi na ang karakter ng isang indibidwal ay maaaring makita o malaman sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay (handwriting). Sa ganitong analohiya ikinumpara nila C. Wienberg et al ang pangunahing pokus ng kanilang pananaliksik – ito ay ang malaman ang pagkakatulad ng mga weblog authors batay sa kanilang mga naisulat. (Halimbawa, pagkakatulad batay sa kanilang demograpiko, kultura, relihiyon, at iba pa).

Sa pag-aaral na ito, aalamin ang pagkakapareha ng mga weblog authors batay sa resulta ng automatic text analysis at human judgment ng mga mambabasa.

Ang paggamit ng automatic text analysis ay maaaring makatulong halimbawa sa pagtukoy kung sino ang nagsulat ng isang partikular na akda. Ito ay batay sa ideya na ang bawat manunulat ay nag-iiwan ng sarili niyang stylistic footprint sa kanyang mga akda.

(At bigla na lang humirap ang content ng journal… nakakalunod na hahaha.)

Para sa ilang naitalang resulta ng pag-aaral –

…unexpected para sa mga mananaliksik nang kanilang malaman na statistically ay may significant correlation ang judgment ng mga mambabasa para sa kategorya ng values. Ibig sabihin nagkakatugma ang resulta ng pagkukumpara ng similarity ng mga sinuring teksto/akda ng mga weblog authors. Ito ay sa kabila na ang values ay maaaring ituring na mas abstract kumpara sa iba pang kategorya, halimbawa ay cultural, political at personality.

…sa automatic text analysis, sa pamamagitan ng personal pronoun count (na isa lamang sa method na kanilang ginamit) ay maaring masuri ang gender, age at/o mental state na pagkakatulad ng mga weblog authors batay sa mga pronouns na kanilang ginamit. Ngunit lumalabas na hindi ito sapat upang matukoy ang pagkakapareha ng mga weblog authors.



 *Kung nais mabasa ang kabuuan ng research journal, narito ang link.


Miyerkules, Mayo 11, 2016

dagli 10: cotton buds


                Hindi na muna ako gumagamit ng cotton buds sa paglilinis ng tenga. Tissue na lang ang ginagamit ko dahil ayoko na maulit pa ang infection. Pero nakaka-miss magkalikot sa loob ng tenga… specifically yung tingling sensation hahaha.


2016.05.09 (Mon, 12:16 PM)



Lunes, Mayo 9, 2016

Megavitamins. Makaton. Urbana at Feliza.


                Isang 4” by 6” na green index card ang ginagamit kong pananda sa libro (bookmark) para sa kasalukuyan kong binabasa – Erick Slumbook. Medyo improving sa pakiramdam kapag nakikita kong unti-unting kumakapal ang mga pahinang nasasakop ng pananda… ibig sabihin nagbabasa pa ako – nang higit pa sa foreword at nang wala pang laktaw.

                Kung tutuusin, madali naman na tapusing basahin ang libro na yun… isa o dalawang araw lang. Talagang inaantok lang ako kung minsan (sa pagbabasa)… o medyo may ginagawa… o kaya ay nakakatamaran na lang hanggang sa nalimutan ko na.

                Sa ikalawang kabanata pa rin –

… (1) nabasa ko ang tungkol sa “megavitamins” na iniinom ng mga batang may autism. Parang narinig ko na ang tungkol dito dati, pero ngayon lang kasi ako nakabasa mula sa isang personal na karanasan o salaysay. Totoo pala.

Ang buong akala ko, ang mga may kondisyon na autism ay higit na nangangailangan ng training, therapy at/o special education kaysa mga gamot. Pero katuwang na rin pala ng kanilang pag-improve ang pag-inom ng mga ito.

Sa kaso ni Erick, ang vitamin B6 at magnesium ang nakatalang kanyang iniinom (sa aking pagkakatanda).

May ilang pag-aaral na nagsasabing ang large doses ng vitamin B6 ay nakakatulong para makontrol ang hyperactivity; ma-improve ang kakayahan sa pagkatuto; at mapalawig ang kanilang pokus o atensyon. Gayunpaman, may paglilinaw akong nabasa na ang epekto ng mga gamot na ito ay unique para sa isang batang may autism… nangangahulugan, na hindi dahil may mabuting epekto ito sa isa ay magiging applicable na rin ito sa lahat.

… (2) ang pangalawa ay tungkol sa “Makaton” signs. Ito ang ginagamit ng sped teacher ni Erick (na si Cecile) upang makapag-communicate sa kanya (bilang si Erick ay maaaring ikategorya sa mga batang may autism na nonverbal). Nagkaroon ako ng interes dito (pakiramdam ko tuloy ay mag-aaral na rin ako ng SpEd tulad ng ginawa ni Cecile upang maging personal na therapist ng kanya ring anak na may autism).

Sinasabing ang paggamit ng Makaton ay nakakatulong upang ang isang batang nonverbal ay ma-develop sa verbal na pakikipag-komunikasyon. Bukod sa mga signs and symbols, isinasabay na rin sa bawat gestures ang spoken words; upang unti-unti ay matutunan nila ang ibig sabihin ng bawat simbolo at ang katumbas nito sa verbal sa pamamagitan ng mga salita.

Si Fanny ay naging creative sa paggamit ng mga signs and symbols para mas mapadali itong maintindihan at makagawian ng kanyang anak. Naging malikhain din si teacher Cecile sa kanyang mga pamamaraan para maturuan si Erick.

Kung bakit nga pala Makaton; ito ay hinango sa mga unang letra ng pangalan ng tatlong speech at language therapists na proponent ng language programme na ito – Margaret Walker, Katharine Johnston at Tony Cornforth.

… (3) ang huli ay tungkol kina “Urbana at Feliza” (Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza) na isinulat ni Modesto de Castro. Hindi ako masyadong pamilyar sa akdang ito; sinasabing ito ay naglalaman ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. At sa akdang ito inihalintulad ni Fanny ang palitan nila ng sulat ni Cecile gamit ang Home School Log.

Nakaka-enganyong basahin ang palitan nila ng liham sa Home School Log upang ma-update ang isa’t isa sa kasalukuyang estado ni Erick sa paaralan pati na rin sa bahay; ang kanilang mga palitan ng kuro-kuro, suhestyon, komento at ideya.

Naisip ko… paano kung mayroon ding Home School Log sa regular na paaralan. Sa bilang ko, humigit kumulang 250 na mga high school students ang naha-handle ko sa loob ng isang school year… gustuhin ko man na ma-update at makipag-palitan ng ideya mula sa kanilang mga magulang, sa tingin ko ay sa ibang paraan na lang hahaha! Pagsulat nga lang ng LP, hirap na… paano pa kaya ang individual na Home School Log. Oo nga… ibang paraan na lang talaga. Call for parent na lang o kaya ay i-update na lang sila tuwing kuhaan ng card.


2016.05.08 (Sun, 10:28 AM)



Sabado, Mayo 7, 2016

"...nakadalawang chapter na ako,"


                Ngayon ko lang na-encounter ang terminong Lamaze – na nabasa ko sa Erick Slumbook (na sa tagpong ito ay nakadalawang chapter na ako, nalampasan ko na ang paborito kong part… ang pambungad o foreword lols).

                Lamaze is a method of preparing women to give birth to children without the use of drugs – ito ay ayon sa Merriam-Webster. Na hindi ko agad malalaman dahil sa hindi naman masasagi sa aking isip ang panganganak at di ko rin naman uusisain pa dahil di ko naman ito mararanasan hahaha.

                Ang may akda ng kasalukuyang libro na aking binabasa ay si Fanny A. Garcia – isang ina at isang manunulat. Sa kanyang akda kung saan sa kanila mismo umiikot ang takbo ng kuwento – siya bilang isang ina, iba pang mga miyembro ng pamilya at lalo na sa kanyang anak na si Erick (na sa paglaon ay unti-unti na nyang natutuklasan na may kondisyon na autism).

                Sa ikalawang kabanata ay matutunghayan ang struggle ng isang ina sa pagtanggap sa kondisyon ng kanyang anak – kung paanong sa simula ay nagiging mahirap para sa kanya na komprontahin ang bagay na ito hanggang sa prosesong unti-unti (sa tulong ng mga kakilala at resulta ng ilang pangyayari) ay nagkakaroon siya ng tamang kaisipan / pagtanggap / pag-usisa sa kondisyon ni Erick.


2016.05.05 (Thu, 7:20 AM)



Huwebes, Mayo 5, 2016

dagli 09: "Natanggal na rin ang isang colony ng fungus sa tenga ko hahaha."


                Dapat sana ay lunes ng gabi (May 02)  ko pa nai-post ang dagli 08… pero kasi, bago ko pa ma-click ang ‘publish’ bigla na lang nag-brownout. Kaya yun… nauwi na lang sa paypay to da max.

                Medyo napi-feel ko na ang bakasyon… ang tulalang bakasyon! Pero, pabor pa rin naman, mas okay ang mas maraming muni-muni time. Nasanay na rin ako sa panaka-nakang pagbalik sa skul (parang ulan lang). Minsan nandun ako, minsan nandito lang. Pero dati ay hindi ko ito matanggap, dahil nasanay ako na kapag bakasyon ay hindi ko muna makikita ang paaralan sa loob ng 2 buwan… pero kasi, iba na ngayon (nung nasa private school ko lang nakagawian ang ganun). Naisip ko, pampabawas na rin ng tulala moments… at least productive (feeling binobola ang sarili lols).

                Natanggal na rin ang isang colony ng fungus sa tenga ko hahaha. Parang may amplifier na ang kanan kong tenga, lahat na lang naririnig. Masakit din ah, pero ngayon maginhawa na.

                May isang kwento, ang sabe – ang isang artist gumugugol ng maraming oras sa pagpa-practice para mas mapahusay ang kanyang gawang sining. Kaya, halimbawa… nagpaguhit ka ng iyong mukha at saglit nya lang iyon na nagawa, tapus siningil ka ng mahal. Ang sabe sa kwento, yung husay ng isang artist para magawa nya yun sa sandaling oras lang ay dulot ng mahabang panahon ng pagpapabuti ng kakayahan… at hindi mo yun mababayaran.


                Ang kwento na iyon ang nai-relate ko sa experience ng pagkakaroon ng otomycosis (fungal infection sa tenga) – ang pagpapa-check-up, ang ear drops at ang pagbalik para sa pagpapatanggal. Sa dalawang beses kong pagbalik sa clinic, laging mas mahaba pa talaga ang paghihintay kaysa sa mismong encounter mo sa espesyalista, at kung gaano yun kabilis, ganuon din kabilis mawawala ang pera sa iyong kamay. In short, gastos lang talaga ang gusto kong puntuhin. Magastos ang magpagamot hahaha. Kaya… oo nga, health is wealth talaga.


Martes, Mayo 3, 2016

dagli 08: Nabasa mo na ba ang Erick Slumbook? Nagkaroon ka na ba ng otomycosis?


                Erick Slumbook – ang librong nadampot kong basahin para sa buwan ng Mayo. Natapos ko nang basahin ang pambungad na parte. Parang dejavu lang. Foreword lang din ang nabasa ko sa huling librong tinangka kong basahin hahaha. Pero may feeling akong matatapos ko ito, kasi interesting sya at higit sa lahat tagalog.

                First time kong magkaroon ng otomycosis (isang fungal infection sa tenga). Uso daw ito kapag summer, lalo na sa mahilig mag-swimming na nalalagyan ng tubig ang tenga na nagiging suitable breeding area para sa mga pasaway na fungus, o kaya naman ay sa mga mahilig magkalikot ng tenga (tulad ko). Duda ko, kung hindi sa ilog (noong survival camp) ay noong swimming sa dagat ko ito nakuha. Sana naman bukas pagbalik ko sa clinic ay matanggal na sya. Ang hirap pag di masyadong makarinig ang isang tenga, di ko alam kung mahina o malakas na ba ang pakikipag-usap ko sa iba. Kaya ear drops ang peg ng buhay, hoping mapatay ang mga fungi.


                Ang daling sabihin na mag-aayos na ako ng mga kalat sa kwarto… pero bigo pa rin ako. Lol.


***Ika-02 ng Mayo, 2016 (Lunes, 8:40 ng gabi)


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...