Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2016

GSIS Museo ng Sining

Walang ibang tao. Kaming tatlo lang nila Eldie at Neri ang bisita ng museo. (2016.05.23) Neri, Ako at Eldie (2016.05.23) Ang nakaka-good vibes na painting (2016.05.23) Natawa kami dahil halos mag-camouflage na si Neri sa painting hehehe (2016.05.23)                 Wala naman akong lakad noong araw na yun. Kaya sinamahan ko na lang sina Eldie at Neri sa pag-enroll ng kanilang e-card sa GSIS. Napagkasunduan namin na pagkatapos ng pagproseso ng kanilang e-card ay sasaglit kami sa Museo ng Sining (binalak rin namin na bisitahin ang National Museum dahil libre ang entrance fee dito para sa buwan ng Mayo, pero di namin nagawa dahil hapon na kami nakababa ng Central Station, sarado na).                 Maraming magagandang paintings ang makikita ngayon sa Museo ng Sining (GSIS). Gusto ko ma...

"...pero sige, nag-polo ka pa rin."

                Akala mo kasi napaka-appropriate nang maisipan mong mag-polo para sa birthday party (ng isang bata). Nag-worry ka naman na mainit isuot iyon… pero sige, nag-polo ka pa rin.                 Mahaba ang byahe… at inakala mo na magiging okay lang ang buhay sa MRT… ngunit naging malupit ito sayo – nasiksik ka, nadikdik, nanlagkit sa init. Tapus, paglabas mo ng ‘hell train’ pawis na pawis ka na, parang bagong hango sa labada ang itsura.                 Nagmadali kayo… naglakad at naghanap ng mapagbibilhan mong pamalit na t-shirt. Sakto, napunta sa Prego. Naisip mo, hindi ba’t meron ding Freego? So, ano ito… ah imitasyon ng brand? mockery ng brand? kawalan ng orihinal sa pangalan? Pero dahil SALE, pinalampas mo na lamang iyon. (Palibhasa, di ka rin naman masyadong maalam sa mg...

pagsusuri sa pagkakatulad ng mga weblog authors (mga naitalang ideya mula sa binasang journal)...

Mga naitalang ideya habang binabasa ang Content-Based Similarity Measures of Weblog Authors* nila Christopher Wienberg, Melissa Roemmele, at Andrew S. Gordon (2013): Sinasabi na ang karakter ng isang indibidwal ay maaaring makita o malaman sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay (handwriting). Sa ganitong analohiya ikinumpara nila C. Wienberg et al ang pangunahing pokus ng kanilang pananaliksik – ito ay ang malaman ang pagkakatulad ng mga weblog authors batay sa kanilang mga naisulat. (Halimbawa, pagkakatulad batay sa kanilang demograpiko, kultura, relihiyon, at iba pa). Sa pag-aaral na ito, aalamin ang pagkakapareha ng mga weblog authors batay sa resulta ng automatic text analysis at human judgment ng mga mambabasa. Ang paggamit ng automatic text analysis ay maaaring makatulong halimbawa sa pagtukoy kung sino ang nagsulat ng isang partikular na akda. Ito ay batay sa ideya na ang bawat manunulat ay nag-iiwan ng sarili niyang stylistic footprint sa kanyang mga akda. (A...

dagli 10: cotton buds

                Hindi na muna ako gumagamit ng cotton buds sa paglilinis ng tenga. Tissue na lang ang ginagamit ko dahil ayoko na maulit pa ang infection. Pero nakaka-miss magkalikot sa loob ng tenga… specifically yung tingling sensation hahaha. 2016.05.09 (Mon, 12:16 PM)

Megavitamins. Makaton. Urbana at Feliza.

                Isang 4” by 6” na green index card ang ginagamit kong pananda sa libro (bookmark) para sa kasalukuyan kong binabasa – Erick Slumbook. Medyo improving sa pakiramdam kapag nakikita kong unti-unting kumakapal ang mga pahinang nasasakop ng pananda… ibig sabihin nagbabasa pa ako – nang higit pa sa foreword at nang wala pang laktaw.                 Kung tutuusin, madali naman na tapusing basahin ang libro na yun… isa o dalawang araw lang. Talagang inaantok lang ako kung minsan (sa pagbabasa)… o medyo may ginagawa… o kaya ay nakakatamaran na lang hanggang sa nalimutan ko na.                 Sa ikalawang kabanata pa rin – … (1) nabasa ko ang tungkol sa “megavitamins” na iniinom ng mga batang may autism. Parang narinig ko na ang tungkol dito dati, pero ngayon lang kasi ako n...

"...nakadalawang chapter na ako,"

                Ngayon ko lang na-encounter ang terminong Lamaze – na nabasa ko sa Erick Slumbook (na sa tagpong ito ay nakadalawang chapter na ako, nalampasan ko na ang paborito kong part… ang pambungad o foreword lols).                 Lamaze is a method of preparing women to give birth to children without the use of drugs – ito ay ayon sa Merriam-Webster . Na hindi ko agad malalaman dahil sa hindi naman masasagi sa aking isip ang panganganak at di ko rin naman uusisain pa dahil di ko naman ito mararanasan hahaha.                 Ang may akda ng kasalukuyang libro na aking binabasa ay si Fanny A. Garcia – isang ina at isang manunulat. Sa kanyang akda kung saan sa kanila mismo umiikot ang takbo ng kuwento – siya bilang isang ina, iba pang mga miyembro ng pamilya at lalo na sa kanyang ...

dagli 09: "Natanggal na rin ang isang colony ng fungus sa tenga ko hahaha."

                Dapat sana ay lunes ng gabi (May 02)  ko pa nai-post ang dagli 08 … pero kasi, bago ko pa ma-click ang ‘publish’ bigla na lang nag-brownout. Kaya yun… nauwi na lang sa paypay to da max.                 Medyo napi-feel ko na ang bakasyon… ang tulalang bakasyon! Pero, pabor pa rin naman, mas okay ang mas maraming muni-muni time. Nasanay na rin ako sa panaka-nakang pagbalik sa skul (parang ulan lang). Minsan nandun ako, minsan nandito lang. Pero dati ay hindi ko ito matanggap, dahil nasanay ako na kapag bakasyon ay hindi ko muna makikita ang paaralan sa loob ng 2 buwan… pero kasi, iba na ngayon (nung nasa private school ko lang nakagawian ang ganun). Naisip ko, pampabawas na rin ng tulala moments… at least productive (feeling binobola ang sarili lols).               ...

dagli 08: Nabasa mo na ba ang Erick Slumbook? Nagkaroon ka na ba ng otomycosis?

                Erick Slumbook – ang librong nadampot kong basahin para sa buwan ng Mayo. Natapos ko nang basahin ang pambungad na parte. Parang dejavu lang. Foreword lang din ang nabasa ko sa huling librong tinangka kong basahin hahaha. Pero may feeling akong matatapos ko ito, kasi interesting sya at higit sa lahat tagalog.                 First time kong magkaroon ng otomycosis (isang fungal infection sa tenga). Uso daw ito kapag summer, lalo na sa mahilig mag-swimming na nalalagyan ng tubig ang tenga na nagiging suitable breeding area para sa mga pasaway na fungus, o kaya naman ay sa mga mahilig magkalikot ng tenga (tulad ko). Duda ko, kung hindi sa ilog (noong survival camp) ay noong swimming sa dagat ko ito nakuha. Sana naman bukas pagbalik ko sa clinic ay matanggal na sya. Ang hirap pag di masyadong makarinig ang isang tenga, di ko alam kung mahina o malak...