Mga Usapang ‘Half-Half’ Tandang-tanda ko pa noong nasa elementarya pa ako, kapag napag-uusapan naming magkaka-klase ang tungkol sa kung anong lahi meron sa aming mga sarili o pamilya, para bang hindi mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento na ikaw ay Pinoy! Dapat meron kang ibang ‘blood line’ ika nga, para astig at sosyal lols. Mas magandang lahi mas bida, parang mga ‘aso’ lang… Ang pinaka talamak na sagot sa aming magkaka-klase ay ang pagiging ‘half chinese’, at dapat may pruweba para maniwala sila sayo. Halimbawa, gagawin mong mapungay ang iyong mga mata para naman makita nila na ikaw nga ay singkit (kahit di naman talaga lols) o kaya dapat ay makabanggit ka ng ilang mga salita para mapatunayan mo na ikaw ay may dugong ‘banyaga’, o kaya naman, kung hindi talaga lumabas sa ‘itsura’ mo ang lahing ibinibida mo, dapat kahit picture man lang ng iy...