2018 06 05 (Tue, 9:06 PM) Napagtanto ko na medyo mahaba na ang twenty minutes para gumawa ng isang journal; kaya babaguhin ko na ang ruling, 15-minute journal writing na lang. Kanina ay nag-elect na kami ng class officers; sa paraang dating gawi. Sa bawat posisyon na pagbobotohan, maaaring mag-volunteer na i-nominate ang sarili, maaari ring mag-nominate ng iba pero kung ayaw ma-nominate ng ninominate mo, eh di wag. Tapus, botohan. Interesting ang set of officers ko ngayon. Yung 2 sa possible favorite students ko (kasi mukhang mga future pazaways) ay na-elect na officer! Demokrasya nga naman lol. Natuwa na rin ako para sa kanila, kasi di ko naman sigurado kung may “label” na ba sila noong nakaraang school year, kasi ku...