Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na book report

Megavitamins. Makaton. Urbana at Feliza.

                Isang 4” by 6” na green index card ang ginagamit kong pananda sa libro (bookmark) para sa kasalukuyan kong binabasa – Erick Slumbook. Medyo improving sa pakiramdam kapag nakikita kong unti-unting kumakapal ang mga pahinang nasasakop ng pananda… ibig sabihin nagbabasa pa ako – nang higit pa sa foreword at nang wala pang laktaw.                 Kung tutuusin, madali naman na tapusing basahin ang libro na yun… isa o dalawang araw lang. Talagang inaantok lang ako kung minsan (sa pagbabasa)… o medyo may ginagawa… o kaya ay nakakatamaran na lang hanggang sa nalimutan ko na.                 Sa ikalawang kabanata pa rin – … (1) nabasa ko ang tungkol sa “megavitamins” na iniinom ng mga batang may autism. Parang narinig ko na ang tungkol dito dati, pero ngayon lang kasi ako n...

"...nakadalawang chapter na ako,"

                Ngayon ko lang na-encounter ang terminong Lamaze – na nabasa ko sa Erick Slumbook (na sa tagpong ito ay nakadalawang chapter na ako, nalampasan ko na ang paborito kong part… ang pambungad o foreword lols).                 Lamaze is a method of preparing women to give birth to children without the use of drugs – ito ay ayon sa Merriam-Webster . Na hindi ko agad malalaman dahil sa hindi naman masasagi sa aking isip ang panganganak at di ko rin naman uusisain pa dahil di ko naman ito mararanasan hahaha.                 Ang may akda ng kasalukuyang libro na aking binabasa ay si Fanny A. Garcia – isang ina at isang manunulat. Sa kanyang akda kung saan sa kanila mismo umiikot ang takbo ng kuwento – siya bilang isang ina, iba pang mga miyembro ng pamilya at lalo na sa kanyang ...

Foreword Reading

Mukhang exciting ang future sa ganitong eksena:                 “… Freeman Dyson makes some provocative predictions about a future in which genetic engineering kits may be as common and widely used as personal computers and cell phones are today, with even children creating new life forms.” - mula sa Foreword ni TIM FOLGER The Best American Science and Nature Writing 2008 Yun nga lang, ang worry niya ay:                 “Will that future, if it comes to pass, become the stuff of dreams or of nightmare?” At ang worry ko ay nagbabasa na naman ako ng hanggang FOREWORD lang. Hahaha. Ganyan. 12.25.2015

3 Uri ng Kwento na Nakaka-Victim ang Feeling After Basahin :)

                 (1) Yung kwento na kung tutuusin ay ang ikli lang pala, pero humaba dahil sa mga paligoy-ligoy na naidagdag. Na ikaw naman pilit mong binasa ang bawat ‘palabok’ hoping na may kinalaman yun sa kwentong binabasa mo, tulad ng mga ‘flashback-thingy’ na nagbibigay paliwanag sa mga anek-anek na misteryong meron sa kwento. Pero at the end, feeling mo talaga ay nauto ka lang ng nagsulat. Hahaha. Ako lang ba ang biktima? Pero okay lang din kasi maayos naman ang pagkakahabi at may sense pa rin naman basahin… pero feeling ko talaga, nang-uuto lang sila.                 (2) Yung napakahaba ng tunggalian / conflict sa istorya… yung malapit ka na sa ending pero bakit di pa rin natatapos at hindi pa rin nabibigyan ng solusyon. Ang pinakamasaklap, matapos mong ma-excite na para bang “Eto na! Malapit na ang ending! Malalaman ko na!” pero nagulantang ka na lang ...

Parang mas ok pa kung wala na lang itong pamagat. Pero lalagyan ko na lang ng kahit na ano. Kasi... sayang.

Ika-10 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 3:57 ng hapon 1. I am longing for someone or something, but I do not know who or what is that I’m longing for. (Nasabi ko na ata sa sarili ko ito dati. May pagka-psychotic na ba ako? lol.) 2. Parang nakakagawian ko na ang magregalo ng libro. Sa totoo lang, yung mga nireregalo kong libro ay gusto ko rin basahin, kaya may ‘hinayang effect’ o ‘separation anxiety’ kapag naibigay ko na hahaha . Pero, kapag naiisip ko naman na nasa mabuting kamay ang librong ibinigay ko, ‘at peace’ na rin naman ako. It’s like giving or sharing a piece of me to that person (ganun) . Minsan, hindi ko masyadong iniisip kung gusto rin ba ng pagbibigyan ko yung librong ibibigay ko sa kanya. Basta interesado ako sa book na nakita ko at sa tingin ko (in some ways) ay ‘swak’ naman sa kanya, yun na ang ibinibigay ko… or I don’t mind na lang hahaha . Bilang ideya ni Denise na mag- exchange gift (halagang 100 pesos lang naman) kaming lima nila Eldie...

"...book review ba ‘to?"

Ika-15 ng Setyembre, 2014 Lunes, 11:44 ng umaga Pamagat:           “Ligo Na U, Lapit Na Me” Ni:                      Eros S. Atalia             Kahapon, ika-14 ng Setyembre, araw ng Linggo, ganap na 1:10 ng hapon… natapos ko na ang ikalawang libro para sa taong ito! Hahaha . Hiyang-hiya naman ako, ang nipis lang ng libro pero ilang araw pa ang inabot ko bago ko ito matapos…             May magandang dulot din ang pagbabasa sa akin, kahit pa nga antukin ako sa pagbabasa. Una, kapag nabuburyong na ako sa pinapagawa sa akin ng mundo (parang utang na loob pa ng mundo na kumilos ako) nagbabasa na lang muna ako bago matulog, para naman ma- relax o maihiwalay ko naman ang aking isip sa mga gawain na hindi ko naman naga...

"kung ako ay isang bumbilya..."

Ika-12 ng Agosto, 2014 Martes, 7:52 ng gabi             Madonna and Child ang pamagat ng ikatlong kabanata ng Ligo Na U, Lapit Na Me ni Sir Eros . Hindi ko alam kung shunga lang ba ako para hindi mabatid kung bakit yun ang title ng chapter hahaha . Mas nag- focus kasi ako sa nilalaman nito. Sa bahaging ito ng libro ay unti-unti na ang pagbibigay ng mas detalyadong paglalarawan kung sino sina Intoy at Jen … basta ang natandaan ko sila ay… friends with benefits .             Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang mga kakulitan at kaaningan ng mga bubwit na hinaharap ko mula lunes hanggang biyernes… sa totoo lang gusto ko na silang dagukan isa-isa lols . Pero syempre bawal, mahirap na baka ma- TV patrol hehehe .             Ang aga ko naman antukin… namimikit na ang mga mata ko habang ginagawa ko ‘to. ...

"Hanggang kailan may bukas?"

Ika-11 ng Agosto, 2014 Lunes, 7:46 ng gabi             Kaninang umaga ay katatapos ko pa lang basahin ang ikalawang kabanata ng libro ni Sir Eros na Ligo Na U … ang pamagat ng chapter two ay – Got to Believe in Ethics.             Sa totoo lang hindi pa masyadong nagsi- sink in sa akin ang karakter ni Intoy … kasi sa mga pahayag niya pakiramdam ko si Sir Eros pa rin ang nagkukwento… napakanatural lang kasi ng daloy. Hindi ka maninibago, parang dati mo na ring kakuwentuhan ang nagsasalaysay.             Nakakatuwa kung paano niya diniscribe ang karakter ni Ma’am Ethics … na malayo naman sa naging prof namin noon sa BioEthics . Mas malaya kami kay Ma’am BioEthics kumpara kay Ma’am Ethics ni Intoy . Masaya yung subject namin na yun, lalo na kung may debate na nagaganap. Nakakaaliw panuorin ang mg...

“Nong ideal d8 mgsuicide?”

Ika-10 ng Agosto, 2014 Linggo, 7:57 ng umaga Pamagat:           “LIGO NA U, LAPIT NA ME” Ni:                       Eros S. Atalia             Unang kabanata pa lang, na- hook (or nahayok hahaha) na agad akong basahin nang tuloy-tuloy ang libro, pero pinigilan ko ang sarili ko, ayoko matapos agad ang binabasa ko. Naisip ko, mas mabilis ako magbasa ng tagalog kumpara mga ingles na babasahin. Lalo na sa estilo ng pagsusulat ni Sir Eros , simple lang at madaling maintindihan at nakaka- relate ang madlang pipol tulad ko. Kapag ingles kasi, naiinis ako kapag may salitang noon ko pa lang na- encounter hahaha , kahit pa alam ko naman ang kahulugan sa pamamagitan ng contextual clues (na turo ng English teacher ko nung high school) , hindi ko matiis na hindi hanapin ang eksakt...

"Gray Matter"

Ika-09 ng Agosto, 2014 Sabado, 9:08 ng gabi Pamagat:          “GRAY MATTER” Ni:                     David I. Levy, MD with Joel Kilpatrick             Ito ang unang libro na natapos kong basahin ngayong taon whahaha . Bakasyon pa nung nabili ko ang libro (sa Booksale, P155 lang) , pero dahil sa ubod ako ng sipag magbasa, ngayon ko lang siya natapos (mga 30 minutes pa lang ang nakalipas) pati mga footnotes at epilogue!             Ito ay hango sa totoong-buhay. Mga pangyayari sa isang neurosurgeon na si Dr. David I. Levy . Nagkaroon ako ng interes na basahin ang libro dahil sa linya nito na – “A neurosurgeon discovers the power of prayer… one patient at a time.”          ...

Tado & Shomba Tandem

BUK-REPORT: Tado Jimenez, Ang Ikatlo sa Huling Libro (part 1) Feeling book review? Yung totoo natawa ako ng maisipan ko 'to kasi di ko naman talaga 'to ginagawa, tapus ngayon ito pang libro ni Tado ang una kong gagawan ng mala-book report :) Sa unang bahagi ng libro mababasa ang kanyang "100 Must Do's Before I Die". Tapus, hinimok niya ang kanyang mambabasa na gumawa rin ng sarili nyang 100 must do bago mamatay... pero dahil kulang ako sa oras para isipin ang ganoon karami, ito ang first 10 na pumasok sa aking isip: 1. Makasali sa Survivor at ma-haggard ng todo sa mga challenges. 2. Makapasok sa bahay ni Kuya para ma-testing kung ako ba ang una at agad-agad na mai-evict or kung masi-save ako ng boto ng bayan :) 3. Sumali sa Olympics :) *kahit flag bearer na nga lang* 4. Makapagsulat ng libro. 5. Makapag-aral sa Germany at maging isang scientist. 6. Manirahan sa iba't ibang lugar kada linggo. 7. Maging part ng isang documentary team. 8. Magkaro...