Ika-23 ng Mayo, 2014 Biyernes, 1:43 ng hapon Sa unang taon ko sa kolehiyo, matapos ang first semester ay kailangang dumaan sa isang qualifying exam ang lahat ng mga education students . Ang resulta ng prosesong iyon ang magbibigay sa iyo ng karapatan para magpatuloy sa major na pinili mo. Ako ay kabilang sa mga science major . Na kapag hindi ka pumasa sa qualifying exam ng iyong departamento ay kailangan mong mag- shift sa ibang major (kung maipapasa mo ito) o ang pinaka-masaklap ay ang mag- shift ka sa ibang kurso. Tandang-tanda ko noong araw na iyon ang nararamdaman ko ay pagkasabik na may halong kaba. Nai- excite ako sa pagdaraanan naming proseso at kinakabahan kasi halos wala pa nga kaming 40 na science major ay mababawasan pa kami (grumaduate nga pala kaming mga science major sa bilang na 28) . ...