Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na #MgaKwentoSaTagUlan2014

“Cold, cold water bring me around…"

Ika-6 ng Disyembre, 2014 Sabado, 9:03 ng gabi             Tirik na tirik ang sikat ng araw kanina –             …parang nagpapahiwatig talaga. Sabi nila, ganun din daw ang panahon bago humagupit si Yolanda . Animo’y payapa… hindi naman pala.             Sana lang ay hindi na lumakas pa itong si Ruby . Sana “less hagupit” .             Ikaapat na sabado. Sa huling klase, late ako ng tatlong minuto. Oks lang naman. Halos kararating lang din ng prof . Agad kong napansin ang mga nakasulat sa pisara. Akala ko lecture na, buti na lang hindi. Mga naiwang sulat ng huling gumamit at nag-iwan ng kung anu-ano sa board. Mga kakatuwang kowtabol kowts . Mabuti na lang hindi nabura ni sir lahat habang nagpapaliwanag siya kanina. Naka- survive ang dala...

"sa ngalan ng ‘partial requirement’..."

Ika-29 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 8:23 ng gabi             Isa sa pangarap kong gawin / trabaho ay ang maging isang researcher . Kahit nakadudugo sa pag-iisip ang research , hindi ko alam kung bakit trip ko pa rin ito. Parang ang saya lang kasi na marunong ka mag- research . Marami kang malalaman. Marami kang matututunan. Kaya nga, hinahangaan ko ang mga mahuhusay na researcher sa kanilang napiling field ; pati na rin yung mga nagtuturo ng paggawa ng isang matino at magaling na research . Sa tingin ko, bukod sa nakayayaman ito ng isip, nakapagpapalago rin ito ng pagtingin mo sa buhay at sa mundo (wow? lol) .             Kaya sa mga mahuhusay sa research … turuan niyo naman ako! Hehehe . Mukhang malabo na ring mangyari yung pinapangarap ko na maging part ng isang research team na napapadpad kung saan-saang lugar para sa isinasagawa nilang pag-aaral… hay naku...

Minsan, pwede na rin ang kahit na anong pamagat. Wala eh :)

Ika-12 ng Oktubre, 2014 Linggo, 7:10 ng gabi             Nakagugulat naman yung biglang papasok si mudra sa kwarto ko (kani-kanina lang) para lang sabihin na “Hay naku Jep, maya-maya na kayo kumain. Hilaw pa yung sinaing ni Papa mo,”  sabay labas sa kwarto.             Mabuti na lang hindi niya nakita yung pinagkakaabalahan ko sa netbuk …             …yung blog ko at blog hopping . Lols.             Maulan ang panahon ngayon. Nakaka- miss yung nakakakilig na lamig sa paa kapag naka- tsinelas ka lang habang naglalakad sa basa at medyo maputik na daan. Yung kumukulubot na yung paa mo sa pagkabasa dulot ng lamig ng ulan.             Hindi na ako makausad sa kwento ni Amapola … ...

"…and mudra saves the day!!! Hooray!!!"

Ika-01 ng Oktubre, 2014 Miyerkules, 6:19 ng gabi             Ok na sana na dumating ako sa faculty (kaninang umaga) mga limang minuto bago ang klase. Naisip ko may kaunti pa akong oras para kunin yung mga gamit ko at mag-ayos. Pero…             …pagbukas ko ng aking bag…             … leche flan! Siomai!             Naiwan ko yung salamin ko!!! At hindi kakayanin na umuwi pa ako at bumalik sa school sa loob lang ng 5 minutes . Na- stress ako ng biglaan hahaha .             Nagpapanggap na nga lang akong may nakikita habang naglalakad kanina mula sa gate ng school papunta sa faculty tapus naiwanan ko pa pala yung salamin ko sa mata.         ...

"Wag matakot ma-guidance." :)

Ika-18 ng Setyembre, 2014 Huwebes, 9:13 ng gabi             Habang nanunuod ng telebisyon at kumakain ng meryenda , ikinuwento ko sa nanay ko na mula noong napatupad ang batas ukol sa Anti-Bullying , maraming magulang na ang nagpupunta sa eskwelahan para makipag-usap / mabigyang solusyon ang kanilang mga anak na nabu- bully .             Sabi naman niya, masyado na raw atang sensitibo ang mga bata ngayon. Dati naman daw nung panahon nila, wala naman daw yang anti-bullying na yan. Yung mga bully daw noon ay inaaway nila. Kung naging lalaki nga lang daw siya, malamang naging basagulero pa siya.             Bongga na naman ni mudra .             “Iba na kasi ang panahon ngayon… iba na rin yung mga bata” , banggit ko sa kanya.    ...

"...Ma'am Keps!"

Ika-07 ng Setyembre, 2014 Linggo, 7:30 ng gabi             Yung aso namin, nakakatuwang ewan. Kasi kahit malaki na siya, ipinagkakasya pa rin niya ang kanyang sarili sa dati niyang tulugan. Medyo nakakainis lang kapag umaalis ako sa umaga, lalo na’t hindi siya nakatali, kasi hilig niyang makipagharutan. Akala niya siguro natutuwa ako sa matatalas niyang kuko na kumakayod sa sapatos ko at pantalon. Yung fresh na fresh pa naman ako sa umaga tapus hahabulin ka niya hanggang sa labas at makikipagharutan, buti sana kung bagong ligo rin siya tulad ko hahaha . Mabuti na lang at di ko siya aso, pagmamay-ari siya ng kapatid ko, kaya wala akong obligasyon na paliguan at pakainin siya. Basta, yung cactus ko lang ang aalagaan ko.             Malapit ko na matapos ang Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros Atalia . Mga ilang kabanata na lang ang naiwan. Achievement na ito, mak...

"Maikli"

Ika-30 ng Agosto, 2014 Sabado, 10:15 ng gabi             Mula umaga hanggang tanghali ay magkabati pa ang nanay at tatay ko… sa paggamit ng tv . Palibhasa, nasa prime time pa ang kanilang mga panunuorin. Pero ‘wag ka… kapag kumagat na ang dilim… bakbakan na sa tv! Kada komersyal, lipat ng lipat sa ibang channel … basketbol… teleserye… basketbol ulit… teleserye ulit… basketbol na naman… teleserye na naman… hanggang ang tv ay matigbak.             Mabuti pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto… sitting pretty sa harap ng tv sa kanyang silid.             Mabuti pa ako… hindi na lang ako nanunuod lols .         Ni hindi ko man lang natunghayan sa tv yung balita na hindi raw pusa sa Hello Kitty! Napakaimportanteng balita pa naman nun, life changing hahaha . ...

"Si Manong-Vibrato..."

Ika-15 ng Agosto, 2014 Biyernes, 8:22 ng umaga Dear Neighborhood,             Hindi ko alam kung sino-sino (o kung meron ba) ang nag- request para sa repeat ng inyong “all-star-weekend-outraging-videoke-performance” . Grabe pati weekdays nakopo niyo na, ang taas-taas na ata ng ratings at public demand sa inyo… kaya di na ako magtataka, madedemanda na talaga kayo hahaha .             Kagabi di ako makatulog, sulit na sulit nga naman kapag kayo ay nag- perform . Kahit walang sumisigaw ng “more” aba “many-many-more” pa talaga ang peg niyo. At hindi lang yan, naunahan niyo pa ako sa paggising ngayong umaga dahil napuyat ako sa sapilitang pagtangkilik sa inyo. Wala na talaga akong masabi, ‘pag umaga rehearsal? ‘Pag gabi full-blast-hurricane-performance? Astig!             Minsan, nagpapaka-positib...

"Iba pa rin kapag..."

Ika-05 ng Agosto, 2014 Martes, 11:09 ng gabi             Matutulog na sana ako… kaso sa di ko malamang dahilan, bigla ko na lang naalala ang mga “kowtabol kowts” ni nanay nung nasa ‘hiskul’ pa ako.             Kapag nakikita niyang naha- haggard na ako sa pagri- review para sa exam (at mukhang parte na ata ng buhay ko ang maging haggard hahaha) sasabihin niya –             “Hay naku! Bukas ka na mag-review, gabi na! Wala nang papasok d’yan sa utak mo. Gumising ka na lang ng maaga, para fresh pa yang memorya mo; madaling-araw ka mag-review.”             Tapus babanatan pa niya ng –             “Ako nga nung nag-aaral ganun ginagawa ko!”        ...

"Wala bang ano? You know..."

Ika-03 ng Agosto, 2014 Linggo, 8:42 ng gabi             Ngayong oras pa lang ako kakain ng hapunan… bale dalawang empanada (chili beef at tuna mula sa Yumpanada lols) at isang mug ng malamig at namumuong inumin na Milo! Napagod ako sa alay-lakad namin ni mudra… na medyo nakakainis mula umpisa hanggang gitna, bandang huli na lang ako medyo natuwa hahaha .             Sa pagod ko, parang di ko na ramdam pa ang kumain ng ulam at kanin.             Wala namang espesyal na nangyari sa aming lakad. Maliban na lang sa pagka-soplak ko sa mukha ng isang bata, syempre di naman sadya. Hindi ko naman kasi siya napansin habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao… bilang animo’y zombie ako kung maglakad, tumama ang aking galamay sa kanyang face, nung nilingon ko mukhang nasaktan siya kaya binilisan ko na lang ang...

Para sa mapagpanggap kong lamesa...

Ika-29 ng Hulyo, 2014 Martes, 9:27 ng gabi             Sa panahon ngayon, bihira na kaming magsabay-sabay sa pagkain. Kaya kagabi, damang-dama ko yung tagpo na nagkasabay kaming kumain ng nanay at tatay ko ng hapunan. Pakiramdam ko bumalik muli ako sa pagkabata… nung panahon na lagi pa kaming sabay-sabay kung kumain. Magiliw akong nakinig sa kanilang usapan… ganun pa rin ang lenggwaheng ginagamit nila… bikolano… natutunan ko na lang na makaintindi ng bikol dahil na rin sa mga pag-uusap ng nanay at tatay ko.             Mabuti na lang parehas silang good mood kagabi… kaya kwentuhan talaga ang aking natunghayan… hindi bangayan hahaha .             Kaninang umaga naman ay sumama ako kay nanay sa palengke. Alam niyang sumasama lang ako kapag meron akong gustong bilhin. Natawa lang siya kasi akala niya sa Mercu...

"I love my neighbors! So much."

Ika-27 ng Hulyo, 2014 Linggo, 10:48 ng umaga             Every month ay may “videoke festival” dito sa aming lugar. Tulad ngayon, actually kahapon pa, walang tigil sa pag-atungal ang mga pipol dito sa amin. At ang mas matindi, may mga neighborhood din kaming magsa- sound trip pa, basagan ng eardrums ang tema.             Daig mo pa ang may psychosis , kapag nandito ka sa lugar namin. Naririnig mo na ang paghiyaw ng mga nagvi- videoke , maririnig mo pa ang mga basag na sound system ng ilang ayaw magpadaig na neighborhood namin. Nasa gitna pa man din kami. Ikasasakit lang ng ulo mo kung magtatangka ka pang manuod ng tv o makinig ng radyo, o magpatugtog din… dahil super halo-halo na ang iyong maririnig. Parang dagdag asar pa sa iyong sarili kapag ginawa mo yun. Lols .             Kakaiba na ang pana...

"Drops of Jupiter"

Ika-20 ng Hulyo, 2014 Linggo, 10:30 ng gabi "Drops Of Jupiter" By: Train Now that she's back in the atmosphere With drops of Jupiter in her hair, hey, hey, hey She acts like summer and walks like rain Reminds me that there's a time to change, hey, hey, hey Since the return from her stay on the moon She listens like spring and she talks like June, hey, hey, hey Hey, hey, hey But tell me, did you sail across the sun? Did you make it to the Milky Way to see the lights all faded And that heaven is overrated? Tell me, did you fall for a shooting star– One without a permanent scar? And did you miss me while you were looking for yourself out there? Now that she's back from that soul vacation Tracing her way through the constellation, hey, hey, hey (mmm) She checks out Mozart while she does tae-bo Reminds me that there's room to grow, hey, hey, hey (yeah) Now that she's back in the atmosphere I'm afra...

"There Is a Light That Never Goes Out"

Ika-19 ng Hulyo, 2014 Sabado, 7:37 ng gabi "There Is a Light That Never Goes Out" The Smiths Take me out tonight Where there's music and there's people Who are young and alive Driving in your car I never never want to go home Because I haven't got one anymore Take me out tonight Because I want to see people And I want to see life Driving in your car Oh please don't drop me home Because it's not my home, it's their home And I'm welcome no more And if a double-decker bus Crashes in to us To die by your side Is such a heavenly way to die And if a ten ton truck Kills the both of us To die by your side Well the pleasure, the privilege is mine Take me out tonight Take me anywhere, I don't care I don't care, I don't care And in the darkened underpass I thought Oh God, my chance has come at last But then a strange fear gripped me And I just couldn't ask Take me...