Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na a piece of me

anyare march?

•   4:41 PM   3/17/2020 Nagtsi-check pa rin ako ng mga papel kahit mukha na akong tanga. Kasi ako lang yung busy-busyhan sa bahay. Di ba, bahay ‘to? Dapat relax mode lang eh. •   12:55 PM   3/18/2020 Hanggang sa tagpong ito ay nagtsi-check pa rin ako ng mga papel, pero konti na lang (ang pasensya ko). Habang gumagawa, nakikinig na lang ako ng mga music videos; yung mga na-download ko dati pa. •   1:09 PM   3/18/2020 Kung tutuusin, pwede ko naman checkan-keme na lang itong mga papel; but my annoying-ideal self would tell me – hoy nung student ka, gusto mo di ba tsine-checkan nang maayos yung mga gawa mo – tapus magpapauto naman ako. •   3:04 PM   3/18/2020 Medyo naiirita na ako sa ibang papel na tsine-checkan ko. Saan ka ba nakakita ng numero na dalawa ang decimal point? Ang sagot ng bagets ay 380.38.75 Joule. Anong basa mo dyan gurl? Halatang kopya, mali pa. Kaya gusto ko talaga na ako yung nagtsi-check eh, ...

11 February 2020 - resign

11 February 2020 (Tuesday) Ngayong araw, napag-desisyonan kong magre-resign. Masyado na nagiging predictable ang routine ng aking buhay; umaabot sa punto na alam ko na kung ano specifically ang mangyayari sa bawat oras. Parang ang lahat ng bagay ay lumilipas na lang. Walang nang element of surprise, o kahit na katiting na layunin para magpatuloy pa. Naisip kong mag-resign kasi gusto ko naman na magkaroon ng ibang trabaho; o kaya magkaroon ng iba pang pananaw sa mundo. Bagong workplace o environment, ganun. Wala lang… dinadama ko lang ang aking pag-iisa; dinadama ko lang ang pagiging burned-out ko or kung ano man ito. Gusto kong magbasa. Gusto kong ma-enjoy ang sikat ng araw. Gusto kong maglakad-lakad man lang kung saan. Ano ba ang silbi ng lahat ng kaabalahan natin sa mundo? Para ba ma-stress? Para makatanggap ng validation? Hindi naman siguro tayo ipinanganak para lang sa mga bagay na ito. - - - - - - - Isa lang ito sa mga kadugyutan ko, charot. Sampung taon na...

13 January 2020 - imbentaryo

8:26 PM 1/13/2020 (Monday) As of this moment, nag-i-encode pa rin ako ng mga gamit para sa inventory ng science lab. Medyo marami pang kailangan i-type. Then, pagsasamahin ko yung list ng luma at ng bagong mga gamit; eh parehas yun madami… as in madami talaga, hahaha! Ang masaklap… ay wait, yung Malabon nag-confirm ng pasok; baka magkaroon din kami. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, pero wala pa kasi akong nagagawa para dun sa class observation, like omg! Ano mangyayari sa akin nito? Hahaha! I’m torn between finishing this paper for the inventory and doing my lesson plan at instructional materials for the class observation. Dalawa lang naman naiisip ko eh – kung mag-suspend ng pasok, tatapusin ko na itong inventory; kung mag-declare naman ng pasok, uunahin ko muna yung para sa observation, kahit magkanda-puyat or wala na akong tulog, makaraos lang. Kung kailangan na yung paper para sa inventory, sasabihin ko di ko pa tapus. Bahala na, hindi naman ito ang primary task ko, ...

nobyembre 2018, ikatlong linggo

18 November 2018 What is bothering you? Work-related chorva. 19 November 2018 What inspires you? I am inspired by people living their dreams! 20 November 2018 What impression did you make on others today? Sa totoo lang, hindi ako aware. Hindi naman sa “I don’t mind”, pero mas maigi na sila na lang ang tanungin. 21 November 2018 What did you give up today? Ano nga ba?... I wanna give up on my old self. 22 November 2018 How did you play today? Hindi na ako naglalaro eh. Kaya I play with myself lang, hahaha! 23 November 2018 How do you know? How will I know? 24 November 2018 Name the last three things you used today. Plato, kutsara, at tinidor!

memampalaya

            Na-realize ko lang na kung meron man akong ipapalit sa kanin, o kung wala mang kanin ay okay na sa akin na may ginisang ampalaya na may halong itlog – ito na yung magiging kanin ko. Ang sarap kayang i-partner sa iba pang ulam ang ginisang ampalaya! Halimbawa, sa adobong manok o baboy, kahit pa sa siomai, pwede rin sa longganisa, pritong isda at marami pang iba. Yung pagiging mapait (basta wag lang masyado) ng ginisang ampalaya ay swak na complement ng iba pang malalasang ulam.             At oo, napaka-mema lang nito. Sumubok lang ako ulit… dami na agiw eh!             Ampalaya   |   Bitter Gourd   |   Momordica charantia             Syempre dapat may pa-english at pa-scientific name para nakakatalino pa rin ang dating, haha...

21

2018 07 10 (Tue, 4:38 PM) 1. What is your favorite food? Wala na ata akong favorite food. As of now, gusto ko lang i-try yung mga Chinese food, mga noodles na maaanghang na maraming herbs o gulay, sahog at iba pang pampalasa (halimbawa yung mga Indonesian noodles na nakikita ko sa IG), mga street food sa China , Japan at Thailand (na napapanuod ko naman sa youtube). At saka gusto ko rin pala kumain ng Bicol Express ngayon, nakita ko kasi sa fb eh, nakakatakam, eng sherep keye. Wala akong favorite pero ang dami kong gustong kainin, kalurkey. 2. How do you spend your weekend? Do you like to sleep or party hard? SLEEP!!! SLEEP!!! SLEEP!!! (Tig-tatlong exclamation point para intense). 3. Which song can you listen over and over again without getting bored? Hmmm… basta mga kanta ng Ben&Ben at mga cover songs ni JeromeVentinilla . 4. How do you want your dream home to look like? Gusto ko minimalist yung style, neutral lang yung mga colors na may kaunting hig...

Eeeee

2018 07 01 (Sun, 5:16 PM)             The introvert person inside of me suddenly becomes anxious nung sinabi ni Clang na hindi kami magsasabay papunta sa isang (or 2-in1) binyag-birthday event. Hindi ko na rin tinuloy mag-english, nagka-anxiety agad me sa grammar. So, kinalma ko na lang ang aking sarili, I told myself “keri lang yan, makakapunta ka pa rin dun mag-isa” . Habang nasa byahe, nag-text si Clang na on the way na rin siya, sa tantya ko ay mag-aabot naman kami sa venue (syempre eh parehas lang naman kami ng pupuntahan), magkaiba nga lang ang aming dinaanan. Ang epic lang ng pangyayari dahil hindi namin namalayan na yung sinakyan kong bus ay parehong bus din na sinakyan ni Clang! LT yung tagpo na sa pagbaba lang namin napagtanto na nasa iisang bus lang pala kami, sa kabila ng mega-text pa kami kung nasaan na ang isa’t isa.             Meron na akong bagong ina...

anyway...

2018 06 30 (Sat, 8:47 PM)             Na-miss ko na pumasok ng school tuwing sabado. Hindi kasi ako nag-enroll ngayong sem, eh kahit naman mag-enrol pa ako ay hindi na rin every Saturday ang pasok dahil natapos ko na ang mga kailangan kong subjects; in other words nahihirapan akong sabihin na nasa thesis writing na ako dahil ewan ko ba kung bakit wala ako masyadong motivation para doon; feeling ko tulad na rin ako ng marami na matapos makuha ang lahat ng units at makapasa ng compre ay heto na, stagnant na sa thesis writing…             Anyway. Baka ang gusto ko lang talaga ay ang mag-aral. Yung malibang. Na pagkatapos ng isang linggo na ako yung nagtuturo gusto ko naman na kahit isang araw lang eh ako naman yung tuturuan, matututo at magkakaroon ng bagong kaalaman.             Gusto ko na nga mag-enroll ng pan...

"Masarap naman ah…"

2018 06 12 (Tue, 12:21 AM)             Yung katotohanan na gising pa ako hanggang ngayon ay isang patunay ng pagiging nocturnal ko. Kumusta naman ang walang pasok na June 11? Ayon, nganga; sa sobrang sipag ko, puro tulog ang inatupag ko hahaha.             Ano ang ganap ng buhay sa mga oras na ito?... Bumaba ako sa kitchen kanina (kahit kusina lang ang tawag namin dun), di pa kasi ako naghahapunan, pero kasi hapon na rin ako nag-lunch.             Nagtimpla ako ng Bearbrand milk sakto pack… kaso di naman ako palainom ng gatas. Nakita ko yung Alicafe tea, hinalo ko… so, sa isip ko para lang akong nagtimpla ng milk tea, solb!             Kumuha ako ng 3 slices ng sliced bread lol. In fairness, ang daming palaman ngayon sa bahay… may peanut butter, isa pa...

"...anong pwede kong gawin to spice up my life,"

2018 06 09 (Sat, 9:08 PM)             Nagkita muli ang grupo para mag-edit ng action research. Napakadiwara talaga ng papel na iyon. O baka first time kasi naming gumawa, kaya hindi pa namin gamay ang format at iba pang technicalities ng papel… di bale na, uuusad din naman.             Idagdag pa na napakalakas ng ulan.             Dapat sana ay magkikita kami nila Eldie at Neri pagkatapos. Na-imagine ko pa naman na magkukwentuhan kami habang kumakain ng pansit (yun kasi ang napag-usapan) sa kainan na ang ngalan ay Batangas (ayon kay Eldie). Trip ko rin sana magpaka-food blogger hahaha. Pero hindi eh, hindi natuloy. Una, kailangan kasing matapos na ang ginagawa naming iyon. Pangalawa, alanganin na rin kasi gabi na, at umuulan pa.             Pangarap k...

"... basta, makaka-survive din naman siguro ako."

2018 06 03 (Sun, 8:38 PM)                Na-miss kong kwentuhan ang sarili ko. So, bukas ay unang araw ng pasukan. Excited ako sa bago kong schedule bilang panghapon dahil natural na late sleeper ako; after 4 school years sa public school, ngayon na lang ulit ako nagpang-hapon. Okay din naman ang AM sked; una, ang sarap kaya mag-breakfast; pangalawa, ang lamig pa at refreshing sa umaga; pangatlo, mas mabilis ang oras (feeling ko lang at ng iba); pang-apat, sa hapon pag-uwi mo marami ka pang maaasikasong lakad, pwede ring gumala. Ang pagsisikapan lang talaga ay ang paggising nang maaga (at pagligo?). Kaya nga minsan feeling ko ay lutang na lutang ako lalo na tuwing may flag ceremony, kasi nga late na ako natutulog tapus dapat mas maaga kang papasok tuwing lunes. Ang gusto ko naman sa PM sked ay unang-una hindi ko kailangang magising ng maaga; pangalawa, ang sarap kaya ma-feel yung unti-unting lumiliwanag...

26. hella cute questions (?)

10:17 PM 1/29/2018 *Nabagot ako habang nagpi-print ng certificates ng mga bagets; ang slow motion kasi ng printer ko eh. Nakita ko mula sa Twitter ang mga "hella cute questions” (?) kaya sinagutan ko muna habang naghihintay. 1. Who's the last person you held hands with? Myself. 2. Are you outgoing or shy? Shy. 3. Who are you looking forward to see? Yung pamangkin kong si Avram, kasi ang kulit nya at sarap asarin hahaha. 4. Are you easy to get along with? Yes! (without reservations unlike Alma…) 5. If you were drunk, who will be the person you like to take care of you? My mudra. (Pero di naman ako umiinom, as in sobrang dalang). 6. What kind of people are you attracted to? Yung mga creative na tao; yung may passion sa buhay; yung may sariling galaw sa mundo (hindi yung may sariling mundo, char). 7. Do you think you'll be in a relationship two months from now? NO! Hahaha. 2 months from now ay March. Gawaan ng grades, forms, re...