Mga Pahina

Huwebes, Enero 11, 2018

bnw 03: quiapo


2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:02 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM


2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM


o-O-o


2018 01 06 (Sabado)

Dumaan sa Quiapo Church kasama si Neri (sayang di nakasunod si Eldie, may iskedyul kasi siya sa dentista, pero nakapag-hapunan naman kami kasama siya).

Pagkadating sa Quiapo, pinahawak ko muna kay Neri yung 80 pesos na science magazine na nabili ko sa Booksale. Luminga-linga sa paligid at panakaw na kumuha ng mga larawan. Nakaka-excite. Nakakabusog sa mata ang maraming tao at pangyayari sa paligid. May adrenalin rush yung moment na titignan kung anu-ano ang rumehistro sa camera; ang sarap ng feeling pag may captured story (kahit pa di naman ganuon kabangis ang mga kuha).

Nakaka-intimidate... yung ginagawa ko para sa iba (kasi iniisip ko baka ayaw naman ng iba na makunan sila). Nakaka-insecure... yung mga photographer na nandun na may de kalidad talagang camera (at umaaksyon pa para sa anggulo) eh ako camera phone lang, sila yung payuko-yuko o minsan may pagluhod pa sa ground, o pagbali-bali ng leeg na hindi ko naman magaya eh kasi wala naman talaga akong alam sa photography hahaha! So, steady lang. Shot-shot. Ganun.

2017 01 09 (Martes)

Ngayong taon, di ko pa rin na-witness ng harapan, ng sarili kong mga mata ang Traslacion. Nag-aya ako, pero malabo rin silang makapunta. 'Singlabo nung pag-uwi ko, tinamad na rin akong umalis kasi ang init tapus antok na antok ako pagkatapus ng klase... sa madaling sabi, nakatulog ako.

Pampalubag-loob na lang, na at least nakapag-Quiapo ako bago ang Traslacion, at saka nakabisita sa "Panata" na exhibit ng National Museum (Anthropology, sa may 4th floor).

So, hoping na lang ulit next year.



Linggo, Enero 7, 2018

"I believe... and I thank you!"


Q1: In one sentence, who are you?
A1: I believe ako si Jep, and I thank you!

Q2: In one word, what do you live for?
A2: I believe dreams (?). And I thank you!

Q3: What is worth the pain?
A3: I believe yung gusto-gusto mo naman yung ginagawa mo, kaya dahil doon ay okay lang kahit na masaktan ka. Ang korning sagot ay love. And I thank you!

Q4: What will you never give up on?
A4: I believe ayoko sanang mag-give up sa aking sarili… gusto kong magbago at mag-evolve. And I thank you!

Q5: What do you always try to avoid?
A5: I believe yung magkaroon ng conflict sa iba; ma-judge (ng mga hindi naman part ng jury); yung magkamali o mabigo kasi di ba masakit yun. And I thank you!

Q6: What's something you take for granted every day?
A6: I believe minsan o madalas (di naman everyday) ay di ko nasasabi sa ibang tao how grateful I am for having them in my life. And I thank you!

Q7: What do you need most right now?
A7: I believe tao (hindi hayop o cactus) na makakausap, yung hindi small talks. Yung patola sa mga naiisip kong ideas na hindi ito magmumukhang korni, boring o walang kwenta. O baka kailangan ko ng isa pang ako? No. And I thank you!

Q8: What would you immediately do differently if you knew no one would judge you?
A8: I believe magpakulot. Magpakulay ng buhok. Magpahaba ng buhok. Magpakalbo. Magpa-tattoo pa. Maglakad sa labas ng nakahubad (?). Magsuot ng mga di naman bagay na damit, maglakad, magpaaraw. Magtatalon. Mag-tumbling. Magsisigaw. Magwala. And I thank you!

Q9: What's something nobody could ever steal from you?
A9: I believe sa kanila na lang sana yung mga acne scars ko; pero iyon na nga, mukhang akin lang talaga ang mga iyon. And I thank you!

Q10: What would you like to forgive right now?
A10: I believe ang isasagot ko sana ay yung ilang mga tao na annoying at toxic sa buhay, pero madalas ay hindi ko naman pinapansin ang mga ganun kaya papatawarin ko na lang yung kasamaan ko. And I thank you!

Q11: Happiness is not ______?
A11: I believe ang kasiyahan ay hindi dapat ipinang-iinggit sa iba o kinaiinggitan ng iba. Ang tunay na kasiyahan ay mapagpalaya, mainit, at nakakahawa! Ito ay kahalintulad ng lagnat. And I thank you!

Q12: What impact do you want to leave on the people you love?
A12: I believe siguro para kila Eldie at Neri, ang impact ko sa kanila ay ang pagiging pagod at pag-uwi ng gabi tuwing kasama nila ako. Sa mga ka-book lovers club at ka-krismas parti ko, siguro yung pagba-bike ko kahit di naman nila ako sinasamahan. Sa mga naging estudyante ko, ewan ko, pero nung nasa private school pa ako lagi nilang sinasabi sa akin yung “time is gold” kasi kahit daw 5 minutes na lang nagpapa-quiz pa ako. Sa pamilya ko, hindi ko alam, ayoko mag-assume. Sa iba pang tao na napamahal at mahalaga sa akin, mas mabuti atang sila na ang magsabi. And I thank you!

Q13: Life is too short to tolerate _______?
A13: I believe maikli lamang ang buhay para i-tolerate ang mga kahinaan natin at mga kinatatakutan. Pero oo, hindi naman talaga madaling lumaya sa mga iyon; ito ay isang proseso. Paglalakbay. And I thank you!

Q14: What's something that used to scare you but no longer does?
A14: I believe takot ako sa sarili ko. Sana hindi na ngayon. And I thank you!

Q15: What do you want to remember forever?
A15: I believe gusto kong maalala kung gaano katingkad at nakaka-warm ng pagkatao ang araw sa umaga lalo na nung nagbabyahe pa ako sakay ng LRT; yung dramatic na sunset sa tulay ng Tawiran kapag nagba-bike ako; saka yung common na sagot na "happy memories with my family, friends and relatives (kahit na di naman ako masayadong close sa mga kamag-anak namin). And I thank you!

Q16: What do you always look forward to?
A16: I believe kung anong libro ang susunod kong babasahin. Kung saang lugar pa ako pwedeng makapunta. Kung bukas ba paggising ko ay golden era na ng aking buhay; kung sino pa ang makikilala ko this year; o may bago ba kaming kapamilya; at saka yung bakasyon sa April at May. And I thank you!

Q17: What recently reminded you of how fast time flies?
A17: I believe yung ang laki na ng mga pamangkin ko! Dati si Avram bulol pa ngayon nagsasalita na sya ng derecho! Tapus ako same old creature (and getting older as well). And I thank you!

Q18: What's something everyone should be able to say before they die?

A18: I believe bago ako mamatay ay iga-gather ko lahat ng mga tao na involved sa aking buhay, as in may listahan ako tapus magche-check ako ng attendance tulad ng sa klase ko (tatawagin ko isa-isa yung pangalan nila at dapat sasabihin nila ‘present!’). Tapus, sasabihin ko kung gaano ako ka-thankful sa kanila dahil sila ang bumuo sa istorya ng aking buhay. Gusto kong malaman nila ang bawat moments na na-appreicate ko, at ang mga naituro nila sa akin, na ang bawat isa ay may bahagi sa aking kabuuan (kasama na rin yung ilang pirasong mga shitty people; meron din naman talaga silang ambag). Tapus, sa sobrang haba ng sasabihin ko mamamatay na talaga ako nun kasi sa dami ba naman nila tigbak talaga ang ending. And I thank you!


o-O-o


Ang mga tanong ay galing dito.



Lunes, Enero 1, 2018

nyuyir


Bago mag-new year (mga 15-20 minutes), ang huli kong ginawa ay ang maglista ng mga libro na gusto kong bilhin at basahin sa 2018:

·         Kahit na anong libro ni Charles Bukowski;
·         The Selfish Gene ni Richard Dawkins (o kahit anong libro niya);
·         The Emperor of All Maladies: A Biography of Cancer ni Siddhartha Mukherjee;
·         The Gene: An Intimate History ni Siddhartha Mukherjee; at
·         The Immortal Life of Herietta Lacks ni Rebecca Skloot.

Hindi ko alam kung mahahanap at mabibili ko itong lahat. (O ang masama pa ay kung anong taon ko ito mababasa).

Sa tingin ko, baka mahanap at mabili ko ang ilan sa mga ito online, pero gusto ko kasi na mahanap at mabili ko ito ng personal sa bookstore. At kahit kelan naman ay hindi pa ako nag-purchase ng kahit na anong item online (yung talagang ako), ang meron lang ay yung nagpasabay ako ng relos ng Love Hope Faith (eh kasi yung proceeds nun ay mapupunta sa mga cancer patients kaya nagpasabay na ako ng order; bale dalawa yun - yung black napigtas na nung minsang siksikan sa LRT, ang ginagamit ko ngayon ay yung kulay navy blue na puro gasgas na pero nagagamit pa rin).

May kakaibang fulfillment kasi kapag personal na nabili ang libro sa bookstore. Parang nung pagkakabili ko sa libro ni Chris Hadfield, wala sa hinagap bigla ko na lang itong nadampot kahalubilo ng ilan pang sale na libro; bumilang rin ng taon ah, mga 3 years bago ko ito aksidenteng nakita pero di ko naman kasi ito direktang hinanap noon at hanggang ngayon di ko pa ito nababasa, siguro makakadami ako sa bakasyon.

Tulad din ng isang kabibili ko pa lang, nakadalawa o tatlong ulit na ata akong tumingin-tingin sa parehong istante, hanggang sa nagtanong na ako sa may customer service, tinanong ko kung may ganun silang title, tapus ang sinabi sa akin ni girl ay meron at sinabi rin niya pati ang presyo nito; tinanung ko kung my kopya pa, meron naman daw at kukunin niya; pero yung mukha niya hindi willing, napilitan siya. Dedma. Di naman siya ang pakay ko eh, yung libro.

At saka nag-thank you naman ako kahit na feeling ko ay ang tanga ko maghanap at ganun din yung feeling nung pagkakaabot niya sa akin ng book, pero lahat yun ay dedma lang ulit kasi at least nabili ko yung libro at ang kapal pala muntik na akong mapaatras; kung maninipis nga ay naipagpapaliban ko pa ito pa kaya (pero nag-improve na rin naman ako dahil tinatapos ko na pag may nasimulan; sa katunayan bago magpalit ng taon nahabol kong tapusin ang Tatlong Gabi Tatlong Araw ni Eros Atalia, ang eksaktong date at oras ay –  2017 12 31 Linggo 7:10 PM). Kaya sa isip ko, sa bakasyon ko talaga ito babasahin... at dadamahin.

Pamilyar na ako sa direktang pagkukwento ni Eros Atalia, yung walang halong palabok o mabulaklak na salita pero liligoy ang kwento nang hindi mo namamalayan na sumusundot pa ng konti sa mga nangyayari sa paligid o lipunan, tapus bigla ka na lang maibabalik sa takbo ng kwento sa paraang connected ang lahat. May flashback o recall sa mga karakter, madaling maintindihan, may impact. Ang kaibahan lang sa Tatlong Gabi Tatlong Araw ay mala-horror at misteryo ang kwento nito. Di ko akalain na kay Eros, pero ang patakbo ng kwento ay siyang-siya, at ang dulo ang feeling ay tulad ng mga pelikula na natapos na pero nag-iisip ka pa rin, yung tipong lumalabas na yung credits at umaasa na sana may susunod pang eksena kasi ayaw kong mag-isip pa. Ganun.

Hindi na ako nanuod ng dokyu bago mag-new year (tulad ng ginagawa ko dati). Pero nagpausok pa rin ako sa terrace sa third floor nung 12 midnight na, tapus nakinuod sa fireworks ng mga yayamaning madlang pipol. Wala kaming pailaw o torotot kasi sapat na yung effort ng mga kapitbahay namin na mag-ingay kahit nga hindi new year! Kapansin-pansin din na hindi na nakakasulasok ang paligid, ibig kong sabihin di na masyadong amoy pulbura at hindi na rin nakakagulantang ang mga paputok ng kapitbahay, baka kulang o di na lang naglaan ng budget para sa mga paputok o baka naman nag-matured na sila.

Nanuod na lang ako ng pelikula matapos ang putukan. Ang pamagat ay 4:30 ni Royston Tan. Isa ring misteryo pero more on a puzzle kasi limitado lang ang karakter sa pelikula (na sapat na para sa isang kakaibang film) at hindi halos nagsasalita ang mga karakter na dahilan para magpokus lalo ang manunuod sa kwento nito. Ayoko nang i-describe o magbigay pa ng kung ano, sa parehas na paraan na feeling ko pinagdamutan ako ni Eros sa dulo ng kanyang nobela hahaha, yung binubuklat-buklat ko na naman yung mga dulong pahina kung iyon na ba talaga; yung gusto ko pa sanang malaman kung ano na ang kinahinatnan ng Magapok o kaya ay ni Mong at Lumen (kahit pa naipahiwatig naman kung anong nangyari sa dulo) dahil hindi ko matanggap na ganun na lang iyon, pero sasapukin na lang nito ang isip ko. Ganun din ang pelikulang 4:30, yung gusto kong hingian ng explanation yung mga karakter para i-explain ng konti kung anong nagyayari dahil ito nga ay mala-silent film, pero nakakatalino pag na-gets mo o baka feeling ko lang.

Basta, basahin. Panuorin. Tatlong Gabi Tatlong Araw. 4:30.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...