Mga Pahina

Biyernes, Disyembre 29, 2017

24. cramming


2017 10 14 (Sabado)

                Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle.

 Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa.

Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan. Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga nila; kulang na lang sila na mag-operate ng computer at printer at mag-compute na rin ng babayaran makatapus lang. Grabe. Aksyon, drama, beating the deadline.

Nakapagpa-print naman ako (fortunately lol). Iniwan ko muna yung bag ko kila Eldie at Neri.
Bumalik ako ng school. Maulan. Nag-payong na lang. Kaunting lakad lang naman.
Nasalubong ko si dean, nag-good afternoon ako.
Akala ko maibibigay ko na yung papel, kaso may meeting pala siya.

Kaya, nag-stay na lang muna ako sa office (hoping na bumalik si dean). Hanggang sa opisina may stress scenario. Si president ng graduate student council ay stress sa kausap niya sa phone, di ko alam pero parang t-shirt ang pinag-uusapan. Paglabas ng secretary, maya-maya laking tuwa ko na bumalik si dean kaso busy pa rin, may hinahanap siyang papel sa table; nakiusap siya kay president (na kanina ay stress sa phone) na tawagin si prof (na di ko maalala kung sino); na-amaze lang ako na biglang nagbago ang aura ni president, kanina lang ay stress mode tapus bigla na lang siyang naging maaliwalas.

Hanggang napansin ako (at ang katabi ko sa upuan) ni dean; ano daw ba ang kailangan namin. Ang sabi ko ay magpapasa lang po ng revised matrix, agad namang kinuha at pinirmahan, ilagay ko daw muna sa table niya. Kahit busy siya, pinansin niya pa rin kami; pati yung isa na papasok pa lang sa office habang palabas na ako ay inasikaso pa rin ni dean. Nag-thank you ako kay dean.

                Feeling relieved na natapus ko na ang task ko sa school. Makapagsi-sine na kami nila Eldie at Neri, hahaha.



Lunes, Disyembre 25, 2017

bnw 02



Di ko na alam kung sino ang pumitik ng stolen shot na ito.
Ang sigurado, ito ay 2014 o mas luma pa.
At hindi ko na rin tiyak, kung nag-aayos lang ba ako ng locker o nag-aalsa balutan na.
Pero kung 2014 nga ito, yung huling nabanggit ang totoo.



2017 11 29 | Wed, 8:54 AM

Minsan, kailangan munang mag-muni muni.
Malay mo, matuto na silang pahalagahan ang oras.



2017 12 02 | Sat, 2:18 PM

Kasama sila Darryl at Neri.
May kasalan nung araw na iyon sa San Sebastian.
Kaya ipinagtirik na lang namin ng kandila ang aming mga samo't dalangin.



2017 12 03 | Sun, 3:39 PM

Biglaang paglilinis at pag-aayos ng gamit.
Ikinahon ko na ang lahat ng sa atin, char!



2017 12 16 | Sat, 5:46 PM

Namili ng pang-exchange gift.
Kami nila Budang, Olan at Sa.
Sa pagbabalik ni Budang, ay siya namang pag-leave sa gc ni Clang, lol.
Di na kami nabuo sa isang gc.



Miyerkules, Nobyembre 22, 2017

23. lottong adobo


                Pagbaba ko, inisip ko kung iinitin ko pa ba yung ulam naming adobo (na ulam din namin kaninang tanghali hahaha). Habang nasa kwarto pa ako alam ko na may nag-init na ng ulam, naamoy ko eh. Pag-angat ko sa takip ng kawali, tama lang pala na initin ko (ulit) ito kasi namumuo na ang sebo / mantika (hindi kasi kami sabay-sabay kumakain).

                Sa sala, ang palabas sa tv ay Lotto Draw (PTV 4). May taya na naman ang tatay ko. Mula nung bata pa ako ay tumataya na siya sa Lotto, pero wala ata akong matandaan na tumama siya ng bigtime yung tipong pwede na kaming ma-feature sa Ang Pangarap Kong Jackpot! Wala.

                Kaya habang ngumunguya, inimagine ko na lang… ano kaya ang magiging reaksyon namin pag tumama? Siguro, iaabot muna sa akin ng tatay ko yung tiket niya sa Lotto para makumpirma kung eksakto ba yung mga numerong nasa tiket niya at yung pinapakita sa tv, tapus pag sinabi kong “oo” ay tatawagin naman niya si mama sa taas para ipaalam na tumama ang taya niya, tapus syempre hindi muna maniniwala agad si mama hanggat di niya ito nakukumpirma. Mag-iingay siguro silang dalawa sa sobrang saya (pero sana ay wag silang atakihin dahil sa sobrang tuwa hahaha). Ang susunod na mangyayari ay tatawagan nila sila ate para ipaalam ang good news, and the rest is history! Ibabalita ang pagkapanalo ng tatay ko sa tv, malalaman ito ng mga kapitbahay naming mahilig mag-videoke, manghihingi sila ng balato… at magbubuhay milyonaryo na kami hahaha!

                Pero, sabi nung babaeng host, ayon daw sa kanilang database ay walang nanalo. Kakatapus ko lang din kumain… naghugas na lang ako ng plato.


2017 11 15 (Wed, 9:55 PM)


Linggo, Nobyembre 19, 2017

IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy (hindi ito isang review)


IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy


                Ito yung libro na binabasa ni Clang habang nasa bus kami na hiniram niya kay Budang. May pupuntahan ang buong faculty noon kasama ang non-teaching staff; hindi ko na matandaan ang petsa at kung saan kami nagpunta, basta matagal na. Hiniram ni Clang ang libro para may mapaglibangan sa byahe, pero makita-kita ko, nakatulugan na rin naman niya ang libro… maganda raw sabi niya, hahaha.

                Hiniram ko rin ito kay Budang,  hindi ko nga lang agad nabasa. At kung kelan naman kukunin na niya ang libro saka ko naman naumpisahang basahin, kaya di ko natapus. Tanda ko pa, tinalun-talon ko ang pagbasa, curious kasi ako sa mga susunod na pahina, wala rin naman akong napala, di ko rin naman naintindihan. Hindi ko maalala kung sinabi ko ba na hindi ko natapus ang libro o kung nagpanggap na lang ako na natapus ko at kung sinabi ko rin bang maganda nga ito… basta isinauli ko na.

                So, after many years nakabili ako ng sariling kopya! Hindi talaga ito ang target ko. Nabalitaan ko kasi na may discounted price sa mga piling libro sa NBS, mga reference book sana ang bibilhin ko, pero wala. Pauwi, dumaan ako sa isa pang branch ng NBS, wala na rin masyado. Sa istante na lagi kong pinupuntahan (mga local na awtor / manunulat) nakita ko ang nag-iisang kopya ng “IT’S A MENS WOLRD” at bigla ko na lang naisipan itong bilhin. Ito ang binasa ko sa loob ng dalawang araw. Grabe, para akong nakipagkwentuhan ng magdamag kay Bebang Siy, ganun ang feeling. Yung pagku-kwento niya ay walang halong “char”, direct to the point lang, kaya di mahirap ma-digest ang kung ano mang kwentong naroon, hindi ka malulunod sa paligoy-ligoy.

                Sa isip ko, balak kong bilhin yung sumunod na libro nito na “IT’S RAINING MENS”. Nakabili na ako nito, pero ipinan-regalo ko kay Sa (Sarah). Tapus, sinusubaybayan ko pa ang blog ni Bebang Siy, kaya feeling ko binabasa ko na ang susunod na magiging libro niya base sa mga kwentong naka-post doon, sila pa rin naman ang mga tauhan, nahihilig na ata ako sa autobiographical.

                Hindi naman ito isang book review, gusto ko lang ipaalam… sa sarili ko… na nakapagbasa na ulit ako ng libro. So, salamat ASEAN Week kahit maraming badtrip sa sobrang trapik!



2017 11 13 (Mon, 6:31 PM)


Huwebes, Nobyembre 16, 2017

dirty story...


pila | 2017 11 11 | Sabado


                Ang dumi-dumi na natin, banggit ko kay Neri; sa sobrang tagal sa pila, di na namin matiis ang ngalay ng aming mga paa, kaya sumalampak na kami sa sahig. Wapakels kahit dirty. Dagdag ko pa kay Neri na i-imagine na lang niya kung saan-saan umapak yung mga kasama namin sa pila – sa putik, sa lupa atbp., tapus heto kami sa sahig, inuupuan na namin ang kung ano mang pinag-apakan ng mga sapatos nila. Tawa na lang kami sa pagka-hagardo versoza. Ito namang si Dreb, di mapakali.

                What a relief nung natapos na ang enrollment namin. Pakiramdam ko, hindi pa man nag-uumpisa ang sem ay dry na kami. Nakakapagod, kaya kumain muna kami bago umuwi.

                Marami kaming napag-usapan habang kumakain, halimbawa ay tungkol sa mga estudyante namin (lalo na sa public school) – kung paanong nakakaapekto ang pamilya sa academic performance ng isang bata; kung bakit may batang positibo pa rin kahit pa broken family ang pinanggalingan niya; kung saan nagmumula ang grit na ito dahil may mga bata rin na negatibo ang nagiging epekto ng pagiging broken family; kung paanong magagamit ang homeroom para sa usaping ito…

…natigil ang usapan nang may dumaang parada ng mga “Elsa”. Tapos naman na ang Halloween pero may pakulo pa rin sa mall, ang daming naka-costume na “Elsa” ng pelikulang Frozen; samu’t sari – may Elsang dirty kasi parang naluma na yung costume niya hahaha; may Elsang mukhang white lady; may bata, may feeling bata; may cute meron ding pa-cute; pero di talaga kami maka-move on sa dirty na Elsa; naalala kasi namin ni Neri yung mascot na nakita namin sa isang fastfood, napansin kasi naming madumi yung gamit niyang mascot, yung parang na-stock ito ng matagal sa bodega at dahil may party ay bigla na lang ito ginamit na hindi man lang nalabhan o nalinisan. Sobrang LT nung moment na yun.

                At kung inakala ko na tapus na ang paghihirap ko sa araw na ito dahil ang swerte ng timing namin sa LRT na kahit pa rush hour ay naka-tsamba kami ng sakay, as in first train na huminto nakasakay kami agad… HINDI pala. Binawi ang lahat sa pila ng jeep! Parang may pila ng kung ano man sa haba, yung buong buhay ko sa araw na ito ay ginugol ko sa pagpila mula pa kaninang umaga, sa eskwela, sa fastfood tapus hanggang sa pag-uwi. Kahit saan ako lumingon may mga buhos ng tao, pumipila, naglalakad. Humigit-kumulang isang oras akong nakatanga sa pila bago makasakay. Grabe. Sa isip ko, hindi ito dapat na nararanasan ng mga Pilipino. Marami ang mamamatay dulot ng stress at polusyon.

                Nag-text ko kila Neri at Dreb nang makauwi… at oo, pare-parehas lang din kami ng sinapit. Damang-dama namin ang ASEAN spirit! Lol.


2017 11 11 – Sabado.



Lunes, Nobyembre 13, 2017

22. halo-halo


2017 07 03 (Mon, 9:58 PM)

Mabuti pa yung kapitbahay namin, lagi na lang nambubulahaw sa kanilang pagvi-videoke. Master na master na nila ang skill na ito, dahil araw-araw itong nagaganap in fairness!

Lalo na yung medley ng "tubi, maraming tutubi".


o-O-o


2017 10 17 (Tue, 1:21 PM)

(1)

Mga orbs, mag-review kayong mabuti.
Jologs ang babagsak sa mga test, Jasper pa man din kayo.
Werpa mga erps! Dapat payaman at paunlad, ok?! :)

Enka mabuti mga lodi! char.

(2)

Nung student pa ako, ang mga mag-aaral noon ay patay gutom... sa pagkatuto.
Ngayon, ang mga students patay gutom pa rin naman... maging famous!
Tse.

Malalaos din ang kasikatan.
Maluluma rin naman ang diploma.
Pero yung pagkatuto sayong-sayo lang yan.

Huwag kayong maging puno na walang lilim.

Uwian na guys!


*ipo-post ko sana ito sa fb group ng advisory class ko, pero naudlot…


o-O-o


2017 11 02 (Thu, 7:06 PM)

Gusto ko ng malinis at organized na kwarto. Maglilinis at mag-aayos ako. Pagkalipas ng ilang araw... gugulo at kakalat ulit. Kaya, tanggapin na lang ang katotohanan. Meron talagang maayos at meron ding magulong kwarto. Pwedeng pana-panahon; pwede ring nakagawian na. Ganun talaga hahaha. Move on.


Biyernes, Nobyembre 10, 2017

bnw


"Tree of Life" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:47 AM


"La Mujer En Reposo" | Isabelo Tampinco y Lacandola
National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:41 PM


"Prehistoric Man" | Isabelo Tampinco y Lacandola
National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:38 PM


White-breasted Waterhen | Amaurornis phoenicurus javanica
National Museum Collection | 2017 09 23 | Sat, 4:14 PM


"random shot lang... hindi ito from museum lol" | 2017 05 06 | Sat, 1:17 PM


Sabado, Nobyembre 4, 2017

random people at the museum


"Pila" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 9:33 AM


"Pag may tiyaga... may pila, lol." | 2017 10 29 | Sun, 10:02 AM


"Walk-ins" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:27 AM


"Last man standing lol." | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:37 AM


"Chill" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:38 AM


"Pakikinig" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:42 AM


"Rafflesia" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:51 AM


"Lolong" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:03 AM


National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:38 AM


"Spolarium... with them lol" | National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:24 PM



1.            Nagkaroon ng isang araw (Oct. 29, 2017) na preview ang bagong National Museum of Natural History. Kasama ko sila Eldie at Neri; ilan lang kami sa mga pumilang walk-ins at pinalad naman kaming makapasok.

2.            Marami ang matiyagang pumila kahit nasa initan na ang iba.

3.            Isandaang walk-ins kada batch ang pinapasok; dalawandaan naman para sa mga nakapagpa-register online. Ikalawang batch kami.

4.            Ang mga galleries ng ikalawang palapag pa lamang ang binuksan nung araw na iyon (at sa susunod na taon pa magbubukas ang buong museum of natural history); isa sa mga pangunahing attraction dito ay ang modernong disenyo ng tree of life (wala sa mga larawan, dahil nag-focus ako sa mga random pipol na pumunta sa mueum lol) na hinango ang konsepto / disenyo sa structure ng DNA. Makikita rin dito ang replica ni “Lolong”.

5.            Ang huli naming pinuntahan ay ang National Museum of Fine Arts. Iba’t ibang uri ng tao ang maaaring makasalamuha sa pagpunta sa ating mga pambansang museo, at ito ay dahil libre ang pumunta sa mga ito. Kaya pasyal na! Paglabas mo, Luneta pa hahaha.



Martes, Setyembre 12, 2017

to think and to feel...


September 2, 2017 | National Museum - Philippines
People Photography by Pierre de Vallombreuse

Ang pag-introduce kay Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 2:05 PM)


Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 3:18 PM)


Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 3:22 PM)


Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 3:22 PM)


Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 3:31 PM)


Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines
2017 09 02 (Sat, 3:48 PM)


The Valley by Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines


The Valley (1988 - 2017) | Pierre de Vallombreuse


o-O-o


Ang sabi ni Pierre, sa pagkuha ng larawan dapat na magkasama ang "thinking" at "feeling".


o-O-o


Ang "The Valley" ay isang exhibit ng mga kuhang larawan ng French photographer na si Pierre de Vallombreuse na makikita ngayon sa National Museum of the Philippines. Itinatampok ng exhibit na ito ang iba't ibang landscapes at pamumuhay ng isang ethnolinguistic group na Tau't Batu ng Singnapan Valley sa Palawan.


Huwebes, Setyembre 7, 2017

When In Tawiran 11


Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:09 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:12 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / 6:13 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:15 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:24 PM)


Lunes, Agosto 7, 2017

Mt. Kiltepan, Sagada


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:55 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:56 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:08 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:34 AM)


Sea of Clouds (and people?) at Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:25 AM)


o-O-o


                Summer, 2017 | Sagada, Mountain Province | May 06.

                Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami (nila Olan, Jacque at Jessa). Ang almusal namin ay cup noodles na saktong pampainit ka-partner ng biskwit. Nagmamadali kami dahil una ay kailangan namin ma-meet agad ang maghahatid sa amin papunta sa Mt. Kiltepan, pangalawa ay dahil baka wala na kaming abutan na “sunrise”.

                Dagling paglakad at saglit na paghihintay (habang enjoy sa pag-usok ng hininga namin sa bibig dahil sa lamig) ay na-meet na rin namin ang driver ng van. Noong una, akala ko ay nasa early 20’s itong driver namin; hindi kasi masyadong makita ang kanyang mukha dahil madilim pa, naka-jacket siyang gray, tapus naka-cap pa.

                Sa byahe na lang namin nalaman na ang naghahatid pala sa amin ay halos magse-senior high pa lang sa pasukan, mga 17 o 18 years old. Sa pakikipagkwentuhan na lang namin iyon nalaman at saka isa pa paanong di napakapagtataka eh ang music na pinatutugtog niya ay yung mga tugtugan ng kabataan. Napabilib kami sa kanya dahil wala ni isa sa amin ang marunong mag-drive ng van pero siya na napakabata ay bihasa na. Sinabi niya rin sa amin na business ito ng kanilang pamilya at maaga rin naman siyang natutong mag-drive.  Nabanggit pa nga niya na mangailang beses na rin naman siyang napakaghatid ng mga turista hindi lang sa Sagada kundi sa malalayo ring lugar tulad ng Ilocos at iba pa.

                Sakto lang ang dating namin sa Mt. Kiltepan; madilim pa rin naman ang langit at meron na ring mangilan-ngilang mga turista. Noon lang ako nakakita ng “sea of clouds”; napaka-fluffy tignan, parang unan, sarap talunan. At ano pa nga ba ang gagawin ng mga taong naroon… eh di piktyur!

                Ang weird ng feeling (o baka ako lang) dahil parang “superstar” na inabangan ng lahat ang pagsulpot ng araw (pero kung sabagay, star naman ang sun). Yung tipong lahat ng naroon ay nakatingin paharap sa araw, tapus may mga hawak na cellphone; hindi ko malaman kung paano tayo nama-manipulate ng nature para mag-react ng ganito, parang na-kulto o na-gayuma ganun. Bigla na lang kasing nanahimik (ng konti) ang lahat, nag-record ng video at na-amaze! At nang tuluyan na ngang lumiwanag ang kalangitan sa Mt. Kiltepan… ano pa nga ba ulit ang gagawin ng mga tao… eh di piktyur!



o-O-o


Narito ang aking kuhang video na "Sunrise at Mt. Kiltepan" (subscribe! hahaha)





Miyerkules, Agosto 2, 2017

When In Tawiran 10: last na :)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:14 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:21 PM)


o-O-o



Mga ilang tala (2017 06 20):
  • Sa mga larawan - (1) pagpunta ko sa gilid ng tulay, naisip kong magandang kunan ng larawan ang bangkang nakahinto sa ibaba nito; (2) lagi nang maulap ang kalangitan; (3) katatapos lang ng ulan nang maisipan kong mag-bike, kaya naman ako lang talaga ang tambay sa tulay noong araw na iyon, halos nagpalipat-lipat nga ako ng upuan hanggang sa may dulo; (4) at napakabilis maglaho ng papalubog na araw.
  • Naging madalas ang pagba-bike ko noong buwan ng Mayo at Hunyo. Mainit ang panahon noong Mayo pero may ginhawa pa ring dulot ang pagpawisan sa pagbibisikleta; putik at lamig ng panahon ang inabot ko sa pagbibisikleta noong Hunyo, pero ibang freshness naman ang hatid ng hangin ng buwan na ito.
  • Na-realize kong "timing" din pala ang aking pagbibisikleta. Na-enjoy kong manuod lagi ng sunset sa may tulay (lalo na nung summer). At iba pala sa panahon ng tag-ulan, halos walang amazing na eksena kang makikita sa kalangitan, pero enjoy pa rin ang nakaka-fresh na hangin at tanawin.
  • Halos makabisa ko na ang mga detalye ng daan mula sa amin hanggang sa may tulay ng Tawiran. Hindi na rin nangingiming makipagsabayan sa iba pang nagbibisikleta, motor o pati na jeepney; habang tumatagal nga eh nai-enjoy ko ang makalusot sa makikitid na daan kasabay ng iba pang sasakyan.
  • Sa madalas na paggamit ko ng aking bike, humina na ang preno nito, at isang araw nung Hulyo (na maulan din) akala ko ay uuwi akong guyod-guyod ang aking bisikleta dahil di pa man nangangalahati ay bumigay ang kadena; sa kabutihang palad, naayus ko naman (matapos ang nakaka-stress na tagpong yun lol) nagpatuloy pa rin ako sa pagba-bike kahit puro grasa ang dalawang kong kamay.
  • Napansin ko rin na kahit paano ay nagka-muscle yung binti ko (yung parang katulad sa mga nagta-trike dito sa amin) pero sana talaga yung tiyan ko na lang yun hahaha!
  • So, hanggang sa muling pagbibisikleta, sa summer na ulit (dahil busy na sa school) at nais ko sana sa ibang lugar naman, yung pang-malakasan at pang-malayuan :)


Linggo, Hulyo 30, 2017

When In Tawiran 09: RED


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:15 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:18 PM)


o-O-o


Mga ilang tala (2017 06 16):

  • Sa may Paliwas (habang ako ay naka-bike), sinabihan ng ale ng "pogi" (hindi ako lol) yung sanggol na karga ng kakilala niya; sabay sabi nitong "babae ito," so, akala niya lalaki iyon, hindi pa kasi masyadong mahaba ang buhok ni baby.
  • Sa palengke ay nasalubong ko si Pau (dati kong student), pa-bike-bike na lang daw ako.
  • Ito ang unang pagkakataon na nakita kong PULA ang araw sa may tulay ng Tawiran. May mga pagkakataon na mapula ang langit habang papalubog ang araw, pero ngayon ko lang nakita na ang mismong araw lamang ang mapula.
  • Naalala ko si Kurapika (at ang kanyang mga pulang mata); batang 2000's hindi 90's lol.
  • Ang daming tao sa may tulay; hindi lang ako ang kumukuha ng larawan ng "pulang araw" halos lahat ng naroon; at napakabilis din maglaho ng papalubog na araw.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...