Ang larawan ay galing kay Stevevhan . Ang sabe, kapag na-nominate ka, mag-share ng 7 RANDOM FACTS ABOUT YOURSELF… ang naisip kong ibahagi ay ang aking mga ‘kwentong firsts’ … 1. First time kong makakita ng PERSIMMON sa totoong buhay. LOL. Jan. 16 – Sabado, sa may palengke malapit sa simbahan ng Quiapo. Sa sobrang pagka-ignorante ko sa prutas na katabi ng lemon na di ko mawari kung ano, di ko napigilan tanungin si kuyang nagtitinda; Kumuha ako ng isa at pinsil-pisil… “Kuya, ano po ito?”, tanong ko… “Persimmon!”, sagot niya (na may tingin ng pag...