Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na emote ng bangs

"Para akong thesis na naghahanap ng significant difference…"

(1) Minsan, iniisip ko “paano kung sa ibang field naman ako magtrabaho?” Pakiramdam ko kasi, para bang masyado na akong pamilyar sa school environment. Maaaring totoo na para sa lahat ng nakaranas maging estudyante (ang mag-aral, ang maggugol ng maraming oras sa eskwelahan, lalo na ang makapagtapos) isa ang eskwelahan sa di malilimutang lugar. Iniisip ko lang, ano kayang “significant difference” ang meron kung sakaling mag-iba ako ng trabaho? Para akong thesis na naghahanap ng significant difference… (2) Bakit ba para matuto ay kino-contain natin ang mga sarili sa loob ng classroom? Parang kakaiba na tuloy ang tingin ko sa eskwelahan. Para na nga siguro itong selda? Ewan. Posible kaya yung matuto ka talaga through experience ? Yung literal na nasa labas naman ng classroom. Sa tingin ko, kung ganuon ang sistema ng edukasyon, hindi na natin kailangan pa ng grades, ng desisyon kung pass o fail; kasi binigyan ka na ng pagkakataon na matuto sa labas, kaya kung ano man ang natut...

"Siguro nga ay tama si Morrie."

                Siguro nga ay tama si Morrie.                 Hindi naman talaga titigil ang mundo para sa kahit na ano pa mang pinagdaraanan o nangyayari sa’yo. Kahalintulad nang malaman ni Morrie ang kanyang sakit. Malalang uri ng sakit.                 Hindi naman titigil sa kani-kaniyang buhay ang mga tao para lang sa kanya… sa’yo at pati na rin sa akin. Iinog pa rin ang lahat nang normal. Tuloy lang ang buhay.                 Sabado noon; lunes ay ang pagbubukas ng school year 2016-2017. Hindi ko naman mauusog ang pasukan kahit pa nagbabantay ako sa ospital noong mga panahon na iyon. Tuloy pa rin ang pasok kahit pagod, medyo puyat at may kaunting emotional stress. Haharap ...

huling post para sa 2016: kung bakit kami kahanga-hanga sa "kapit lang" at "humopia", at oo masaya yung bula-bula na blue :)

                Sa itinagal-tagal, akala ko ay napaka-problemado ko na. Pero, mas nahihirapan pa pala ang ilan sa aking mga kaibigan. Inakala ko na nahihirapan na talaga ako, pero mas mayroon pa pala silang pinagdaraanan kaysa sa akin. May mga panahon na dapat sana ay inilaan ko na lang para masuportahan ko man lang sila. Naipakita ko sana na ako rin ay may simpatya, na ako rin ay nakararamdam at naiintindihan din sila.                 Kung alam ko lang…                 Kung nalaman ko lang…                 Siguro ay kung nag-reach out pa ako.                 Siguro ay kung kahit saglit ay pinatahimik ko m...

"– lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay."

                Kung nag-uubos ng oras ang mga “artists” para mapahusay ang kanilang skills sa paglikha, marahil ay ganun din sa pagsulat. Hindi lang kasi ganuon ka-visual ang output ng mga manunulat; ang ibig kong sabihin, kahit saang anggulo mo man tignan, puro titik lang naman ang iyong makikita (di tulad ng mga likhang sining na napaka-visually appealing). Pero, kung susubukang “basahin” ang mga isinulat na kathang-sining, isip mo’y mapupuno ng mga imaheng makukulay na may iba’t ibang anyo rin.                 Hindi rin marahil madali ang magkaroon ng isang “manunulat” (o gusto lang magsulat) na pag-iisip. Kung paanong lagi na lang nangangati ang iyong mga kamay sa paglikha (para sa mga artists halimbawa), ganuon din kalikot ang isip ng mga nais magsulat – lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay.

dagli 12: spaghetti

                Di naman talaga kita kilala. Nakita lang kita habang kumakain akong mag-isa. May nakasuksok na bluetooth earphone device sa iyong kanang tenga; tapus naka shades ka pa, bitbit mo ang tray na may spaghetti, naupo ka at kumain. Naalala ko tuloy si Eldie (at ang paborito n’yang spaghetti)… kaya nag-text na lang ako kay Neri –                 “Hindi masayang kumain mag-isa sa Jollibee.” Sunday, pasado alas-dose ng tanghali Jollibee Malanday 2016.06.13

#feels 02 : ang ma-effort na feeling

(1)          Yung feeling mo nag-effort ka na, tapus parang balewala lang. (2)          Then, mari-realize mo na yung ineffort mo ay kulang pa pala. (3)          Kung sa tingin mo ay nag-effort ka na talaga, sa dulo mari-realize mo, hindi pa. (4)          Yung akala mong pagkukulang ng mga mag-aaral, ikaw pala ang nagkulang. (5)           Kapag napagod ka na sa ganitong feeling, ulit-ulitin mo lang mula   #1.     Ganyan.

#feels 01

2016.01.13 (5:15 PM) I do not know why after that meeting… I walk away as if I’m floating in the air. I feel so light. And empty. I feel so lost. Yet so peaceful And how can that be? I don’t know.

nito lang new year's eve...

(1)           Oo. Dapat lang naman talaga akong magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko sa taong ito. Kung maaaring tumbasan ng maraming THANK YOU yung mga panahon na napaka INSENSITIVE ko, gagawin ko… THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU! Yan, tatlo hahaha. (2)          Limang taon na pala akong nagba-blog. Pero feeling ko wala pa ring MAJOR-MAJOR event akong na-feature dito… puro KWENTO, DAMDAMIN, SALOOBIN. Tapus, kwento ulit, maraming damdamin, at nilalabas na saloobin. Ganyan lang ang peg ng blog na ito, walang MAJOR… puro minor. (3)           New Year’s Eve again. At kaharap ko na naman ang netbuk ko. Hindi ko alam kung manunuod na naman ba ako ng isang documentary mga isa o dalawang oras bago magpalit ng taon. Ganun lang naman talaga ang ginagawa ko. Tapus, aakyat sa may veranda, manunuod ng mga paputok, at syempre magpapausok. (4)...

Just another 'sirang plaka' kind of story.

Hindi ko alam kung bakit lagi kong nari-recall yung kagustuhan ko na maging isang 'terror' na teacher. Ang bait-bait ko kaya. Hindi bagay. Siguro kasi yung ugali ng ilang mga mag-aaral ngayon ay higit pa sa isang terror , kaya naisip kong maging mas terrorista pa sa kanila lols. At saka nagbago na rin ang panahon. Kwento nga ni Pope Franics, nung s'ya daw ay nasa grade four pa, may nasabi s'yang hindi maganda sa isang guro. Pinatawag ng guro ang kanyang magulang. Ang kasama nyang nagpunta ay ang kanyang ina at sinabihan sya ng kanyang ina na humingi ng paumanhin sa guro. At pag-uwi nila, alam nyo na ang nangyari... katakot-takot siguro na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Pero ngayon, dagdag ni Pope, kapag nagpatawag ng magulang ang isang guro, maaaring dalawa pa nga ang magpunta, ngunit ang pinagkaiba, hindi na sa bata ang sisi, kundi sa mismong guro na. Nagpadala ako ng materials para sa activity ng mga bata. Simple lang – short bond paper, pencil ...

"– may coke, royal, sarsi at sprite."

Ika-17 ng Abril, 2015 Biyernes, 8:54 ng gabi             Isang kulay asul na drum na may itim na takip na dati’y lalagyanan ng tubig ang pinuno ng maraming bote ng softdrinks at yelo – may coke , royal , sarsi at sprite . Naisip ko nun, kung yung mga matatanda ay naglalango sa alak, ako naman kasama ng mga kaibigan ko ay magpapabundat sa pag-inom ng softdrinks!             Hindi ko matandaan kung pang-ilang kaarawan ko na yun. Ikapito ata o ewan. Basta, pinagsabay-sabay ang birthday naming tatlo – ng kapatid ko at ng tatay ko; tutal iisang buwan lang naman pumapatak ang aming mga kaarawan at tig-isang araw lang naman ang mga pagitan.             Napakalamig ng mga nalusaw na bloke ng yelo sa loob ng drum . Saglit na mamanhid ang kamay sa kada kuha ko ng maiinom. Yung nasa ilalim pa yung pilit kong kinuk...

"the question is..."

Ika-25 ng Pebrero, 2015 Miyerkules, 7:55 ng gabi             Natuwa lang ako.             Nung nabasa ko ang linya sa libro.             Kaya ginuhitan ko gamit ang highlighter pen .             Tama ang nasa caption ng larawan.             Ang tanong sa ating mga sarili ay dapat na “Can I do it?” Kaysa “Are others better than I am?”             Pinaalala nito sa akin ang isang linya mula sa Desiderata ,             Ang sabi –             “for always there will be greater and lesser persons than yourself.”  ...

"…oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko."

Ika-20 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 6:09 ng gabi             Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT , lagi akong nakaharap sa bahagi kung saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.             Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang anino ng mga bagay na against the light / sikat ng araw. Pang- pictorial ang effect .             Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!             Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…             …oo na,...

"...leeg and balut."

Ika-06 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 8:34 ng gabi             My mudra knows that I love eating ‘leeg’ (chicken neck) and ‘balut’ .             One time , nakailang akyat-baba na ako sa hagdan para lang tanungin siya kung nakita niya na bang dumaan yung nagtitinda ng balut. Gustuhin ko mang kumain ng balut nung gabi na yun, hindi nangyari dahil di na bumalik yung lalaking naglalako, in other words , nabigo ako sa hangarin kong makakain ng balut.             Pero, nung sumunod na gabi, bigla na lang pumasok si mudra sa aking kwarto pa lang sabihin na –             “Hi! (in a very awkward tone hahaha)…             …kumain ka na, nakabili ako ng balut at chicharon!”     ...

"...kahit walang popcorn at drinks."

Ika-05 ng Oktubre, 2014 Linggo, 11:55 ng gabi             Nakaka- miss naman yung mga gabi na sama-sama kaming nanunuod ng tv . Si mudra , pudra pati na tatlo kong mga nakatatandang ate. Nung mga panahon na bata pa kami… nung ako pa ang pinaka- bunso sa lahat.             Na mala- sinehan ang peg namin kahit walang popcorn at drinks . Walang nakasinding ilaw, tanging telebisyon lang, may nakalatag na banig at kumot habang tutok sa pinapanuod naming palabas sa tv , mapa-aksyon man o horror .             Yung mga tagpo na hindi makakaangal kahit sino sa mga ate ko kapag nahihiga ako sa kanila (habang nanunuod) , o kaya ay sinasandalan o sinsandayan ng paa hahaha , takot lang nilang mapagalitan ni mama, dahil ako ata ang pinaka- beybi noon.          ...

“But then sex, beer, food…"

Ika-03 ng Oktubre, 2014 Biyernes, 4:17 ng hapon             Marahil tama nga yung sinabi nung lalaki na may dalang libro na papuntang coffee shop ...             …mahiwaga ang buhay.             Paano mo nga naman nagagawang magising sa bawat umaga “feeling the same” . Hindi humihinto ang takbo ng oras; nagbabago ang pisikal na katawan ngunit ikaw pa rin ang taong nasa loob nito. Paano nga ba talaga malalaman kung ikaw ay nabubuhay… paano mo masasabi o mararamdaman…             Sabi nga niya 62 na siya – “Fuck!”             Ano nga ba ang magpapasaya sa tao…             “Reading, writing and drawing,” para sa kanya.  ...

"Iba pa rin kapag..."

Ika-05 ng Agosto, 2014 Martes, 11:09 ng gabi             Matutulog na sana ako… kaso sa di ko malamang dahilan, bigla ko na lang naalala ang mga “kowtabol kowts” ni nanay nung nasa ‘hiskul’ pa ako.             Kapag nakikita niyang naha- haggard na ako sa pagri- review para sa exam (at mukhang parte na ata ng buhay ko ang maging haggard hahaha) sasabihin niya –             “Hay naku! Bukas ka na mag-review, gabi na! Wala nang papasok d’yan sa utak mo. Gumising ka na lang ng maaga, para fresh pa yang memorya mo; madaling-araw ka mag-review.”             Tapus babanatan pa niya ng –             “Ako nga nung nag-aaral ganun ginagawa ko!”        ...

"Demanding."

Ika-03 ng Hulyo, 2014 Huwebes, 9:21 ng umaga             Hindi na araw ang binibilang ko para aking malaman kung malapit na ba ang TGIF! Yung bilang ng nakasabit na uniform sa likod ang aking pinto ang tinitignan ko at nagsisilbing hudyat na habang kumukonti ang bilang nila sa paglipas ng araw ay malapit na talaga ang araw ng pahinga. Katulad ngayon, dalawang uniporme na lang ang nakasabit, susuotin ko ang isa mamaya, at pag-uwi, isa na lang ang aking daratnan, at bukas ay katuparan na ng mga katamaran sa buhay hahaha . Pagpapatuloy… 7:55 ng gabi             Ewan ko kung ako lang ba… ang hindi excited kapag malapit na ang birthday ko o ng iba. Noong bata pa kasi ako, wala namang tagpo na talagang tumatak sa alaala ko na magsasabing “ganito pala ang masayang birthday!” … di naman sa hindi ako masaya tuwing birthday ko… masaya naman kasi maraming tao no...

DARK ROOM

DARK ROOM Animo’y larawang nakabitin, Ang pagmamahalan natin. Sa mga tagpong nakuhanan, Nakakubli ang nararamdaman. Mabuti pa ang mga larawan, Pagkatapos sa dilim ay masisilayan. Di tulad ng ating damdamin, Nagtatago’t namamalagi sa dilim. x-o-x-o-x #shorTULA

"11. Oh ayan nakainom na ako."

Ika-12 ng Mayo, 2014 Huwebes, 5:19 ng hapon 1. Nakaka- miss ang gumising ng alas-singko ng madaling araw para abangan ang pagsikat ng araw. Nakaka- miss yung experience na nakikita kong unti-unting lumiliwanag sa aking kwarto… yung katahimikan … yung pakiramdam ng bagong simula … yung feeling hopeful (parang fb status lng haha) at yung magbasa ng libro na parang kinukwentuhan ka ng sumulat kahit sa loob lang ng isang oras. 2. Ang manuod ng downloaded movie sa gabi… Naka- earphone … yung volume na sapat na para wala ka na ibang marinig kundi yung pinapanuod mo. Yung damang-dama mo ang pelikula na para bang isa ka sa mga karakter o kakampi ng mga pangunahing tauhan. Yung hindi ka nagwo- worry kung gaano ito kahaba o kung anong oras ka matatapos sa iyong pinapanuod… at kapag matutulog ka na gusto mong ipagpatuloy ang kwento ng pelikula sa iyong panaginip kasi sobra kang na- touch / naka- relate / na- hook sa pelikula lols . 3. Yung makinig ng radyo kaysa m...

"Isa lang naman talaga ang gusto ko..."

Ika-28 ng Mayo, 2014 Miyerkules, 1:04 ng hapon             Dati, nagkaroon kami ng isang in-house seminar , isang madre ang naging speaker namin. Natural lang na maging medyo madilim sa audio-visual room para makita ang powerpoint presentation . Pero ayaw n’ya daw kasi ng madilim, kaya pinagilid niya ang ilan sa mga kurtinang nakatabing sa bintana, medyo lumiwanag naman. Ayaw n’ya daw kasi ng gloomy dahil nakalulungkot at nakawawala ng positive vibes .             Sabi niya kapag punong-puno na ang ating isip ng mga negatibong bagay, ‘wag daw mag- stay sa isang lugar dahil lalo lamang ito mananatili sa iyong loob. Lumabas daw at mag- enjoy sa araw, huminga ng hangin mula sa labas, tumingin sa paligid nang mapalitan ng positive energy ang pagiging nega mo…             …Madalas akong mag- stay sa akin...