Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na dagli

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

dagli 20: unang tagay

" Umiinom ka ba ?" – nagtanong pero ‘di naman ako nabigyan ng pagkakataon na sumagot. Kinuha niya yung maliit na basong tagayan saka yung bote ng empi; nilagyan niya ang baso ng tinantyang dami ng alak. Iniabot sa akin habang patuloy ang kwentuhan. Kinuha ko naman yung maliit na baso, ‘di ko alam gagawin ko. “ Totoo ba iinom ako? ” – may kaunting gulo sa aking isip; paano ba? ilalagok lang? Naramdaman ko na lang na gumuhit ang tapang ng alak sa lalamunan ko, ‘di na lang ako nagpahalata na una pa lang itong nangyari sa akin. Yun ang una kong pag-inom ng alak. Masarap naman pala, mapait lang; lasang alcohol na may kaunting tamis. Sabay kuha ko ng baso ng juice, at tubig. Nakailang ikot na rin pala ang tagayan, ‘di ko na namalayan. Nalibang na kami, eh may pasok pa bukas. Ramdam ko na yung tama ng alak. Para sa tulad kong ngayon pa lang natutong uminom, may pagkahilo sa paglakad ko. Di ko pa rin pinahalata, mas inalalayan pa nga nila yung isa. Tiniis ko yung kaun...

anyare march?

•   4:41 PM   3/17/2020 Nagtsi-check pa rin ako ng mga papel kahit mukha na akong tanga. Kasi ako lang yung busy-busyhan sa bahay. Di ba, bahay ‘to? Dapat relax mode lang eh. •   12:55 PM   3/18/2020 Hanggang sa tagpong ito ay nagtsi-check pa rin ako ng mga papel, pero konti na lang (ang pasensya ko). Habang gumagawa, nakikinig na lang ako ng mga music videos; yung mga na-download ko dati pa. •   1:09 PM   3/18/2020 Kung tutuusin, pwede ko naman checkan-keme na lang itong mga papel; but my annoying-ideal self would tell me – hoy nung student ka, gusto mo di ba tsine-checkan nang maayos yung mga gawa mo – tapus magpapauto naman ako. •   3:04 PM   3/18/2020 Medyo naiirita na ako sa ibang papel na tsine-checkan ko. Saan ka ba nakakita ng numero na dalawa ang decimal point? Ang sagot ng bagets ay 380.38.75 Joule. Anong basa mo dyan gurl? Halatang kopya, mali pa. Kaya gusto ko talaga na ako yung nagtsi-check eh, ...

09 January 2020 – “magpa-pari ka eh nagjo-jowa ka nga!”

1:17 PM 1/9/2020 Ano ang ginagawa ko sa oras na ito? May sub ako ngayon sa isang klase sa grade 8; may absent na isang teacher. Dinala ko yung laptop ko para may magawa ako habang nagbabantay sa kanila. Nag-greet ako sa kanila at nagbigay ng gawain. Magpapanuod sana ako ng isang video clip na related sa pinapagawa sa kanila para kahit paano ay may input din ako kahit sub lang, kaso naalala ko na di pa pala tapos yung ppt na gagamitin ko sa mga klase ko today. Lagi akong walang klase kapag first period (kaya sakto nakapag-sub ako ngayon) at sa oras na iyon ko lagi ginagawa ang ppt ko bago ako magklase para di ako tulala sa faculty habang waiting sa aking class at para ma-maximize ko ang pahinga at lesson planning sa bahay, charot. Minsan may nauumpisahan na akong ppt sa bahay, kaya pagdating ko sa school, sa faculty, konting edit-pindot-save na lang. Sa madaling sabi, di na ako nakapagbigay ng input sa kanila (dami ko pang satsat wala naman pala akong input hahaha) kasi ...

memampalaya

            Na-realize ko lang na kung meron man akong ipapalit sa kanin, o kung wala mang kanin ay okay na sa akin na may ginisang ampalaya na may halong itlog – ito na yung magiging kanin ko. Ang sarap kayang i-partner sa iba pang ulam ang ginisang ampalaya! Halimbawa, sa adobong manok o baboy, kahit pa sa siomai, pwede rin sa longganisa, pritong isda at marami pang iba. Yung pagiging mapait (basta wag lang masyado) ng ginisang ampalaya ay swak na complement ng iba pang malalasang ulam.             At oo, napaka-mema lang nito. Sumubok lang ako ulit… dami na agiw eh!             Ampalaya   |   Bitter Gourd   |   Momordica charantia             Syempre dapat may pa-english at pa-scientific name para nakakatalino pa rin ang dating, haha...

gravy

     18 August 2018. Bago bumili ng ipanreregalo sa inaanak namin na pamangkin ni Dreb, kumain muna kami nila Eldie at Neri sa KFC. Na-haggard kami sa byahe, lagi naman kasing traffic sa Philippines. Habang hinihintay ni Eldie ang order namin, pinakuha na niya ako ng gravy. Iniabot niya ang plato sa akin, damihan ko raw. Syempre yun naman ang ginawa ko; ang tawag ko rito ay “pag-iigib ng gravy.” Pabalik na ako sa pwesto namin dala ang isang plato ng gravy nang may nakasalubong akong lalaki, ang sama ng tingin. Di naman sana ako mapapaisip kung di naman siya nakatingin sa akin, so nagkaroon tuloy ako ng mga hinala –      …(a) papunta kasi siya sa counter, so baka nainip lang siya sa paghihintay ng kanyang order at napatingin ng masama sa akin (pero bakit kasi sa akin, hehehe);      …(b) galit siya kasi ang dami kong kinuha na gravy (eh marami pa naman dun sa tangke, I mean dun sa lagayan, di ko naman kinuha lahat); ...

bakit ganun...

2018 07 04 (Wed, 9:34 PM)             Sabi ko na nga ba, naglalaro ang mga daga kapag wala ang pusa; sa puntong ito, ako yung pusa at ang mga bagets naman ang daga.             Habang wala pa silang teacher, napadaan ako sa room nila, at naaktuhan ko ang mga bubwit na lalaki na naghaharutan sa likod ng room. Gamit ang 4 na hard hats na suot nila, at ginawa pang espada ang mga walis. Nung nakita nila ako na naglalakad patungo sa kanila, biglang kumaripas ang mga bubwit; akala naman nila ay hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon. Kaya sinabihan ko si student J na wag munang pauwiin ang mga pasaway, saktong may last period pa ako kaya di ko sila mahaharap pa.             After ng last period, dali-dali akong bumalik sa faculty, nag-ayos ng gamit at binitbit ang aking bag papunta sa aming classroom. Kinausap ...

26. hella cute questions (?)

10:17 PM 1/29/2018 *Nabagot ako habang nagpi-print ng certificates ng mga bagets; ang slow motion kasi ng printer ko eh. Nakita ko mula sa Twitter ang mga "hella cute questions” (?) kaya sinagutan ko muna habang naghihintay. 1. Who's the last person you held hands with? Myself. 2. Are you outgoing or shy? Shy. 3. Who are you looking forward to see? Yung pamangkin kong si Avram, kasi ang kulit nya at sarap asarin hahaha. 4. Are you easy to get along with? Yes! (without reservations unlike Alma…) 5. If you were drunk, who will be the person you like to take care of you? My mudra. (Pero di naman ako umiinom, as in sobrang dalang). 6. What kind of people are you attracted to? Yung mga creative na tao; yung may passion sa buhay; yung may sariling galaw sa mundo (hindi yung may sariling mundo, char). 7. Do you think you'll be in a relationship two months from now? NO! Hahaha. 2 months from now ay March. Gawaan ng grades, forms, re...

25. notepad

*Gumawa ng tala sa notepad habang nanunuod ng isang livestream video ng NASA. 11:23 PM 1/1/2018 Sa tagpong ito, pinapanuod ko yung livestream video (ng NASA) ng Earth mula sa outer space. Parang gusto ko na mapunta sa International Space Station (ISS); pakiramdam ko mas payapa ang buhay doon. Oh wait lang, blocking sa camera yung kung anumang part ng ISS na ito... di na tuloy makita yung amazing Earth. May kamay!  Inilibot ang camera; may astronaut pala sa labas. Akala ko naka-attach lang yung cam, bitbit pala. Ang kapal ng gloves sa kamay niya. Ano kayang pakiramdam na suot iyon… nakita ko rin yung salamin ng helmet niya, may mga marka ng gasgas. Kita na ulit ang Earth! Parang mga nyebe sa puti ang ulap. Tapus yung araw parang ang liit lang, para lang itong flashlight sa isang napakadilim na lugar. Nakaka-relax yung view, pati na yung instrumental na pinapatugtog. Kung sakaling mapunta ako sa ISS, gusto kong gawin yung fetal position habang nakalut...

24. cramming

2017 10 14 (Sabado)                 Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle.  Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa. Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan . Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga ...

bnw 02

Di ko na alam kung sino ang pumitik ng stolen shot na ito. Ang sigurado, ito ay 2014 o mas luma pa. At hindi ko na rin tiyak, kung nag-aayos lang ba ako ng locker o nag-aalsa balutan na. Pero kung 2014 nga ito, yung huling nabanggit ang totoo. 2017 11 29 | Wed, 8:54 AM Minsan, kailangan munang mag-muni muni. Malay mo, matuto na silang pahalagahan ang oras. 2017 12 02 | Sat, 2:18 PM Kasama sila Darryl at Neri. May kasalan nung araw na iyon sa San Sebastian. Kaya ipinagtirik na lang namin ng kandila ang aming mga samo't dalangin. 2017 12 03 | Sun, 3:39 PM Biglaang paglilinis at pag-aayos ng gamit. Ikinahon ko na ang lahat ng sa atin, char! 2017 12 16 | Sat, 5:46 PM Namili ng pang-exchange gift. Kami nila Budang, Olan at Sa. Sa pagbabalik ni Budang, ay siya namang pag-leave sa gc ni Clang, lol. Di na kami nabuo sa isang gc.

23. lottong adobo

                Pagbaba ko, inisip ko kung iinitin ko pa ba yung ulam naming adobo (na ulam din namin kaninang tanghali hahaha). Habang nasa kwarto pa ako alam ko na may nag-init na ng ulam, naamoy ko eh. Pag-angat ko sa takip ng kawali, tama lang pala na initin ko (ulit) ito kasi namumuo na ang sebo / mantika (hindi kasi kami sabay-sabay kumakain).                 Sa sala, ang palabas sa tv ay Lotto Draw (PTV 4). May taya na naman ang tatay ko. Mula nung bata pa ako ay tumataya na siya sa Lotto, pero wala ata akong matandaan na tumama siya ng bigtime yung tipong pwede na kaming ma-feature sa Ang Pangarap Kong Jackpot! Wala.                 Kaya habang ngumunguya, inimagine ko na lang… ano kaya ang magiging reaksyon namin pag tumama? Siguro, iaabot muna...

22. halo-halo

2017 07 03 (Mon, 9:58 PM) Mabuti pa yung kapitbahay namin, lagi na lang nambubulahaw sa kanilang pagvi-videoke. Master na master na nila ang skill na ito, dahil araw-araw itong nagaganap in fairness! Lalo na yung medley ng "tubi, maraming tutubi". o-O-o 2017 10 17 (Tue, 1:21 PM) (1) Mga orbs, mag-review kayong mabuti. Jologs ang babagsak sa mga test, Jasper pa man din kayo. Werpa mga erps! Dapat payaman at paunlad, ok?! :) Enka mabuti mga lodi! char. (2) Nung student pa ako, ang mga mag-aaral noon ay patay gutom... sa pagkatuto. Ngayon, ang mga students patay gutom pa rin naman... maging famous! Tse. Malalaos din ang kasikatan. Maluluma rin naman ang diploma. Pero yung pagkatuto sayong-sayo lang yan. Huwag kayong maging puno na walang lilim. Uwian na guys! *ipo-post ko sana ito sa fb group ng advisory class ko, pero naudlot… o-O-o 2017 11 02 (Thu, 7:06 PM) Gusto ko ng malinis at organiz...

21. pwedeng both?

         Ang lugar na iyon ay parang faculty namin sa tanghali (ang oras kung kailan naghahalo na sa iisang room ang mga AM at PM teachers). Samu’t saring usapan ang iyong maririnig. Parang tiangge ganun. Kung hindi man dedma, natatawa na lang kami kapag nagaganap iyon sa faculty; normal lang naman ang ganung eksena, tatahimik din kapag nakauwi na ang mga AM teachers at kapag nasa klase na ang karamihan sa mga PM teachers.             Sa ganung sitwasyon ko maihahalintulad ang coffee shop na iyon.               Hindi naman talaga magkape ang main objective namin; maaaring isa na yun kasi malamang mapaalis kami kung wala naman kaming order lol, pero higit sa lahat kailangan namin ng lugar kung saan kami makakapag-usap at makapagpapalitan ng ideya, makagagawa ng TOS at pre/post test ni Dreb. Tapus, kung anu-ano na lang ang aking napansin -       ...