Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na espesyal

Topaz :)

          Kahit pa napakadali nilang matunugan kasi sabi ni Aubrey (ang class president) –           “Sir, mag-oovertime daw po si Ma’am DG, mga 10 mins,” (habang nasa faculty)…           “Ok!” lang ang tangi kong sinabi. Kahit pa alam ko na di naman talaga nag-oovertime si Ma’am DG… o kung mag-overtime man, di naman na kailangan pang ipagpaalam.           Tapus sumegunda pa ng sundo si Eloisa (ang vice president ng klase) –           “Sir, punta ka na sa klasrum, sila Justin po kasi, nagkakagulo sila,” pero nakangiti nyang sinabi. At alam ko rin naman na kung magkakagulo sila ay sila pa nga ang hindi agad magsasabi dahil ayaw nilang mapagalitan.           Bitbit ang aking gamit, habang papalapit ay natanaw ko na sila sa klasrum. Nakagilid ang mga upuan at naka-formation sila sa harapan. May gitara at beatbox pang pr...

Valenzuela People's Park! :)

Ika-03 ng Abril, 2015 Biyernes, 11:35 ng umaga             Noong miyerkules (Abril 01), napagkasunduan namin na magbisikleta papunta sa isa sa mga bagong attraction ngayon sa Valenzuela – ang tinaguriang ‘parke sa gitna ng lungsod’ – Valenzuela People’s Park! Kaya kung magagawi kayo dito sa amin, wag niyong kalimutan na dumaan sa parkeng ito, may open space para sa mga nais mag-jogging / mag-exercise sa umaga, may nakaka-relax na fountain, may amphitheater na may mga pagtatanghal tulad ng dula o film showing na nagaganap na free admission pa, at meron ding lugar kung saan pwedeng mag-muni-muni at lugar palaruan para sa mga bata.             Sa ngayon ay tinatapos pa ang katabi nitong Valenzuela Town Center, na tiyak kapag natapos na ay mas lalong dadami ang mga uma-aura este bumubisita sa parke hahaha .          ...

ALAALA

Ika-15 ng Enero, 2015 Huwebes, 3:48 ng hapon             Lumilipas ang mga alaala.             Naglalaho. Nabubura. Tulad ng isang ideya, Habang tumatagal Ay di na maipipinta. Mayroon din naman Mga alaalang di kumukupas. Nagtatagal. Di napapagal. Tulad ng sa pag-ibig, Malambing na tinig. Walang wakas na himig.             Dumaan man ang panahon Isip man ay makalimot, May mga alaalang sa puso'y Nanunuot.             “Alaala”             ( Ang inspirasyon sa pagsulat ay mula sa blogpost na “RIP Tatay Herb” ni Hi! I’m Lili! )

Parang mas ok pa kung wala na lang itong pamagat. Pero lalagyan ko na lang ng kahit na ano. Kasi... sayang.

Ika-10 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 3:57 ng hapon 1. I am longing for someone or something, but I do not know who or what is that I’m longing for. (Nasabi ko na ata sa sarili ko ito dati. May pagka-psychotic na ba ako? lol.) 2. Parang nakakagawian ko na ang magregalo ng libro. Sa totoo lang, yung mga nireregalo kong libro ay gusto ko rin basahin, kaya may ‘hinayang effect’ o ‘separation anxiety’ kapag naibigay ko na hahaha . Pero, kapag naiisip ko naman na nasa mabuting kamay ang librong ibinigay ko, ‘at peace’ na rin naman ako. It’s like giving or sharing a piece of me to that person (ganun) . Minsan, hindi ko masyadong iniisip kung gusto rin ba ng pagbibigyan ko yung librong ibibigay ko sa kanya. Basta interesado ako sa book na nakita ko at sa tingin ko (in some ways) ay ‘swak’ naman sa kanya, yun na ang ibinibigay ko… or I don’t mind na lang hahaha . Bilang ideya ni Denise na mag- exchange gift (halagang 100 pesos lang naman) kaming lima nila Eldie...

"...from haggard to HAGGARD!" :)

Ika-24 ng Setyembre, 2014 Miyerkules, 5:05 ng hapon             Ganito rin ang panahon kahapon sa naganap na Division Science Quest 2014 . Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!             Lakas maka- haggard ng init habang nasa gym kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko para lang maibsan ang oily face at panlalagkit ko. Ang daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko) , lutang ang isip ko at sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha) . Unang Science Quest k...

BANGAG

Ika-13 ng Setyembre, 2014 Sabado, 4:49 ng hapon             Tumitig sa dingding…             Parang praning.             Walang magawa…             Bukas kawawa.             Mag-iisip…             Mawawala sa isang ihip.             Gawa…             Ngawa.             Bukas may araw…             May kanin na bahaw.             Isasangag…   ...

Para Kay B (Hindi Ito Tungkol Sa Libro Ni Ricky Lee)

Ika-24 ng Agosto, 2014 Linggo, 9:05 ng gabi Dirty Friend,             Ginawa ko ‘to kasi di kita binati nung birthday mo at wala rin akong binigay na regalo… alam mo naman medyo korni na ang dating sa akin ng mga ‘bertdey’ (senyales ba ito na matanda na ako? hehe) . Lahat na lang nag- greet sa iyo nung araw ng birthday mo, meron pa silang surprise at regalo… samantalang ako um attend lang tapus ‘nganga’ hahaha .             Sabi ko na nga ba, isa sa mga ‘special tactics’ mo yung pagbibigay mo sa amin (pati na rin sa iba) ng mga ‘surprise items’ , para ‘pag birthday mo ramdam mong maraming makokonsensya kapag di ka binigyan ng regalo hahaha . Pero hindi… napaka- thoughtful mo kasing tao.             Sabi mo – “…maganda sigurong maalala ka nila kahit di mo bday..un bang kahit di mo special d...

"... baka nasa nilalaman ng iyong puso." (God is NOT a genie)

Ika-23 ng Mayo, 2014 Biyernes, 1:43 ng hapon             Sa unang taon ko sa kolehiyo, matapos ang first semester ay kailangang dumaan sa isang qualifying exam ang lahat ng mga education students . Ang resulta ng prosesong iyon ang magbibigay sa iyo ng karapatan para magpatuloy sa major na pinili mo. Ako ay kabilang sa mga science major . Na kapag hindi ka pumasa sa qualifying exam ng iyong departamento ay kailangan mong mag- shift sa ibang major (kung maipapasa mo ito) o ang pinaka-masaklap ay ang mag- shift ka sa ibang kurso.             Tandang-tanda ko noong araw na iyon ang nararamdaman ko ay pagkasabik na may halong kaba. Nai- excite ako sa pagdaraanan naming proseso at kinakabahan kasi halos wala pa nga kaming 40 na science major ay mababawasan pa kami (grumaduate nga pala kaming mga science major sa bilang na 28) .     ...

On My Own POV :)

Ika-22 ng Mayo, 2014 Huwebes, 2:29 ng hapon             “Magsisimba kami, magsisimba ka ba?” … naitanong sa akin ito ng nanay ko linggo ng hapon noong nasa high school pa ako. “Hindi,” ang naging sagot ko sa kanya. Akala ko makukuntento na siya sa maikli kong tugon pero may isinunod pa siyang tanong… “Eh bakit ayaw mong magsimba?” … Di kaagad ako nakasagot kasi baka mabatukan ako ng nanay ko kapag nalaman niya kung ano ang nasa isip ko… pero sinabi ko pa rin… “Ayoko kasi parang inuuto lang tayo ng pari… tatayo, uupo, tatayo tapus luluhod, paulit-ulit,” sinabi ko ito ng hindi nakatingin sa kanya kasi inaabangan ko na ang hampas niya sa akin… but to my surprise (wow ah? hehe) , wala akong na- receive na pananakit ng aking mudra. Siguro nagulat din siya sa sagot ko, yung hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa… basta ang alam ko pagtingin ko sa mukha niya medyo nakangiti lang siya… sabay sabi “Parang engot to! Wag...

Kalam ng Kaluluwa

KALAM NG KALULUWA Patuloy kang gumuhit, Ng mga larawang kaakit-akit. Buong puso mong isulat, Mga kwentong nakapagpapamulat. Wag kang tumigil na lumilok, Ng mga pigurang mapanubok. Malinaw mong ipinta, Ang nakikita ng iyong mga mata. Iparinig mo ang iyong awit, Hanggang ito’y kanilang masambit. Buong lakas kang umindak, Di lamang para sa mga palakpak. Gawin mo ang iyong nais, Magpunyagi at magtiis. Walang hindi magagawa, Sa kumakalam mong kaluluwa. x-o-x-o-x #shorTULA #SigawNgKaluluwa

Panahon at Damdamin

PANAHON AT DAMDAMIN Nauubos din ba ang damdamin, tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin? Damdamin ba’y di nagwawakas, kahit pa panahon na ng taglagas? Bumabalik din ba ang naranasang pait, dulot ng mga tagpong sinapit? Damdaming patuloy kang hinahabol, Kahit pa panahon na ng tagsibol. O baka naman puso mo’y nanlalamig at di na kaya pang umibig? Mga alaalang hindi mawaglit,  Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit. Tulad ng isang unos, Damdamin bigla na lang bumubuhos. Matatapos din ang mauulang araw, Bahaghari ay iyo ring matatanaw. x-o-x-o-x #shorTULA #TulalangTumutula