Ika-03
ng Abril, 2015
Biyernes,
11:35 ng umaga
Noong miyerkules (Abril 01), napagkasunduan
namin na magbisikleta papunta sa isa sa mga bagong attraction ngayon sa
Valenzuela – ang tinaguriang ‘parke sa gitna ng lungsod’ – Valenzuela People’s
Park! Kaya kung magagawi kayo dito sa amin, wag niyong kalimutan na dumaan sa
parkeng ito, may open space para sa mga nais mag-jogging / mag-exercise sa
umaga, may nakaka-relax na fountain, may amphitheater na may mga pagtatanghal
tulad ng dula o film showing na nagaganap na free admission pa, at meron ding
lugar kung saan pwedeng mag-muni-muni at lugar palaruan para sa mga bata.
Sa ngayon ay tinatapos pa ang katabi
nitong Valenzuela Town Center, na tiyak kapag natapos na ay mas lalong dadami
ang mga uma-aura este bumubisita sa parke hahaha.
Narito ang ilan sa mga nakakasuya
naming pagmumukha lols: (ang mga kuha ay sa bandang bungad lamang ng
park, takot kasi kaming iwanan at ma-harbat ang aming mga bike hahaha, pero ang
totoo mas feel lang kasi namin sa parteng ito):
Isa sa mga pamosong istruktura ng parke na halos lahat ata ng Valenzuelano ay mayroong kuha niyan sa kanilang FB lol. |
Kaya ano pa nga ba ang masayang gawin, eh di ang mag-selfie by group hahaha. |
Ang mataray na pose ni Mam A, Tina, ako, Olan at Sarah. |
Kami lang ata nung araw na yun ang busy kaka-piktyur samantalang yung iba nagjo-jogging! |
Ang fountain! Na kakabugin ang dancing fountain ng Luneta tuwing gabi (weh?). |
Taho kapag medyo nahahapo. |
Matapos ang masaya at nakakapagod na pagbibisikleta, kami lang ang sumusugod sa kusina ng iba na akala mo ay may pinatago kaming pagkain hahaha. |
***Ang mga larawan ay kuha mula sa FB ni Miss A. Lopez.
Its a good thing that the the local government is thinking about the health aspect of the people loving in their community sa amin tapos mga finishing na lang ng path way para mas safe mag jogging.
TumugonBurahinTama. Malaki na rin ang ipinagbago ng Valenzuela, bawat barangay ay halos at sinisikap na magkaroon ng health center, sana lahat ng lungsod ay umunlad :)
BurahinSa amin din may 3 barangay health center na din na by sched ang free check up sa mga matanda, bata at may mga sakit.
BurahinGood to know! :)
Burahinkatuwa naman. nag punta dun ko dyan with my kids nong may school play sila:) nice place. taga valenzuenla ka rin pala. dyan nakatira mga sisters ko at two of my kids:)
TumugonBurahinHalos magkita na pala tayo Mommy Joy!
BurahinEh di sana nag-coffee at kwentuhan tayo sa Tully's na isang tawid lang mula sa park :)
Maganda na pala diyan eh hindi ko pa yan nadalaw ng hindi pa maganda, ha,ha,ha. Saya naman ng mga piktures, inggit much.
TumugonBurahinHahaha! Malaki na ang ipinagbago ng lungsod namin (nang-aangkin? hahaha) sir Jo, buti na lang di mo ito naabutan na mukha pa itong province hehehe. Malay mo sir Jo makadalaw ka dito, jump shot tayo! :)
BurahinNakakamiss ang Valenzuela. Tumira ako jan dati sa Marulas. Saan banda yan?
TumugonBurahinNanirahan ka rin pala dito Senyor! :)
BurahinAng parkeng ito ay sa Malinta, malapit sa South Supermarket, katabi ito ng bagong munisipyo. Ang Marulas naman ngayon Senyor ay tinatayuan na ng mga condo :)
Ganda! Valenzuela rings a bell to me kasi crush ko dati yung dating mayor ahahahaha #malandi
TumugonBurahinHahaha, si Sherwin ba ate Diane? :)
BurahinSi Rex na ang mayor ngayon, baka sa susunod ay ang kapatid naman nilang si Wes.
Kaya mamili ka - Win, Rex o Wes? :)
Si Sherwin hahahaha Kung ganun eh hindi na pala matutupad pangarap ko maging first lady ng Valenzuela bwahahahahahahahaha
BurahinPS paki tanggal yung ate.. nababastos yung edad ko hahahahahaaha
Hahaha, sige madam wala nang ate :)
BurahinPasyal-pasyal din pag may time.. Nakakamiss na din ang mga weekends #fambam sa mga parks.
TumugonBurahinTama cher Kat! Iba pa rin pag pumapasyal ang pamilya :)
Burahin