Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

2026 Day 249

  9:54 PM 1/9/2026               Oo na, wala akong entry nung Day 8, hahaha. Ewan ko ba, nahiga lang ako saglit kagabi, natuloy na hanggang kinabukasan yung idlip ko.     3:52 PM 9/6/2026               Noong new year (2026), ang sabi ko ay ibabalik ko yung daily journal ko. Nagawa ko naman for the first seven days, tapos pumalya na nung Day 8. At heto, Day 249 na ako nakabalik. Yung nasa taas ay last draft sa journal ko – naitulog pa nga. Hindi ko rin malaman kung saan ako napadpad ng buhay, kung bakit inabot ng 200+ days na nawala ang journal sa routine ko. May ilang sulat naman ako sa notebook.               So, anong gagawin ko ngayon? May nakita lang ako sa fb na “send me a number and I’ll give you an answer” – yung may set of questions sa picture, tapos kung may gusto, ila...
Mga kamakailang post

2026 Day 7

  10:54 PM 1/7/2026               Ang sabi ko, hindi na muna ako magku-kwento ng tungkol sa trabaho. Pero, medyo na-bothered lang kasi ako habang nag-check ng essay kanina [ng homogenous class]. Sa tagal ko nang nakagawian na mag-include ng essay questions sa mga assessment ay nagkaroon na ako ng ideya at expectation sa mga dapat maisagot ng mga bagets. Pinakamasakit sa ulo chekcan nung mga grade 7 pa yung hawak ko na mapagbibigyan ko pa kasi nga grade 7 pa lang naman. Nung napunta ako sa grade 10 at sa ngayon nga sa grade 9 [na ilang years na rin], syempre mas itinaas ko ang expectation sa mga sagot nila, lalo na sa homogenous class. Natatandaan ko sa mga previous batches, naluluwa yung mata ko kakabasa dahil sinisiksik talaga nila lahat ng alam nila sa mga tanong sa essay, okay din kaysa walang mabasa, may laman pa rin naman, accurate pa rin naman ang mga concept. Ngayon, parang may iilan na sumasablay. Marunong nama...

2026 Day 6

  10:42 PM 1/6/2026               Bukas may “visitation of the god/s…” Umay. May mga naalala na naman ako, hahaha.               Mag-comfort cards pa rin ako ngayong araw. Wala naman akong maalala na kakaiba or tumatak sa akin today. Pero bago ang comfort cards, evident talaga sa mga bagets ang problem sa level ng comprehension nila. Kung sa homogenous class nga eh ay hindi rin naman lahat agad makakaintindi sa kanilang binasa, ano pa sa heterogenous class? Saka yung retention ng natutunan, kasabay ata lumipas ng nakaraang taon. Yung akala mo hindi naturuan. Pati yung listening skill ng ilang bagets ay problematic na rin, uunahin pang dumaldal eh. Kapag napagsabihan naman hindi mai-drawing ang mga mukha. Gigil ako eh, hahaha. Dagdag ko na rin pala yung kapag may essay ako sa assessment nila, dun ko talaga nakikita kung gaano lang yung na-absorb at naiintin...

2026 Day 5

  10:42 PM 1/5/2026               Mahirap mang simulan ang unang araw ng pasok mula sa mahabang bakasyon, eh wala naman ako [kami] choice. Sabi nga ni Ma’am D kanina, gusto rin sana niyang umabsent pero “teacher ako [kami] eh,” hahaha. I am grateful lang na kahit pa parang lutang ang lahat ay naitawid naman ang unang araw, bukas balik na ulit sa routine. Buti na lang din at cooperative ang mga bagets today.               Am I dragging myself to work? Oo, hahaha. Parang di na kasi worth it maging guro sa bansa na ito. Do I still like what I do? Oo pa rin naman ang sagot ko. Lalo na kapag nasa harap ako ng klase. Napapakinggan at nakakapagturo. Siguro yung mga anek-anek na gawain yung nakakapagpa-drain sa akin. Sabi ko nga kay Clang kanina, parang okay na ako siguro sa 8-to-5 na work. Yung pag time out eh wala na, out na talaga.      ...