Ika-27 ng Oktubre, 2013
Linggo, 5:18 ng hapon
Unang araw ng sembreak. Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko
uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko
masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo
na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe.
Hindi naman ako makapanuod ng tv, dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang
napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing
kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’
sa kanilang videoke. Anyway, di naman talaga ako madalas
manuod ng tv…
Bukas ay eleksyong pang-barangay. Parang nadarama ko na huwag
nang bumoto (bad example hehe).
Sila-sila rin naman ang tumatakbo (ni
hindi ko pa nga kilala yung iba), tapus pare-parehas lang din ang sinasabi
na sila’y maglilingkod kuno, daming sinasabi, di na lang gawin. At saka ‘same-old-ways’ pa rin naman ang
pangangampanya dito sa aming lugar, libakan ng mga partido, kala mo naman
kaylinis nilang lahat hehe.
Ika-28 ng Oktubre, 2013
Lunes, 4:14 ng hapon
Kailan kaya darating ang Bayantel para ayusin na ang telephone at internet connection namin. Sayang naman ang sembreak. Ito na nga lang yung panahon na pwede akong makapunta
kahit saan basta may wifi hehe. Kainis!
Kaunti lang ang nagawa ko ngayong
araw. Ninanamnam ko kasi yung katahimikan dito sa bahay at saka yung banayad
lang na init ng hapon. Simula nang dumating yung pamangkin ko dito sa bahay, di
na nagkaroon ng katahimikan at kaayusan, kaya ngayon na natutulog siya, payapa
dito sa aking lugar. Sapat lang din ang ingay ng kapitbahay, baka naka-rest mode lang, tapus mamyang gabi
bibirit na naman sa videoke lols.
Bale, tatlong araw na akong di
lumalabas ng bahay. Nawiwili na naman ako sa bisyo kong ito ng pagkukulong.
Kaya nga gusto ko talagang mag-audition
sa ‘Bahay ni Kuya’ kasi feeling ko may advantage ako dun, dahil sanay na sanay na (as in expert level na) akong makulong sa bahay sa loob ng ilang
araw hehe. Kaya pakiramdam ko,
pagnakapasok na ako dun, wala lang, ‘nothing
is new’ ika nga lols.
Ika-31 ng Oktubre, 2013
Huwebes, 10:49 ng umaga
Huling araw na ng Oktubre. Kaya
kahit sa Nov. 4 pa ang resume ng klase, itinuturing ko na itong
huling araw ng aking sembreak.
So
anung nangyari? Ayun, kinarir ko ang pagtatago dito sa loob ng bahay haha.
Kaya minsan kapag lalabas na ako nasasabihan ako ng-
“oh nandyan ka pala, kala ko nagbakasyon
ka di kasi kita nakikita”
(yung
medyo nakakainis kasi sa loob nga lang ako ng bahay nagbakasyon haha)
“parang pumuti ka!”
(na
di nila alam, namumutla lang ako kasi di ako naaarawan lol)
Gayunpaman…
Sana
bago ang pasukan ay maigala ko naman ang katawang lupa ko hehe. Nagkaroon na
ulit kami ng internet sa bahay kaya
isa siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit lagi lang akong nasa loob ng
bahay. Pwede namang makipag-socialize
sa virtual world lol (pampalubag loob lang).
Gusto
ko sanang sumama nung nag-aya na mag-bike-athon
yung mga estudyante ko kaso wala na kaming bike
(sayang lang). Kaya nakuntento na
lang ako na tignan sa facebook at
kanilang masayang bonding, at least naging masaya sila, masaya na
rin ako (showbiz).
Napakalaki
ng pagkakaiba nung 7 months kaming
nawalan ng internet kumpara sa ngayon na meron na ulit. At ito ay ang mga
sumusunod: (parang lecture lang)
a.
Nung nawalan kami ng internet, tuwing linggo bumibili ako ng Manila Bulletin. Ito na yung pang 1 week kong balita, minsan kasi yung mga
nasa pang- linggong labas ng Manila
Bulletin ay isang linggo ring binabalita sa tv… kaya binabasa ko na lang haha.
b. Tapus,
napagtyayagaan kong magbasa ng mga luma kong libro (paulit-ulit lang) o kahit pa ng mga ebook, dahil di naman ako
makapag-surf para makapagbasa ng mga blogs.
c.
Na medyo gusto ko nang makipag-usap ng madalas sa mga taong nakakasalamuha ko o
kaya sa mga co-teachers ko dahil di
na ako nakkikipag-chat sa mga nakakabaliw
na random people sa mundo haha.
d. Na
nakahiligan ko nang manuod ng mga movies
o tv series (tulad ng Prison Break) dahil mahirap pag walang internet, walang mapanuoran ng mga
pelikula o documentaries (feeling smart lang).
e.
At ang pinakamahirap sa lahat ay ang makigamit lang ng wifi sa school. Kasi hanggang
5pm lang ang wifi, paglampas ng 5pm OFF
na as in pinapatay na haha, kakaloko
talaga! Kaya kapag vacant o 1 hour bago umuwi, nagda-download na ako ng mapapanuod o ng kung
anong mababasa. Kaya tuwing vacant
lang din ako nakakapag-blog hopping
kaso bitin pa, syempre marami ka rin dapat tapusin habang nasa school.
Kaya,
ngayon feeling connected na ulit ako sa mundo… sa sarili kong mundo.