Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na sariling likha

Para Kay B (Hindi Ito Tungkol Sa Libro Ni Ricky Lee)

Ika-24 ng Agosto, 2014 Linggo, 9:05 ng gabi Dirty Friend,             Ginawa ko ‘to kasi di kita binati nung birthday mo at wala rin akong binigay na regalo… alam mo naman medyo korni na ang dating sa akin ng mga ‘bertdey’ (senyales ba ito na matanda na ako? hehe) . Lahat na lang nag- greet sa iyo nung araw ng birthday mo, meron pa silang surprise at regalo… samantalang ako um attend lang tapus ‘nganga’ hahaha .             Sabi ko na nga ba, isa sa mga ‘special tactics’ mo yung pagbibigay mo sa amin (pati na rin sa iba) ng mga ‘surprise items’ , para ‘pag birthday mo ramdam mong maraming makokonsensya kapag di ka binigyan ng regalo hahaha . Pero hindi… napaka- thoughtful mo kasing tao.             Sabi mo – “…maganda sigurong maalala ka nila kahit di mo bday..un bang kahit di mo special d...

Kalam ng Kaluluwa

KALAM NG KALULUWA Patuloy kang gumuhit, Ng mga larawang kaakit-akit. Buong puso mong isulat, Mga kwentong nakapagpapamulat. Wag kang tumigil na lumilok, Ng mga pigurang mapanubok. Malinaw mong ipinta, Ang nakikita ng iyong mga mata. Iparinig mo ang iyong awit, Hanggang ito’y kanilang masambit. Buong lakas kang umindak, Di lamang para sa mga palakpak. Gawin mo ang iyong nais, Magpunyagi at magtiis. Walang hindi magagawa, Sa kumakalam mong kaluluwa. x-o-x-o-x #shorTULA #SigawNgKaluluwa

Panahon at Damdamin

PANAHON AT DAMDAMIN Nauubos din ba ang damdamin, tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin? Damdamin ba’y di nagwawakas, kahit pa panahon na ng taglagas? Bumabalik din ba ang naranasang pait, dulot ng mga tagpong sinapit? Damdaming patuloy kang hinahabol, Kahit pa panahon na ng tagsibol. O baka naman puso mo’y nanlalamig at di na kaya pang umibig? Mga alaalang hindi mawaglit,  Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit. Tulad ng isang unos, Damdamin bigla na lang bumubuhos. Matatapos din ang mauulang araw, Bahaghari ay iyo ring matatanaw. x-o-x-o-x #shorTULA #TulalangTumutula

Apat na shorTULA, sa Klasrum Nagmula

TROPHY Paghihirap ay di mababalewala, Makakamit din ang gantimpala. Huwag sumuko sa laban, Pag-asa'y laging nariyan. Walang kasing taas at kintab, Tagumpay na umaalab. Nasa amin na ang 'trophy,' Inangkin namin ang 'victory!' _ _ _ _ _ _ _ NAT (Test Booklet) Mga tanong na makukuNAT, Pilit na inuungkat. Lahat ay pasasagutan, 'One to sawa,' walang ayawan. Tunay na kaalaman, Mayroon ba talagang sukatan? Kung ma-'perfect' namin ang NAT, Kami ba'y magiging ANGAT? _ _ _ _ _ _ _ LAPIS Lapis na matulis, Mukhang kanais-nais. Animo'y bago, Walang naidulot na pagbabago. Lapis na pudpod, Niluma ng ubod. Tunay na ginamit, maraming nakamit. _ _ _ _ _ _ _ ANSWER SHEET Apat na letra, A, B, C at D ang makikita. Itiman ang napili, Tama man o mali. Buhay ay naglaan, Ng mas maraming pagpipilian. Malaya kang pumili, 'badtrip...

BOLPEN

BOLPEN Bawat taong nakasalamuha ko, ay kahalintulad ng isa sa mga bolpen ko. May MANIPIS at MAKAPAL, meron ding MURA at MAHAL. May kani-kaniyang KULAY at TATAK, Sariling tingkad at gayak. Malabo man o hindi ang TINTA, Lahat ay mag-iiwan pa rin ng MARKA. x-o-x-o-x #shorTULA #MyBallpensInMyBlackPencilCase #BakitPencilCaseAngTawagKungMayBallpenDinNaman

Ako at ang Aking Cross Stitch :)

         Noong isang araw (umaga) , habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang project kong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.             Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa) , na- amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha . Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitch kong ito (parang ang tanda ko na lol) .             Dati kasi naka- frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years , wala na yung frame , medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.     ...

The Stranger

‘ESTRANGHERO’ -jepbuendia- Dalawampu’t tatlong taon na kitang kasama, ngunit di pa rin lubos na magkakilala. Napakadalang nating mag-usap, hindi nga rin magawang mayakap. Alam kong sa trabaho, ikaw ay abala. Kami rin naman kasi ang iyong inaalala. Sa iyong pagsisikap, marami kaming natatanggap, ngunit higit pa dun ang aking hanap. Sa iba, di ko maiwasang mainggit. Sila, na sa kanilang ama’y malapit. Iniisip ko kung paano kaya madarama, ang pagmamahal ng isang ama. Araw-araw man tayong nagkikita, di naman natin madama ang isa’t isa. Maraming kwento ang lumipas na, mga tagpong di man lang kita nakasama. Ayokong isipin na ang ama ko ay para bang isang estranghero. Sana’y magkakilala pa tayo, ako na anak mo, ikaw na ama ko. x-0-x-0-x P.S.                 Father’s Day, pero di ko man lang mabati ang aking ama. Hindi ko alam kung bakit di ako naging close...

Hiyang-Hiya Naman Ako Sa'yo

“Hiyang-hiya Naman Ako Sa’yo” -jepbuendia-                 Hiyang-hiya naman sa atin ang sarili nating bansa. Dati halos ubusin na natin ang mga telenovelang di sakto sa bibig ang dialogue na mula sa madalas nating kalaban sa boxing- ang Mexico . Tapus ngayon, mula umaga, hapon at gabi, kulang na lang lahat ng time slot eh may Koreanovela… requirement na ba yun sa isang tv station?                 Ano na bang nangyari sa sarili nating identity ? Wala na bang kakayahan ang mga NoyPi na gumawa ng orig?                 Sa pangalan pa lang eh nalalabnawan na ako sa ating pagka-Pilipino. Di naman sa nais kong manatili sa mga makalumang pangalan tulad ng Kurdapia, Procorpio o kaya tulad ng pangalan na Makisig at Mayumi. Ang pinupunto ko lang ay yung bakit O...

Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa :)

“Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay Charice Meron Pa” -jepbuendia-                 Sabi ni Dan Brown, kung hindi man nagustuhan ng iba ang ‘taste’ niya sa pagsusulat- “I cannot do anything about it.” Oo nga naman, may punto siya dun. Dahil kung didiktahan natin siya sa kung ano man ang dapat niyang isulat, eh di sana hindi na lang siya naging manunulat. Gayunpaman, tulad ng kanyang sinabi, wala rin talaga siyang magagawa kung marami ang nag-react sa kanyang isinulat tungkol sa Manila na binansagang “gates of hell” sa kontrobersyal niyang akda na “Inferno”.                 Eh ano ngayon kung sabihan man niyang “gates of hell” ang Manila? Ang librong isinulat niya ay nasa kategorya ng mga akdang “fiction”. Ibig sabihin, likhang-isip lamang at hindi makatotohanan. At kung may nais man siyang iparating na kahit na anong mensahe ...

Hapag-Kainan

“HAPAG KAINAN” -jepbuendia-             Kung nakapagsasalita lamang itong aming hapag-kainan, marahil di sapat ang isang maghapon para sa lahat ng nasaksihan nitong mga tagpo. Ang mga selebrasyon, tawanan, kwentuhan, galit, pangaral pati na mga pagbubunyag at marami pang iba, lahat ng mga ito ay  nangyari dito sa aming munting hapag.             Bilang isang ina, maligaya ako na napagsisilbihan ko ang aking pamilya. Ang araw-araw na pagluluto at paghahain sa kanila ay naging parte na ng aking buhay.             Isang pahabang lamesa itong aming hapag. May tig-isang upuan sa magkabilang panulukan, at tig-tatlo naman sa gilid. Naging saksi ako kung paanong unti-tunting napupuno itong aming hapag ng mga umuupo’t kumakain sa paglipas ng panahon. Dati ay ang aking asawa lamang ang nakaupo sa panulukan at ako ...

ROOMMATE

“ROOMMATE” -jepbuendia-             Kinailangan kong manirahan sa mala-dorm na apartment na ito mula nung mag-aral ako ng kolehiyo. Mas malapit sa eskwelahan, mas okay yun para sa akin, menos din yun sa gastos. Kaya nga pinilit ko sila tita at kanyang asawa na nagpapa-aral sa akin dito sa Maynila na hayaan nila akong magrenta ng matutuluyan para di ako masyadong mahirapan, at saka nahihiya rin ako na makihalubilo sa kanilang pamilya, mas lalo ko lang nami-miss sila mama.             Kakaiba ang apartment building na ito. Mala-dormitoryo para sa mga estudyante ang itsura. Iba-iba rin ang laki ng mga kwarto, depende kung ilan ang kayang ilagak nito o depende sa kakayahang magbayad ng uupa. Halimbawa, kung may pambayad ka, pwede mong upahan ang isang buong kwarto para sa iyo, kung hindi naman, maaari kang makisalo sa iba, parang bedspacer, hati-hati na lang kayo sa baya...